NAZZER CLEE MORRIS
Naglalakad lamang ako sa labas ng bar upang magpahangin nang marinig ang tila kaluskos sa madilim na bahagi ng lugar malapit dito. I unconsciously walked tracing the sound coming from the bushes.
May matataas na puno, pero hindi ganoong marami.
Baka may mabangis na hayop.
Ang bar na kasi na iyon ang pinakadulo ng kalsada dito, kaya siguradong walang bahay o nakatira sa medyo kagubatan na ito.
Masukal at talagang wala akong makita sa sobrang dilim.
I heard a panting sound from the bushes again.
It's a woman voice. Hingal na hingal ang boses na akala mo ay hinabol... o hinahabol.
Lalapit pa sana ako ng gumalaw ang damuhan, lumabas mula roon ang maputing kamay ng tao.
Shit!
Hindi ko mapigilan ang umatras.
Dahan dahang lumalabas ang kanyang braso, sunod ay balikat na may nakapatong na mahabang buhok.
Fuck! White lady!
Nakakatakot!!!
Hindi ako makagalaw. Nakakainis! Ang aking paa ay napako na sa aking kinatatayuan.
Huwag kang lalapit sakin!
Gusto ko ng umalis nanginginig na ang tuhod ko. Pinagpapawisan ako kahit malamig.
Nang tuluyan akong makakilos ay agad na akong tumalikod. Handang tumakbo...
THUD!
Pero natigilan din.
I turned to her. Bagsak ang kaniyang katawan sa lupa. Namantsahan din ang puting nightgown na kaniyang suot. Putik at dugo ay naghalo sa kaniyang mahabang kasuotan.
Bumalik ako upang siyasatin ang babae. Kung titignan ang suot niya ay halatang ito ay pang sinaunang nightgown. Siguro ay nasa late 80s ang ganitong suot. Mahaba ang manggas, may butones mula leeg hanggang tiyan, at aabot sa binti niya ang palda.
Kumuha ako ng putol na sanga para sundutin ang kaniyang ulo.
"Miss..." *sundot* "Miss, are you alive?" *sundot ulit*
Nang hindi gumalaw ay lumapit na ako at itinihaya ang kaniyang nagtatagong mukha.
I can't help but to swallow. May kakaiba akong naramdamang kaba nang makita ang perpektong hugis ng kaniyang mukha. Ang tangos ng kaniyang ilong, namumula pa ang labi, ang mahahabang pilik ay pumipitik, at ang makapal nitong kilay sa perpekto ang kurba.
What a Goddess...
She needs help. I carry her in a bridal style as I walk headed to my car.
She suddenly opened her eyes. But I almost dropped her when I met her gaze. I stopped walking when I got a closer look at her eyes. The gray color of her eyes sparks when the moonlight hits on them.
Sobrang clear ng kulay, parang transparent glass. Looking so gorgeous.
"Hey!!!" Sigaw ko ng muntik siyang mahulog ng nagtangka itong bumaba.
Mahina naman siya kaya nagawa ko siyang ipasok sa kotse ko.
She's groaning.
Itinutok ko ang paningin sa kalsada dahil dederetsyo kami sa hospital at nakainom din ako, kasi baka mamaya ay tamaan na ako.
