CHAPTER 27

3 1 0
                                    

NAZZER







"Sino ang ide-date mo sa Acquaintance?" Dinig ko'ng tanong ni Brent kay Ian sa tabi ko.

"For what?" Tanong pabalik ni Ian kasunod ng paglaghok sa kaniyang shot glass.

"Meron kasing couple nights na tatanghalin, pwede kahit hindi kayo or pwedeng real life gf mo... ano?"

"I don't think I needed."

"Eh?"

"Hindi naman kailangan lahat..."

"Oo nga naman. Eh paano kaya kung..." nakuha ni Brent ang atensyon ko. Sumusulyap sa akin at kay Ian. Parang alam ko na naman yan. "Si Madison ang gawin mo'ng date. Ayain mo!" Tumayo siya sa stool na kinauupuan at tunungo ang ref sa kaniyang likod.

Imbis na mag-bar kami ngayon ay minabuti na lang namin na dito sa bahay ni Ian. 9 pm na rin, tulog na yung dalawang kapatid niya. Yung parents niya naman ang wala pa.

Nagkatinginan kami ni Ian. "Why me?" Tanong niya pa sa kaibigan naming nagsasalin ng juice sa babasaging baso.

"Kasi may date na ya'ng isa na yan!" Tinuro pa ako bago hinalikan ang nguso ng baso.

"Ako sino?" Pagprotesta ko. Wala akong natatandaang may niyaya ako. And I never ask someone to be my date.

"Sus! Si Chelsea. Sino pa ba... hahahaha." Pinunasan niya ang labi gamit ang likod ng kaniyang palad. "Atsaka isa pa, mukha namang boto si Madison sa kaniya..."

"Boto? What do you mean?" Humigpit ang hawak ko sa baso.

"You know as a friend, si Madison kasi parang... mukha lang siyang walang pake pero nung madalas na natin kasama si Chelsea, napapansin ko na hindi naman siya tutol... tulad ko! Hahahaha."

What the hell? I don't know what that means but... pwede kayang tamang yun nga ang pagkakaunawa ko sa sinabi ni Madison kanina?

"You should have kiss him when he is awake..."

"It's way better romantic than kissing him discreetly." 

Ayos lang sa kaniya na may gusto sakin ang isang 'yon? I don't like the idea! Tumayo ako at inubos ang laman ng shot glass. Naghugas ako ng kamay sa kitchen sink bago muling nagsalin ng wine.

So... she likes Chelsea for me? That's ridiculous!

"Oh e bakit ganyan ang reaksyon mo? Wag mo sabihing... ayaw mo kay Chelsea?" Mahina siyang tumawa ng malingunan ko habang kunot ang noo. "Ewan ko sayo! Bakla ka siguro no? Hahahahaha! Una tinulak kita kay Madison, hindi ko alam kung bakit parang ayaw mo... e p*ta na sa kaniya na lahat!" Huminto siya at tatawa tawang umakbay sa akin. "Tapos ngayon si Chelsea. Halata na may gusto sayo yung tao, umamin pa nga... tapos ngayon! Parang hindi mo na naman gusto..." lumingon siya kay Ian.

Si Ian na tahimik at nakikinig lang. "He had his own reason, Brent."

"Tama..." ngumisi siya ng nakakaloko at inilapit ang mukha sa akin. "Baka isa sa amin ni Ian ang gusto mo—"

"Shit! Get the hell off me!" Tinulak ko agad siya at lumayo. Napunta ako sa pinto ng kitchen. "That's disgusting!"

Malakas siyang tumawa na parang walang natutulog sa bahay na ito. Pinatahimik siya ni Ian gamit ang babasaging baso na inihagis sa kaniya na agad din niyang nasalo. Nagugulat niyang nilingon ang medyo lasing na si Ian.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon