CHAPTER 25

2 1 0
                                    

NAZZER







Inilatag ko sa harap ni Madison ang anim na paintings na aming nakuha noong nakaraang araw. Mayroon lang kaming 1 hour para mag-decode ng mga code at kunin ang clues.

Anim na painting. 4 na may kalakip na Morse code at 2 na Nato code. Just like expected, Madison wants it.

Tahimik ang paligid ng Bloomington Garden. Nasa kabilang sulok ang dalawang magkapareha na kalaban namin. Sumusulyap sulyap na para bang pinag-aaralan mula sa malayuan ang nakuha naming painting.

Katulad namin ay nakaupo din sila sa pasimano ng mga bulaklak. May bato sa paligid.

"Don't wait any longer..." sa gitna ng pagiging tahimik ni Madison ay bigla siyang tumayo.

Hindi ko talaga alam kung ano ang plano niya. Makikipagpalit ba talaga siya kaysa ang magtago na lang. Pero kulang na rin ang oras para magtago pa.

Sabay naming sinalubong sina Pacheco.

"Here. Hindi pa nabubuksan 'yan." Ani Pacheco nang inabot kay Madison ang dalawang printing painting. Ang tinutukoy niyang hindi pa nabubuksan ay ang sticker sa likod non kung saan nakatago ang Ireresolbang code.

Sinilip ko ang papel at binaliktad. MORSE CODE. Pagbasa ko sa salitang naroon. Tinanggal ko ang sticker at bumalik na kami sa aming pwesto. Ngayon lang kami nabigyan ng chance na magdala ng pen and paper to jot down our clues.

Number ang tinutukoy sa morse code. Ang totoo ay napakadali. Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay tumayo si Madison.

"Is there any CCTV here?" Tanong niya ang paningin ay inililibot sa paligid ng Bloomington Garden.

"Maybe? Baka naglagay si Mr. Alizarin, dahil sa Golden Rule niya..." lumingon ako sa isinulat niya. Nagtataka kung bakit niya iyon na itanong.

"Good. We have the key." Aniya na nakapagpamaang sa akin.

"How?" Hindi niya ako sinagot.

Sakin niya pinadala ang mga papel na kaniyang inaasikaso kanina at naglakad malapit sa halamanan ng Rosas. Umupo siya sa kaniyang paahan at tila kinakatok ang madamong lupa. Nung una'y naiisip ko na baka yun ang clue na kaniyang natuklasan ngunit nagkamali ako nang akma niya huhukayin ang lupa gamit ang maliit na kahoy na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Madison!" halos pabulong na sigaw ko sa kaniya at pinigilan ang kaniyang kamay sa akmang pagbubungkal ng lupa. "Matatalo tayo sa ginagawa mo..." ibinato ko palayo ang hawak niyang kahoy at sumulyap sa dalawang busy sa kanilang cellphone. Pinayagan silang gumamit ng Cellphone dahil sa Nato code ang napili nila, but they can't use internet to search anything.

"Hindi pa sila tapos, I'm not gonna dig deeper I swear..."

Umiling ako nang umiling. "Yun na lang ang isang patakaran, susuwayin mo pa. Matatalo lang tayo sa ginagawa mo... and you must be forgetting, ikaw ang anak ng may-ari ng property na ito. Tapos ikaw pa ang magiging responsable sa ipinagbabawal." Sandali siyang natahimik sa mga sinabi ko.

"Walang makakaalam, kung hindi mo ipapaalam."

"Bakit, nand'yan ba yung susi?"

"Nope."

"Yun naman pala, what do need then?"

Hindi na siya nagsalita. Tumayo na lang na para bang naubusan ng pasensyang makipag-usap sa akin. Ang tigas kasi ng ulo niya. Sinundan ko siya nang magtungo siya sa isang sulok ng Hardin at maya-maya lang ay may bitbit na siyang susi na nakasilid sa isang tela.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon