NAZZER
May bisita man o wala, hindi pa rin namin makasabay si daddy sa hapag-kainan. Mabuti na lang talaga at maraming kinukwento si mommy tungkol sa kaniyang panunungkulan sa Unibersidad na pinapasukan namin.
Naikwento niya rin ang noong lawyer pa siya bago ako naaksidente.
"Did you know that such an honor for me to have a case against the most popular Prosecutor in the country?" Matinding paghanga ang nananatili sa kaniyang boses. "Kahit natalo ako sa kauna-unahang pagkakataon... I was happy." She genuinely smiled.
Tahimik na nakikinig kami sa kaniya. Katulad ni Madison, ngayon lang namin narinig ni kuya ang kwentong iyon.
Hindi ko nga alam na ganoon pala humanga ang mommy ko. Nakakatuwa dahil hindi siya nagtanim ng sama ng loob.
"And I have a secret... sa inyo ko lang din ito sasabihin bukod kay daddy niyo." Ibinaba niya ang kaniyang kutsara at isa-isa niya kaming tinignan. "He offered me to manage his entire University. The T.U."
I was amazed by mom's secret.
Ano nga ba ang dahilan at bakit naging School Superintendent siya after namin bumalik galing ibang bansa noon? Hindi ko naman hilig ang magtanong kung ano ba ang ginagawa nila mommy at daddy sa kani-kanilang works.
We're all listening to her seriously. Para na nga kaming mga bata na naghihintay ng sunod na istoryang babasahin niya.
"I lose not just money in that case, I also lose hope to save my son..." tumingin siya sakin ng may masayang ekspresyon at muling ibinaling sa hapag ang kaniyang paningin. "...But he offered me a hundred times of my salary just to accept his offer. He didn't have to do that, 'coz I'm going to accept this even without his offer. Such an honor right?" Namumula ang mukha ni mommy nang muli siyang sumubo.
Wala kaming naging tugon, maliban sa paghanga ng aming tingin sa kaniya. Baka may gusto si Prosecutor Throndsen sa kaniya?
HAHAHA! Tapos alam ni mommy kaya hindi niya tinanggihan. Pero hindi ganong babae si mommy. Mahal na mahal niya si daddy noh.
Soon I will find a woman who would love me the way my mom loves my dad. A woman would love me and my children as if they are her own life.
Mom decided to end eating so as we did.
"You don't have to think that long... I'll answer your question."
"Fine."
"I'm not an actress neither a model."
"Hmm..."
"And I don't have a bodyguard."
Nabaling ang aking atensyon kay Madison na ipinapahinga ang likod sa kaniyang upuan. Naalala ang pinag-usapan namin kanina.
Ang ganda... pwede bang purihin siya ng walang malisya? Kanina napanaginipan ko-
Sandali akong natigilan. Nalilitong pinakatitigan ang kamangha-manghang mukha ng nag-iisang dalaga dito. Si Madison ba yon? Si Madison yung nasa panaginip ko!
Detalyado ko pang naaaninag ang kaniyang imahe sa utak ko. Maliit at matangos na ilong, mahahabang pilik, manipis na labi at ang nag-iisang deskripsyon ko sa kaniya ay ang... abuhang mga mata.
Hindi ako maaaring magkamali! Siya yon! Siya na siya!
Kaso... bakit parang mas bumata ang mukha niya ngayon kaysa sa mukha ng babaeng napanaginipan ko.