BRENT CARL GOMAN
"Kanina ka pa tulala, huy."
Ang init-init dito sa loob tapos ang tahimik ng katabi ko. Parang ang lalim ng iniisip.
"Harmony... gusto mo sisirin kita?"
Agad siyang humarap. Nakakunot ang noo bago mapagtanto ang tinutukoy ko.
HAHAHAHA!
Namumula siya!
"Tigilan mo nga ako! Parang kang sira..." yumuko pa.
"Bakit ba kasi ang tahimik mo?"
"Kasi... kasi ano..."
"Kasi?"
"May... may ano..."
"May?"
"Tara sa labas natin pag-usapan." Tumayo siya at diretsong lumabas sa front door.
Nagtataka man ay nilingon ko muna si Ian bago tumayo. Nabaling din ang tingin ko sa likod.
Wala pa pala yung dalawa!
Si Aiah nandon, parang inaantok na babagsak na ang ulo.
HAHAHAHA!
Kawawa naman walang kasama. Nag-angat siya ng tingin saktong tumama sa akin.
"Tingin tingin mo!?" Sigaw niya. Iniripan pa ako.
Tumawa lang ako ng mahina sa reaksyon niya bago umalis na ako at sinundan si Harmony.
"May problema kasi, Brent..." nanginginig ang kamay niya.
"Ano bang problema mo?"
"Nasaan na kaya si Madison..." narinig ko yung bulong niya habang nakatingin sa field na nasa ibaba.
"Hinahanap mo lang si Madison? Ano ka ba naman! She's with one of my Bro at hindi yon maliligaw... hindi niya hahayaan."
Malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan, atsaka humarap sa akin.
"Hindi mo kasi kilala yon e... siguradong magpapadalos-dalos yon sa kaniyang ginagawa..." pahina nang pahina siya kung magsalita.
Padalos-dalos?
Edi goods! Malay ba naman namin ay halikan niya yung kaibigan ko dahil sa taglay na kagwapuhan.
And my friend is a one lucky guy if ever...
HAHAHAHA!
Diyosa na ang kaharap niya, hindi lang basta magandang nilalang si Madison.
Kung hindi ko lang gusto si Harmony ay baka isa na ako sa sumasamba sa paa ng kaibigan niya.
Hindi pa rin mapakali ang kasama ko na parang may gustong gusto ng aminin.
"Spill it Harmony, you making me worry."
"Dito... S-sa University m-may... may ano-"
"Oh my god!"
"Tulong! May nahulog!"
"Ms. President! Mr. Vice President!"
Nagkatinginan kami.
Nanlalaki ang mga mata niya habang ako naman ay gulat sa mga sigaw ng estudyante na pumutol sa dapat niyang sasabihin.
![](https://img.wattpad.com/cover/327857573-288-k712465.jpg)