(PART I)
"Sir nakahain na po ang almusal." yaya sSir nakahain na po anga kanya ni Manang Rowena ng madaan siya sa kusina.
Tumuloy naman siya sa panyaya nito at binulsa na ang hawak na phone. Kakatapos lang siyang tawagan ni Edward para i-remind siya sa mahalagang meeting na gaganapin mamaya mamaya lang.
"Si Carmela? Hindi mo pa ba inakyat sa kwarto niya?." tanong niya sa katulong ng maupo na siya sa mesa at sumimsim ng kape.
Nilapagan naman siya ng katulong ng plato at kubyertos sa tapat niya.
"Eh Sir, nagpapaakyat na lang po ng almusal si Ma'am."Naibaba niya ang tasa ng kape niya at takhang napalingon sa katulong.
"Why? Is she not feeling well?."Umiling naman ito. "Mukhang hindi naman Sir. Baka gusto lang kumain sa kwarto."
"Eh lagi namang sumasabay sa akin sa almusal yun huh." bulong niya sa sarili ngunit narinig naman ng katulong.
"Ganon lang talaga Sir kapag buntis, baka iba lang mood ni Ma'am ngayon." paliwanag nito.
Huminga siya ng malalim. "Alright. Just check on her mamaya just in case kapag dinalhan mo siya ng breakfast. Don't forget to give her milk and her vitamins. Hindi ko na rin kase siya masisilip pa dahil nagmamadali na rin ako." paalala niya rito.
"Okey po Sir."
Kinibit balikat na lang niya ang naiisip na rason kung bakit iba na ang kinikilos ng dalaga kapag andyan siya sa tabi. Hindi lang kase ito ang oras na hindi siya sinabayan ng dalaga sa almusal, pati na rin sa gabi ay hindi na niya ito naaabutan. Ni anino nito ay hindi niya nakikita, samantalang noon ay nagkakakwentuhan pa sila nito habang nanonood ng mga palabas sa tv. Kahit ang paburito nitong pampalipas ng oras na pagbe-bake ay hindi na rin niya nakikita, kung minsan naman ay nakahanda na sa mesa ang mga nakahandang cupcake na dadalhin niya sa hotel. O diba, halatang halata naman ang pagiwas sa kanya nito. Ayos naman sila nong mga nakaraang araw eh. Mukhang naiilang pa rin siguro dahil sa namagitan sa kanila noon.
..
"Ma'am andito na po yung almusal niyo." katok ni Manang Rowena sa pinti ng kwarto niya.
Tinigil na niya ang pagkutkut sa kuko niya at agad naglakad sa pinto para pagbuksan ang katulong.
Agad siyang napangiti ng umalingasaw ang amoy ng mabangong sinangag na kanin with extra garlic,tapa rin at ang paborito niyang pritong bangus belly.
"Wow! Sakto gutom na gutom na ako Manang." tuwang tuwa niyang sinundan ang katulong na nagtuloy tuloy na sa mesa niya sa loob ng kwarto.
"Eh ikaw naman kaseng bata ka kung makaiwas kay Sir Thy eh. Natitiis mo pang hindi kumain agad ng almusal kawawa naman ang baby." sermon agad sa kanya nito.
Napabusangot ang mukha niya ng maupo sa harap ng pagkain.
"Eh ano ba kaseng nangyari sa inyo? Nag-away ba kayo? LQ?."
"LQ?! Hindi naman po kami eh." depensa niya rito.
Tinaasan lang siya nito ng kilay at humila rin ng isa pang upuan sa harap niya at naupo.
"Hindi raw? Eh ganon kaya umarte eh."Nagumpisa na siyang sumubo ng pagkain.
"Diko lang po siya trip makita. May ganon kase akong araw eh, na nabubuset po akong makita siya. Baka ganon po talaga kapag buntis hehe." palusot na lang niya rito."Ewan ko sa inyong dalawa. Hala sige magdahan-dahan ka naman sa pagkain!." paalala sa kanya nito ng mapansing mabilis siyang kumain.
"Ang sarap naman kase ng luto niyo Manang!." ngiti niya rito habang punong puno pa rin ang nga pisngi niya ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficção GeralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...