Tw: self h*rm
Mabigat ang katawan niya ng magising sa hindi pamilyar na kwarto. Agad siyang nagpanic ng maalala ang kaibigan ni Timothy na gustong magsamantala sa kanya.
Pinakiramdaman niya ang sarili pero wala naman siyang maramdaman na iba maliban na lang sa pananakit ng katawan dahil tinanghali siya ng gising. Pansin niya rin na iba na ang suot niya. Nakawhite shirt lang siya ngunit may panloob naman.
Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
Sinikap niyang bumangon bago tahimik na lumabas sa kwarto. Pinuntahan niya ang kusina ng may marinig na ingay doon.
"Israel?." gulat na sabi niya ng makita ang pamilyar na bulto ng lalaki na abala sa lababo.
Nakangiti namang humarap ito sa kanya.
"Hey! You're up!.""Paanong--.?" nagtatakang tanong niya.
"Upo ka na. Ihahanda ko lang tong brunch natin." masayang sabi nito. Fresh na fresh ang lalaki sa suot na white v-neck shirt at cargo pants. Amoy na amoy din ang preskong shampoo nito.
Sinunod naman niya ito. Pinagsandok muna siya nito ng pagkain bago umupo sa tapat niya.
"Paano ako napunta dito?." tanong niya ng malunok niya ang pagkain.
Natigilan naman sa pagsubo ang binata.
"Wala ka bang matandaan?."
Napasabunot siya sa sarili dahil kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala bukod sa dinala siya ni Timothy sa bar para lang ipamigay siya sa mga kaibigan nito. Hanggang doon lang ang naaalala niya.
"Baka side effect yan ng drugs na pinainom sayo. Wala ka sa sarili ng iuwi kita rito." paliwanag ni Israel.
"Salamat sa pagliligtas sa akin." mapait na pahayag niya rito.
"Salamat din sa pagkain pero kailangan ko ng umuwi." sabi niya rito.
"Huh? Finish your food first then I'll drive you home." Israel offered but she just shook her head and bit her lips.
"Okey lang, kaya ko."
"Carmela--."
Inilingan niya ito at pinigil ang pagpiyok. "K-kailangan kong mapag-isa. Pakiusap." hindi na niya ito hinintay pang magsalita. Mabilis siyang umalis sa unit nito.
When she entered the elevator she totally lost it. Tuluyan na siyang naiyak.
Hindi na nga niya matandaan kung paano siya nakauwi sa apartment niya. Doon niya nilabas ang lahat ng sama ng loob. Umiyak siya ng umiyak sa apat na sulok ng kwarto niya hanggang sa mapaos na siya.
Pinipilit niyang hanapin ang sagot kung bakit nahantong sa ganito ang tahimik niyang buhay. Kung paanong kay dali para sa ibang tao na sirain at babuyin ang pagkatao niya. Sirang sira na ang pagkatao niya. Walang wala na siya. Baka sa susunod ay masiraan na rin siya ng bait.
Pinunasan niya ang mata ng marinig ang boses ng landlord na kumakatok sa apartment niya.
Hindi na siya nag-abala pang mag-ayos at binuksan na lang ang pinto.
"May tawag ka." sabi ng ginang at inabot sa kanya ang cellphone.
"Ibalik mo na lang saakin mamaya." nag-aalangan na sabi nito ng makita ang itsura niya.
Tumango lang siya at sinara na ang pinto.
"Carmela." kusang nalaglag ang mga luha niya ng marinig ang boses ng lalaki. Wala na. Hawak na talaga siya nito sa leeg. Pati ba naman sa inuupahan niya ay may koneksyon pa rin ito.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Aktuelle LiteraturSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...