After meeting his engineer that afternoon he planned to be back on his office before 3pm kaya naman di na siya nagaksaya ng oras at sumakay na sa dala niyang kotse at nagmaneho na paalis.
He grabbed his tumbler to drink water habang hinihintay ang traffic light na mag-go. Hindi naman marami ang mga sasakyan ng oras na yon so he knows na makakarating siya ng mas maaga kesa sa inaasahan niya.
He was ready to hit the road again ng mapansin niya ang dumaan na bisikleta sa harap niya. Mabilis niyanh napansin yun di dahil dumaan ito sa harap kundi may namumukhaan siya sa nagmamaneho non. And to his surprise, he found himself driving and following the bicycle kahit na nakakalayo na ito dahil kaka-go lang ng ilaw.
Parang nakikipagkarerahan ang puso niya dahil sa bilis ng tibok nito. Nanginginig din ang kamay niyang nakahawak sa manibela at pakiramdam niya ay nanlalamig ang talampakan niya. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang ganito kalakas na kilabot. Halos di na niya pinipikit ang mata para lang masundan ang bisikleta dahil kumpara sa sasakyan niya ay maliit iyon kaya madali lang itong sumuot sa kalsada.
Sa huli ay nakita niya na itong huminto at nagparada sa isang tindahan. Nang makarating doon ay pinark niya sa tabi ng bisikleta ang sasakyan niya at lumabas at tinignan ang paligid. Doon niya lang nalaman na bumalik lang din pala siya, sa harap niya ay iyang cafe at sa tapat nito ay ang construction site niya.
Naalala niya rin bigla ang sinabi ng Engineer niya kanina na sa tapat lang din daw nito nabili ang mga pastry. Lalong lumakas lang ang kutob niya.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya ng pumasok siya sa loob ng cafe. Sinalubong siya ng mabangong amoy ng butter at matapang na aroma ng kape. May ilan ding mga customer sa loob. Masasabi niya ring di basta basta ang cafe dahil sa design ng interior nito at ang tahimik at payapang ambiance nito.
"Good afternoon Sir! What can I get for you today?." bati sa kanya ng babaeng nasa counter ng makalapit siya para magtanong.
"May empleyado ba kayong 'Carmela' dito?." puno ng kabang tanong niya.
Nangunot naman ang noo ng babae sa ta nong niya. "Sir?."
"What I mean is--."
"Sorry na-late ako. Ako na dyan Aileen." boses ng babaeng nagpakilabot sa kanya.
Nagaalinlangan na lumipat ang tingin ng isang babae sa bagong dating. "Hanap ka raw."
"Huh?." napatingin ito sa kanya. Parang huminto ang paghinga niya ng magtama ang tingin nila.
"Ano po yon, Sir? Hinahanap niyo raw po ako?." tanong nito sa kanya. Pero di niya magawang makapagsalita.
"Sige na Aileen. Ako na rito, salamat." tumango naman ang Aileen at nakipagpalitan na ito ng shift kay Carmela.
"Sir?." bumalik ang atensyon nito sa kanya. Curious ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
"Carmela?." he whispered.
"Ako nga po Sir." hinawakan pa nito ang nameplate nitong naka-pin sa uniform nito para ipakita sa kanya.
"Kilala niyo ba ako?." tanong nito.
Tumango siya ng wala sa sarili. "A-ako.. Do you know me?."
"Sorry Sir, ngayon ko palang kayo nakita." deretsang sagot nito.
Napalunok siya sa sagot nito. Di niya mahanap ang mga sariling salita.
"Can I get your order na po, Sir?." nginitian siya nito ng mabilis.
"I... I.. I'll get caffe americano." nasabi na lang niya.
"Dito niyo po ba iinumin?."
"Uh.. yes." inabot niya rito ang card niya para magbayad.
"Alright. Iseserve na lang po, sir. Thank you." tatalikod na sana ito para gawin ang order niya pero pinigilan niya ito.
"Carmela, can I talk to you later?."
Humarap naman ng maayos sa kanya ang dalaga.
"Sorry sir nagtatrabaho po ako." magalang naman na sagot nito sa kanya."I can wait until your shift is over."
Medyo kumibot na ang isa nitong kilay sa sinabi niya.
"Uh sir, pasensya na po pero di po ako interesado. Di niyo ako madadaan sa mga paenglish niyo, kilala ko na yang mga galawang yan.""Huh? I don't mean s--." pero tinalikuran na siya ng dalaga at mabilis na ginawa ang kape niya.
"Here's your coffee, sir. Thank you. Next po." wala na siyang nagawa kundi ang tumabi para maasikaso nito ang susunod na customer sa pila.
Dala ang order niya ay naghanap siya ng table para don inumin at hintayin ang dalaga.
Habang pinapanood niya ang dalagang magtrabaho ay lalo lang dumadami ang mga tanong na nabubuo sa isip niya. Paanong hindi ito nahanap? Paano ito namumuhay ngayon? Saan ito nakatira? Sinong tumulong rito? At kung bakit hindi ito nagpapakita ng senyales na naaalala siya nito. Nawalan ba ito ng ala-ala? Gaano karaming ala-ala ang hindi nito matandaan.
Gayon pa man ay hindi masusukat ang saya niya na makita ito. Maayos ang lagay nito at masaya ito sa buhay nito ngayon. Nakikita niya na nageenjoy ito sa ginagawa habang nagtitimpla ito ng kape at siniserve ang mga order na pastries. Napangiti na lang siya na maalalang ito pala ang hilig nito. Magaling at masaya sa pagbe-bake si Carmela, noong magkasama pa sila ay siya lagi ang tigatikim ng mga ineexperiment nitong mga pastries pero di lang niya masyadong ma-appreciate dahil di siya mahilig sa sweets. Pero masaya na rin siya non na nakikita niya itong masaya sa ginagawa.
"Uh.. Parefill ng kape." tawag niya kay Carmela ng dumaan ito sa harap niya dala ang carafes para magrefill ng kape ng ibang customer.
Halos iripan na siya nito lalo na at pangilang refill na niya ng kape at ilang balik na rin niya ng restroom. Kahit na nilalamig na sa loob ng shop ay mas pinili niyang doon na lang mismo hintayin si Carmela, baka mawala na naman kase ito sa paningin niya.
"Anong oras matatapos shift mo?." nagbabakasakaling tanong niya habang nilalagyan nito ng kape ang tasa niya ngunit hindi siya nito sinagot at basta na lang din siyang nilayasan.
Isang oras pang lumipas at nagaagaw na ang dilim sa labas. Naninigas na rin ang kamay niya sa lamig kaya naman naisipan niyang lumabas muna. Pumunta siya sa kinaroroonan ng sasakyan niya at doon sumandal at tinuloy ang paghihintay sa dalaga. Alam niyang ano mang oras ay matatapos na ang shift nito.
"Sh*t how should I approach her?." bulong niya sa sarili. Kanina pa siya naghihintay rito ngunit di niya pa alam kung ano at paano kakausapin ang dalaga. Ngayong hindi alam kung ano ang tunay nitong lagay, kung totoo bang wala itong maalala o nagkukunwari lang ito. Pero ano pa man ay desperado siyang kausapin ito.
Napalingon siya sa shop ng marinig ang bell ng pinto nito. Doon niya nakitang lumabas si Carmela sukbit nito ang sling bag nito at handa ng umuwi. Napansin din siya agad nito kaya nagmadali itong lumapit sa bisekleta nito pero mabilis niya itong napigilan.
"Carmela I really need to talk to you." samo niya rito.
Tinaasan lang siya nito ng kilay at tinignan sa taas hanggang baba.
"Ano ba? Eh hindi nga kita kilala.""Timothy. Timothy Jimenez, naalala mo ba? We lived together."
Napangisi ang dalaga. "Hindi lang pala kita stalker, lived in na rin pala tayo. Hayy, wag ako. Kahit pogi ka ang creepy mo." tinalikuran na siya nito at nilagay ang bag nito sa basket ng bisekleta.
Tinangka niya ulit itong pigilan pero isang headbutt galing dito ang natanggap niya. Napahawak siya sa ulo sa sakit pero bago niya pa pagalitan ang dalaga ay wala na ito sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
Ficção GeralSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...