CHAPTER 30

3 1 0
                                    

BRENT





"Kakapagod!" Nakakainis. Ang daming utos. Hindi ako pumorma ngayon para lang pagpawisan!

"Brent! Come on! Last na, Bilis!" Kanina pa ito eh!

"Hoy! Secretary ka lang wag mo'ko utusan ah!"

"Oo na po, hindi kasi namin abot yun oh."

Ang liliit kasi ng mga taong ito. Ngayon pa lang inaayos ang stage dapat kahapon pa. Ayos ng ayos sa stage, konti na lang ay magmumukha na kaming may bisitang hari at reyna.

Hindi na ako nakaungot ulit nang malapit na kaming matapos. Tinulungan ko na lang ang mahal ko'ng prinsesa na dalhin sa backstage ang mga ginamit namin. Sinimulan na ng ilang SSG officer ang pagpapatugtog. May dalawang naglalakihang speaker sa magkabilang gilid ng stage.

"The special guest has about to arrive." Anunsyo ni Harmony. Ganda niya. Kita mo yung ka-sexy-han. Pinaghandaan talaga ako. "Kasama si Mrs. Morris." Pagbaling niya sa akin at kumapit sa braso ko. "Come on?" Ang ganda ng ngiti. "Huy, Brent... sila Ms. Ramirez at Mr. Alizarin and host."

Ninakawan ko siya ng halik sa pisngi dahilan upang magulat siya. Maging ako ay nanlaki ang mata. "Sorry. A-akala ko kasi... nagpapahalik ka." Hindi ko naitago ang pagkapahiya.

"Bakit naman ako magpapahalik sa'yo! Alis nga d'yan!" Yun binitawan ako. Siguro ay namumula na ang mukha no'n kung wala lang make up.

Hinabol ko siya at ipinatong ang braso sa balikat niya. "Ang bango mo po, Ms. President."

"I know right."

"Ang sexy mo din." Ibinaba ko ang hawak sa kaniyang hapit na beywang.

Nadinig ko pa siyang lumunok bago humakbang ng mabilis. "I know."

Nang makarating kami sa mismomg gitna or sa sinasabing dance floor ay kapwa kaming natigilan ni Harmony. Hindi magkamayaw ang mga babae at lalaki sa iisang direksyon lang nakatuon.

"Anong meron..." bulong ko at bahagyang sinilip. Nakalapit na kami sa aming table nang maabutan ko sina Ian at Naze na napako ang paningin sa kung saan.

"Si Madison." Nahihimigan ang pagkamangha sa tinig ni Harmony. "Ang gand.... ahhh."

Hinanap ko kung saan nakatingin ang mga ito. Ngayon ko lang napagtantong may anghel ang kasalukuyang lumalakad papalapit sa direksyon ng aming table.

Bakit mukha siyang anghel kahit ang totoo ay dahan-dahan ko nang nakikita ang ibang side sa kaniya. Just like, last night. Madison is a different person. From bottom to the top. Pero ngayon.

Mahaba ang manggas ng kulay itim at hapit na hapit sa kaniyang dress. Ang iksi ng suot na hindi pa umaabot sa kaniyang tuhod. Ang kinis ng balat kahit sa malayuan. Ang puti na parang hindi nasisinagan ng araw. Ang haba ng buhok ay tila umabot sa kaniyang perpektong kurba ng balakang at napakanipis ng kaniyang beywang. Parang bote ng royal eh. Sa paa ay kulay itim at hanggang tuhod na leather boots. Simple. Pero sa paningin ko ay bakit parang intimidating ang kaniyang presensya.

Nang umakyat sa kaniyang mukha ang aking atensyon ay tuluyan na akong napaatras. Muntik pa akong makapatapak ng kung kaninong paa. Nang lingunin ko kung sino ang muntik ko ng matapakan ay si Chelsea pala.

"Sorry..." pagpaumanhin ko ngunit malungkot siyang ngumiti. "May problema ba?"

"O-okay lang..." sumisilip din siya kay Madison. "Ang g-ganda niya noh?" Utal at kabado ang kaniyang tinig.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon