NAZZER
If that woman in my dream is her mother, then why was she being chased by armed men in my dream. Totoo nga kaya yung panaginip ko o alaala na iyon?
Sobrang imposible na noon ko na pala nakilala ang nanay niya. Imposible nga ba? Kung titingnan ay magkasama kami ni Madison ngayon. Napanaginipan ko ang isang senaryo na nangyari sa'kin sa nakaraan. Kamukhang-kamukha ni Madison ang babae sa panaginip ko.
"I'm done. I lost my appetite." Tumayo siya at mabilis na itinapon ang natunaw niyang ice cream sa malapit na trash bin.
Tumayo na din ako pagkatapos at tinapon ang natira sa apa. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad para mahanap ang aming mga kaibigan. Hindi na naman siya nagsalita. Hindi tulad kanina ay masigla niyang iginagala ang paningin pero ngayon ay parang wala siyang ganang mag-angat manlang ng tingin.
"We have not yet bought a peace offering for Kennedy..." ako na ang bumasag sa katahimikan niya.
She looked up to me as she smile sparingly. "Do we still need?"
"OO naman."
"Fine. Let's go back there." Itinuro niya kung nasaan ang direksyon ng toy store na pinuntahan namin kanina.
Hindi na ako nagsalita at tinahak namin iyon ng sabay. Pumasok agad kami ng makarating at sinalubong agad ng aking paningin ang lalaking cashier sa counter. Ang bilis ng mata niya at nakita niya kaming pumasok sa dami ng bata at magulang na namimili.
"I can't choose. I don't own any toys before, so it is going to be your choice." Saad niya at tumayo lang sa gilid. Ibinulsa niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang leather jacket.
Sa pag-sang-ayon ko ay kumuha ako ng panlalaki at pambabae na klase ng laruan. Iniharap ko sa kaniya ang pambabae kung sakali man na may komento siya.
"I already told you... I don't play that kind of toys." Sinimangutan pa ako.
"Anong nilalaro mo, kung ganon?" Inabala ko ang pagpili sa laruang pambabae. Sumisilip din ako sa iba na namimili, karamihan sa bata na narito ngayon ay mga babae.
May kumuha ng malaking teddy bear, kulay puti na parang snow. May batang babae din ang malaking kahon ng doll house, yung isang bata na namataan ko pa ay kumuha ng mas malaking manika na halos kasing laki na niya.
Lumakad pa ako palapit sa mga batang namimili pero nang mapansin ko ang pamilyar na mukha ng batang babae na papalapit sa stuff toys ng doraemon, dora, at spongebob ay natitigilan akong lumingon kay Madison. Gano'n na lang ang gulat ko nang mapansing nakatingin din siya sa kapatid ni Ian.
"I'll buy her that toy." Lalo pa yata akong nagulat ng pangunahan niya ako sa paghakbang at hindi nagpatigil na lumapit sa bata.
Hawak na ni Kennedy yung spongebob!
"Kenned—" oh gosh "Madison!" Pala. Pinigilan ko siya bago pa mapansin siya nung bata. "Baka matakot siya sayo..."
Kunot noo naman niya akong binalingan ulit. "Yun ang gusto niya sa dami niyang nadaanan na laruan, I'll buy it for her."
Kanina niya pa ba napansin nandito ang batang ito? Nasaan sila Ian?
Sinubukan ko pang pigilan ang paghakbang niya pero huli na dahil nakaupo na siya sa kaniyang paahan sa likod ni Kennedy. Hindi agad siya napansin nito dahil sa ka-busy-han ng bata sa pagpili ng kung anong klase ba ng style ni spongebob ang bibilihin.