CHAPTER 33

3 1 0
                                    

AIAH








Busy. Busy. Busy.

But damn I'm happy. Inom dito, inom d'yan. Nasa bar ako ngayon with my brother, Mr. Domingo and Ms. Miller. Hassle ang nagdaang linggo. Nag-exam pa kami at trabaho naman pagkatapos.

Minsan lang din nila ako isama dito kaya nga nung kasama ko ang mga kaklase namin ay nagpakasaya na ako. I'm at the right age na naman, pero hinihigpitan pa rin kasi ako ni kuya.


"Hi Miss... can I invite you on the dance floor?"  May kung sino ang lalaking humarang sa pinanonooran ko'ng banda sa stage. "You look new here, I just want to make friends." He smiled and if I'm not mistaken he was talking to me.


Kyahhhh!!! May na-love at first sight sakin hahaha!

But wait! Friends? Ang assuming friend ah!


"Friends?" Biglang tumayo si kuya at kinuwelyuhan ang gwapings na lalake sa harap ko.


Oh no! "Kuya!" I hesitated to shout. Nahihiya ako at baka magkaroon ng gulo.


"O baka gusto mo lang, mailibing ng maaga? Sabihin mo lang, pagbibigyan kita." Si kuya ang lakas ng dating.


Shittttt!!! Brother ko yan! Kaya siguro hinahabol ng kababaihan ang kuya ko, may pruweba.


"Easy bro... making friends means nothing else." Bahagyang umatras ang lalaking may cute na dimples. Itinaas pa ang kamay na parang susuko.


Maya-maya lang ay narinig kong tumawa si Ms. Miller. Naka-de kwatro ang paa, ang kanang kamay ay hawak ang isang bote ng tequila habang nakasandal sa sofa. Ang kaliwa naman ay may hawak na sigarilyong itim na parang di nauubos.

Idol! Ang ganda niya. Ang astig! Pwede na akong mamatay kung siya ang mapapangasawa ko.

Psh! Stupid Aiah, parehas kayong babae.  At sobrang Highness niya. Kitang kita sa tindig niya ang pagiging reyna. Gamit ang makapal at itim na blazer—may haba itong hanggang tuhod at long sleeve din, naka blue loose jeans at blue long sleeve polo ulit.


"End it. You are boring." Komento niya pa na lalong nakapagpadagdag sa kaangasang taglay. Tumingin pa sa akin. "Ayaw ka lang ng kuya mo mapunta sa mga lalaking katulad niya..." puno ng pagiging sarkastika.


"Too protective brother? Salas? Make it faster... pinapanood ko'ng sumayaw ang ikakama ko mamaya." Isa pa namang dagdag ni Mr. Domingo.


Ang lake ng katawan ng isang ito. Moreno. But damn! Gwapo. Hindi siya maihahalintulad sa iba ko pang kakilala, kasi siya purong gwapo, hindi cute. May lahi e. Ang linis pang tignan sa suot nitong black pants, white sando with black leather jacket.

Gosh! Kapag ikinama ka nito siguradong ilang lingo kang di makakalakad. Oh my ghad! Nagagaya na ako kay Harmony. The most horny person I ever known.


Tumayo ako at pumagitna sa kanila. "Tara!" Hinila ko na ang lalaki at pumunta sa crowded dance floor.


Yeyy! Finally!

Narinig ko pa ang pagsigaw ni kuya pero di ko na lang pinansin. Sayaw dito *whoooo* sayaw d'yan *whoooo*.

Hinigit ako nung lalaki palapit sa kaniya.

Shit!

Ito na!

Magkaka first kiss na'ko!

Shitttt!

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon