5

1.2K 25 1
                                    

"Hayy natapos din!." naunang pumasok sa quarters si Denny kasunod nito si Jonah na tulak tulak ang trolley nito.

"Oh! Nauna ka pa pala sa amin Carmela." puna sa kanya ni Jonah na nagpupunas ng pawis.

Napakamot siya sa pisngi niya.
"Ahh oo eh. Hindi naman kasi ganon karumi sa floor ko."

Magkasalubong ang kilay ni Denny na kinilatis ang mukha niya.
"Mugto yang mata mo? Anyare?." tinabihan siya ni Denny sa pagkakaupo sa kama niya.

Binaling na lang niya sa iba ang mukha niya para hindi na siya nito usisain pa. Malamang sa malamang ay mugto pa rin ang mata niya dahil sa pag-iyak niya kaninang umaga.

"Wala ito." sagot niya.

"Mmh... tara lunch na tayo. Kanina pa ako nagugutom!." aya sa kanya ni Denny at kinaladkad na nga siya pababa ng floor nila. Naiiling na lang silang sinundan ni Jonah. Dumeretso sila sa canteen sa ground floor.

Pagkatapos nilang mag-order ng pagkain ay sa mini park sila ng Hotel kumain.

"Sila Chinita at Sic pala?." tanong niya.

"Magkasamang kumain. Kami talagang dalawa lang ni Jonah ang magkasamang maglunch eh, buti andito ka na rin." si Denny.

Tahimik lang naman sa katapat niyang bench si Jonah na kumakain.

"Hayaan mo na yang si Jonah. Nagsawa na sa kadaldalan ko yan kaya hindi na palaimik." biro ni Denny.

"Ang daldal mo talaga. Hala sige kumain na para makabalik na agad tayo." irap naman ni Jonah kay Denny na tinawanan naman ng huli.

Napakunot naman ang noo niya ng mapansin ang komosyon sa loob ng restaurant. Madali lang masilip dahil salamin lang naman ang agwat nito sa parke.

"Anong nangyayari doon?." curious na tanong niya.

Napatingin naman sila doon.
"Ahh yung food critic na naman yan. Every first week kase ng buwan ay pumupunta yan dito para tikman ang mga menu dyan. Yang resto na yan ang mismong resto nitong hotel." paliwanag ni Denny.

"Pasado naman lahat sa kanya pero ang dinig ko kanina absent pastry chef nila ngayon. Narinig ko kanina nong naglilinis ako." dagdag pa ni Jonah na nakatingin na rin pala doon.

"Andoon si Fafa Timothy oh! Naku stress na naman yang si Fafa! Shempre diba mababasa sa magazine and website yung review kaya dapat lahat ay perfect score." daldal pa ulit ni Denny.

Andoon din pala si Timothy. Kitang-kita sa kinaroroonan nila ang paguusap nito at ang mga crew ng resto.

"Sa tinapay ba sila palpak?."

"Hmm baka, absent nga diba. Nagresign na kase yung dating pastry chef yung bago ewan. Wala na rin makagaya sa mga recipe niya." huli na ng matagpuan niya ang sarili na palapit sa komosyon.

Nang makalapit siya mismo ay na curious siya sa lasa ng tinapay.

"Ibalik niyo na yan sa kitchen." utos ng isang lalaki sa isang waiter. Agad naman kinuha ng waiter ang nireject na tinapay at naglakad na papuntang kusina pero bago pa iyon ay nilapitan niya ito.

"Pwede ko bang tikman?."nawirduhan naman ang lalaki pero tumango rin kalaunan.

Kimuha siya ng tinapay at tinikman.
Nang may bigla na lang humablot sa braso niya.

"Carmela di tayo pwede dito! Tara na." aya sa kanya ni Jonah na humahangos pa. Sumunod na pala ito sa kanya.

"Gusto kong tumulong sa kanila."

...

Sinerve na agad sa food critic ang bagong bake na tinapay at iba pang pastries. Parang huminto ata ang tibok ng puso niya habang hinihintay na tikman ito iyon.

"Mapapatay tayo ni Sir kapag pumalpak to!." gigil na bulong sa kanya ni Jonah.

"Magtiwala na lang tayo kay Carmela." saway naman ni Denny dito. Para lang silang ewan na nagtatago sa matangkad na halaman na nakatayo sa malaking paso.

Hindi na lamang muna niya initindi ang mga ito at binasa na lang ang ekspresyon ng lalaki sa tinapay na tinikman.

Sa una ay kunot na kunot ang noo nito hanggang sa unti unting umaliwalas ang mukha nito. Nagkibit ito ng bakikat.

"This is much better than before. The texture is finer and the flavor is there. " nagcheer ang mga waiter na nasa tabi.

Nakahinga naman siya ng malalim sa narinig.

"Omg! Ang galing mo Carmela!." niyugyog siya sa braso ni Denny sa sobrang excite at saya. Sinaway naman agad ito ni Jonah baka kase marinig sila dito sa pinagtataguan nila.

Nakangiting nakipagkamayan si Timothy sa food critic. May inabot itong papeles at nagpaalam na rin matapos purihin ang chef sa mga hinanda nito.

Nang makaalis na ng tuluyan ang food critic ay bumalik ang istriktong mukha ni Timothy.
"Everyone in the kitchen!."

"Tara na. Bumalik na tayo." bulong ni Jonah at kinaladkad na sila pareho ni Denny paalis sa resto pero bago iyon ay hinarang sila ng isa sa mga waiter.

"Ang galing ng ginawa mo. Halika ipapakilala kita kay Sir!." kahit na anong tanggi niya sa lalaki ay hindi siya nagwagi lalo na't pinagtulungan siyang itulak nila Denny.

Namalayan na lang niya ang sarili sa loob ng kusina.

"Job well done. I wanna know who save us from disgrace." anunsyo ni Timothy.

"Sir! Siya po ang gumawa ng tinapay kanina." tinaas ng lalaki ang kamay niya sa ere. Mabilis naman niyang inagaw dito ang kamay niya at napayuko ng balingan siya ng tingin ni Timothy.

"At ano naman ang alam ng janitress sa pagbe-bake?!." lalo siyang nalubog sa kahihiyan sa lantarang pamamahiya nito sa kanya.

"Sa maniwala po kayo sir. Siya po talaga yung nagbake kanina."pagtatanggol sa kanya ng waiter.

"Yes sir."

"Tinulungan niya po kami."

"Ang galing niya nga po."

"Enough! I don't need your praises about her!."masungit na sita ni Timothy.

Nanginig ang kalamnan niya ng tumapat ito ng tayo sa kanya.

"How dare you to step inside this kitchen, you filthy rat!." madiing saad nito.

"Dahil mahilig ka namang mangialam bakit hindi ikaw ang maglinis ng kusina." mabilis naman siyang tumango kahit gustong gusto na niyang umiyak.

"Tutulong kami. Pamalit man lang sa pagtulong mo kanina." rinig niyang komento ng iba.

"No one will help her! She'll do the whole kitchen alone! Oras na malaman kong tinulungan niyo siya ay hindi ako magdadalawang isip na tanggalan kayo ng trabaho." anunsyo nito bago tuluyang umalis.

..

Revenge series 1: CARMELA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon