NAZZER
Nagtungo na akong muli sa Cafeteria. Sa lamesang imbis na mag-ingay ay tila tinabihan sila ng anghel sa pagiging tahimik. When I saw Madison in their table, I could not say a word. That's why.
Nag-ingay lang nang makaupo ako. Dahil anim lang naman ang upuan ay naupo ako sa bakante in between Ian and Madison. Bumalik sa dati. Anong meron? If you were asking what I feel. It's an absolute happiness.
"Ehem! Ehem!" Nagsimula na naman si Brent sa kaniyang mga seremonyas ng panunukso. Hindi ko alam kung bakit ako nata-target ne'to, hindi ko naman siya tinutukso. "Saan ka galing?"
"Sa heaven." I answered sarcastically as I glanced at Madison.
"Talaga? May heaven dito?" Inosenteng anang Harmony. "Sama!"
"Sa kwarto ko lang ang heaven para sayo, Harmony... 'wag ka magmadali." Pagtugon sa kaniya ni Brent. Noon lang napagtanto ni Harmony ang tinutukoy ng binata sa kaniyang tabi. Yun na ang naging baga kaya nag-apoy ang ingay sa aming table.
Itong katabi ko'ng babae. Hindi ko alam kung bakit nandito. Hindi naman sa ayoko. Actually, I miss it. For some reason, I'm feeling alive.
We spend much time together even we doesn't share a conversation. Himala ba kung sabihin na sumasama na ulit siya sa amin. Kung kaming tatlong lalaki ang magkakasama ay naroon siya sa dalawang babae. Hindi na siya pinipilit na makihalubilo. Inaaya na lang siya at hindi naman tumatanggi.
The usual Madison. Kapag inaya, basta na lang kikilos. Hindi mo alam kung sasama ba o iiwanan kayo. Bibihira ko lang marinig ang kaniyang boses. Bihira lang siya magsalita. Which is hindi na bago.
"Tomorrow, we will have a new student. Exchange student kung tawagin. You probably know her already, ang nag-iisang anak ng Owner ng Horizon University..." anunsyo ni Ms. Ramirez before her dismissal. "Dito siya sa atin mapupunta since we have your classmate in their school."
Later that dismissal. Ian invite us to watch him at the skate park he used to spend half of his day after school. Nagkayayaan at sumang-ayon. Ewan ko lang kay Madison na nasa kaniyang motor na. Hindi naririnig ang pag-uusap nila Aiah at Harmony tungkol do'n.
"Galingan mo a! Baka naman mapahiya ka sa amin." Ani Aiah. Nagsisimula na naman ang mang-asar. Para bang buhay niya na ang pang-aasar.
"I won't. Don't worry. Hindi ko lang alam kung papasok 'yon sa standard niyo." Sagot naman sa napakahabang pasensya ni Ian.
"Magpasikat ka na lang... nariyan naman si Madison." Bumungisngis si Harmony. Ginaya ni Aiah at nanukso ang tingin ni Brent. What a blood.
Maya-maya ay natahimik sila nang mapansin ang nabanggit na pangalan ay nakatingin na sa kanila. That's make them laughed nervously.
"Tara na! Sabay na ako sayo." Naunahan pa akong makapasok ni Brent sa kotse.
"Dito na kami ni Harmony kay Ian, baka magtampo hahahaha!" Ani Aiah. Naunang pumasok sa pagmamadali si Harmony. Pero si Aiah ay lumingon pa muna sa kaibigang naka-motor. Pinapanood siya. "Sasama ka ba?"
Hindi siya niyon pinansin bagkus ay nagsuot na lamang ng kaniyang helmet. "Where?"
Natigilan kaming tatlong naiwan pa sa labas matapos siyang magtanong. Nagkatinginan pa bago sinagot ni Ian kung saan nga kami pupunta. At umalis na lang kami nang hindi alam kung sasama ba siya.
