CHAPTER 40

3 0 0
                                    

NAZZER








BAKIT palaging may mali sa mga desisyon ko? Bakit palaging nasasaktan kami pareho dahil sa mga kilos ko. Nagpapadalos-dalos ako sa mga ginagawa. Mali-mali ang pumapasok sa isip ko. Mali-maling paraan ang nagagawa ko.

Ako ba talaga ang may mali?


"Don't hurt her too much... that's the only advice I could tell you."


I was hurt too. She likes me, doesn't she? I should be happy... but it's an opposite thing to feel.


"Madison won't let someone touch her. Dapat alam mo ang bagay na yon."


Pero ano yung nakita ko?

Nagkamali na naman ba ako? Wala ba talagang nangyari sa inyo? Bakit ganoon na lang ang sinasabi ni kuya Darell? Pinaglalaruan niya lang ba ako?


"Don't let her heart become a rock... at alam mong mahirap madurog 'yon."


I'm sorry...

Hanggang ngayon nandito pa din. Nasa utak ko pa ang lahat ng sinabi ni ate Zinnia sakin. Lumipas na ang tatlong araw at pumapasok na ulit ako. Pero siya ay magkasunod na absent. Wala naman akong balita sa kaniya. Kahit sina Harmony at Brent ay hindi ko magawang matanong.

Simula rin ng araw na 'yon ay nilibang ko ang sarili ko sa pag-g-gym. Mas mahaba ang oras na ginugugol ko doon kaysa sa bahay. Lagi kasi nilang pinag-uusapan si Madison. Hindi ako makatagal, dahil ayoko marinig ang pangalan niya.

Kung sa school nga ay 'pag may bakanteng oras, pinipili ko ang mapag-isa. Minsan pa akong iniistorbo ni Chelsea kapag nakikita niya ako. Tatanggihan ko pa ba naman eh nasanay na rin ako kahit dalawang araw pa lang na absent si Madison. Siya dapat ang kasama ko.


"H-hi! Kuya pwede ba mag-pa picture?"


Kalalabas ko lang ng gym ay may sumalubong na sa aking dalawang babae. Pasado ala-sais na rin ng gabi. Nilagpasan ko lang sila at naglakad na sa kalsada. Hindi ako nagdadala ng kotse kapag dito pupunta. Mas ginugusto ko ang maglakad sa ganitong kapayapang kalsada.


"Oh my gosh! Bes! Artista!!!"


"Talaga ba!?"


"Pa-picture tayo!"


"Artista?"


"Nasaan?"


"Naglalakad lang?"


"Wow ang gwapo, pabuntis na kaya ako..."


"Gosh! Laki ng katawan."


Yung huling salita lang na iyon ang nakuha ang atensyon ko. Pangatlong araw pa lang ito nang magsimula ako. Parang sinasabi nila na, well built na ang katawan ko simula pa lang.

Eh bakit hindi sakin natukso si Madison?

Hinahalikan naman niya ako.

I also kissed her back.

May gusto naman siya sakin...

Mahal ko naman siya...

Pero bakit?

Dahil bata at immature pa kami? Alam ko naman 'yon kaso... bakit may nangyari na sa kanila ni Kuya Darell!


"Awww!" Muntik na akong matumba nang may mabangga akong mga babae.


Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon