"--make sure that she eats healthy food while she is on her first trimester." unti-unting minulat ni Carmela ang mga mata ng marinig ang mga naguusap.
"And please avoid getting her stressed, makakasama kase iyon sa bata."
"I understand Doc." rinig niya ang boses ni Tim kaya naman bumangon na siya at naupo sa hospital bed niya. Doon lang din niya napag-alamang nasa hospital pala talaga siya.
"Oh! Gising na pala ang pasyente." nakangiting bati sa kanya ng doctor na nginitian naman niya pabalik.
"Ilang beses ka ng na-admit dito sa hospital and it was always in a bad condition but this time Hija its a good one."
"Ano pong?"
"Well, you're pregnant. Congratulations." narinig niya ang anunsyo ng doctor pero hindi ata maproseso sa utak niya ang sinabi nito. Naipon na sa utak niya ang mga tanong at natatakot siyang sagutin ang nga iyon.
"You are pregnant, and obviously I'm the f-father of that err u-unborn child." parang nahihirapan na sabi ni Tim ng silang dalawa na lang ang nasa kwarto.
"You'll gonna keep that baby. You'll be staying on my house until that baby is born." deretsong utos nito.
Umiling siya sa mga sinabi nito.
"Hindi. Hindi mo na kailangang sabihin at gawin pa iyon. Kaya ko siyang buhayin ng magisa." sabi niya rito ng mahanap niya ang boses niya.Sa gulat niya ay tumawa ito ng nanguuyam.
"Kaya mo? Don't f*ck with me! Saan ka kukuha ng perang pangbuhay diyan. Baka nakakalimutan mong hindi ka binabayaran bilang janitress sa hotel bilang pangbayad sa atraso mo sa akin!.""Si Isra--."
"Si Israel? Yung tigapagtanggol mo? Well let me tell you sweetheart, nang malaman niyang buntis ka at ako ang ama ay walang sabi-sabing umalis siya. Baka nandiri sayo? Yun ba ang pinagmamalaki mong lalaki na tutulong at magtatanggol sayo?! Huh!."
Di siya makapaniwala sa sinabi ni Tim. Paanong ganon ganon na lang siyang talikuran ni Israel? Ang sabi nito ay hindi siya iiwan at pababayaan, pero paanong...
..
Huminga siya ng malalim at ninamnam ang lamig at sariwang hangin na hatid ng dagat. Magdadalawang buwan na ata siya rito sa rest house ni Timothy. Nang araw ding malaman nila na buntis siya ay dito na siya dinala. Mahaba ang naging byahe kaya nakatulog siya at hindi nalaman kung saang parte ba siya ng pilipinas.
Pero isa lang ang masasabi niya, nasa paraiso siya. Asul na dagat, nagtataasang puno ng niyog, puting buhangin at tahimik na kapaligiran. Ang kaso lang ay magisa siya, may katiwala naman na iniwan si Tim para sa kanya ngunit pagkatapos din nitong gawin ang mga gawain ay umuuwi rin agad ito sa pamilya nito sa kabilang dako ng isla. Tuwing linggo rin naman ay nagagawa siyang bisitahin ni Tim, pero kadalasan ay kinakamusta lang nito ang nasa sinapupunan niya at buong araw na itong matutulog dahil sa pagod sa byahe at kinabukasan ay aalis din agad ito para sa trabaho.
Unti unti na siyang nilalamon ng lungkot, namimiss na niya ang kadaldalan ni Denny at ang masungit na si Jonnah. Mas gusto niya pang manatili na lang sa hotel at magtrabaho pero hindi sang ayon dito si Tim kaya heto at dito na siya kinulong. Hindi niya malaman kung ano ba talaga ang tunay na plano sa kanya ni Tim ngayon. Natatakot siya na kapag sinilang na niya ang bata ay kukunin nito ang bata bilang kabayaran at parte ng paghihiganti nito. Natatakot siya tuwing naiisip niya iyon.
"Ma'am handa na po ang tanghalian niyo." hingal na anunsyo ng katiwala ni Tim na si Manang Beth. Mukhang napalayo siya ng paglalakad kaya nahirapan itong hanapin siya.
Napasarap kase siya sa paglalakad at pagmumuni sa tabi ng dagat. Magisa rin naman siya sa bahay kaya ito na ang araw araw niyang routine. Kakain ng almusal, manonood ng tv, maglalakad lakad sa tabi ng dagat, kakain ulit, tapos maliligo siya sa pool at kakain ulit at matutulog na.
"Salamat Manang Beth. Magdadalawang buwan na po tayong magkasama pero tinatawag niyo pa rin akong Ma'am. Carmela na lang po." ngiti niya sa katiwala ng sabay na silang naglalakad pabalik ng rest house.
"Pasensya ka na Carmela huh di pa rin ako sanay. Tsaka pala wag ka ng masyadong nagpapaaraw sa ganitong tirik ang araw, baka mamaya bigla ka na lang mahilo diyan." payo nito sa kanya.
"Wag po kayong mag-alala kaya ko po ang sarili ko. Tsaka behave po si Baby, hindi po siya maselan kaya hindi ako madalas makaranas ng pagkahilo at pagsusuka." may pagmamalaking kwento niya rito.
"Mabuti naman kung ganon." nakahinga ng maluwag ang may edad na babae at pinagbuksan siya ng pinto ng rest house ng makarating sila doon.
Madali siya nitong hinainan ng adobong manok, sinabawang gulay at hiniwang mga prutas at shempre hindi mawawala ang ketsup na gustong gusto ng baby niya.
"Kumain ka ng mabuti hija. Wag mong kalimutang inumin ang vitamins mo." paalala nito habang naghahanda ng umalis.
"Manang samahan niyo ako minsan na kumain o kaya isama niyo rito ang nga anak niyo para may kasama akong umubos ng mga hinanda niyo. Nakakalungkot kaseng kumain mag-isa." sabi niya rito ng nasa harap na niya ang mga hinanda nitong pagkain sa lamesa.
"Naku hindi kase pwede eh. Lalo na linggo ngayon baka anumang oras ay darating na dito yung helicopter ni Timothy."
Oo nga pala linggo ngayon. Kung hindi lang nabanggit ng babae ay hindi niya maaalala. Pero para saan pang pumupunta rito ang binata, hindi pa rin naman maglalaho ang pangungulila at lungkot na nasa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Revenge series 1: CARMELA
General FictionSimpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay sa Maynila, si Carmela. Ulilang lubos at hindi na nakapagtapos pa ng pag aaral ang dalaga, kaya naman limitado lang din ang kaya niyang pasukan na trabaho. Ngunit hindi ito naging sagabal sa kanya p...