NAZZER
KINAKAPOS ako ng hininga sa pagtakbo. Nasaid na ang bawat pasilyo at wala na ni isang nakakalat na estudyante o guro sa paligid.
Nakarating na nga ako sa Alpha building pero natigilan nang mapansin ang mga taong nakasuot ng pang bodyguard. Nakasalubong ko ang ilan sa kanila ng maghiwalay sila ng direksyon. Ang nasa harap ko ngayon ay nasa edad 40 na pataas.
"Bakit nasa labas ka?" Tanong niya. May baril siya sa kaniyang tagiliran at may suot din siyang isang device na nakakabit sa kaniyang tainga. Maayos ang tikas ng kaniyang katawan sa ganitong kahalatang edad.
"I was supposed to go to my mom's office..."
Nagkatinginan pa silang anim bago muli akong hinarap.
"Sinong mommy mo?"
"The School Superintendent."
"Isa kang Morris?" Tumango ako sa tanong nilang iyon. "Samahan mo makarating doon, sumunod ka na lang." Inutusan niya ang mas bata pang lalaki sa kaniya na sa tingin ko ay katatapos lang niya sa kolehiyo. "Mag-ingat ka." Yun lang ang huli niyang sinabi at tinapik ang braso ng lalaking maghahatid sa akin.
Hindi na ako kumontra at sinabayan ang lakad niya. May inilalabas siyang kung ano sa bulsa.
Nakarating na din agad kami sa pinto ng opisina ni mommy. Kinatok ko iyon hanggang sa buksan niya.
Nagugulat at nanlalaki ang mata na makita niya ako dito. Dumako ang tingin niya sa kasama kong bodyguard.
"I am Mr. Throndsen's bodyguard..." itinaas niya sa harap namin ni mommy ang kaniyang I.D. Nakasulat ang pangalang Kelvin Bañez. "Huwag po kayong lalabas kung maaari."
Tinanguan namin siya atsaka na siya umalis. Sinarado ko ang pinto at hinarap si mommy na kanina pa ang nagtatanong na tingin.
"Mom how are you?" I'm sickly worried.
"Ano ka ba naman Nazzer!" Napalayo ako sa sigaw na iyon ni mommy. "Delikado nga! Sinabi kong manatili kayo sa classroom niyo, pero nandito ka ngayon!" Galit na galit ang tingin niya sakin.
"Mom... kasi wala kang kasama, you need someone to be with you—"
"If that killer gonna kill me, gusto mong kasama kita! Ganon ba ang ibig mong sabihin!" Hiningal siya sa sandaling pagsigaw. Tumalikod siya sa direksyon ko habang pinakakalma ang hawak niyang dibdib. "Darating ang daddy mo at sasamahan niya ako... " mas kalmado na ang boses niya ngayon kaysa kanina.
Magsasalita pa sana ako ng sunod-sunod na may kumakatok sa pinto.
KNOCK!
KNOCK!
KNOCK!
Nagkatinginan pa kami ni mommy. Lumapit siya sa kaniyang bintana at sinilip ang kung sino ang kumakatok.
"Open the door mom!" Si kuya! Ako ang nagbukas ng pinto at sinalubong ang nag-aalala niyang tingin. "What are you doing here?"
"Magkapatid talaga kayo! Ang tigas ng ulo niyo!" Nanggagalaiti na si mommy na dalawa kaming anak niya ay pinuntahan siya.
Napakamot na lang ako sa aking batok nang sungitan ako ng sariling kapatid.
"Mom, Nag-aalala lang ako for you. We don't know yet, if dad is on his way here... hayaan mo pupuntahan ko si daddy kapag nasa gate na siya—"