CHAPTER NINETEEN

2 0 0
                                    

BRENT







Kinakantyawan ako magmula ng uwian kahapon. Kaya ngayon ay hindi ako pumasok. Isinugod pa sa hospital si Ate dahil nahimatay ito dala ng kaniyang dinidibdib na wala sa aming pamilya ang nakaaalam.

Nagbantay na lamang ako sa kaniya hanggang sa magkaroon ng malay. Hindi ko siya matanong tungkol sa pakikipagsabwatan niya sa kaniyang boyfriend. Mas lalo ko pang ipinagtaka na may ganoong klase ng pagkatao si Kuya Lucas. Napakabait niya sa amin ni ate kaya hindi ko lubos na maisip na magagawa niya iyon.

Pero hindi sapat na dahilan ang kabaitan niya dahil mamamatay tao siya sa harap ng marami at ngayon ay nadamay pa ang ate ko. Hindi ko siya mapapatawad. Hinding-hindi lalo na kapag nakasuhan si ate dahil sa kaniya.

Sa mga oras na ito ngayon pa si ate mukhang walang laban. Parang hindi niya kayang magsalita at ipagtanggol ang sarili. Naaawa ako dahil napakamahiyain na nga niya, nangyari pa ito sa kaniya. Napaka-inosente ng kaniyang maamong mukha. Hindi ang tipo ng ate ko ang gagawa ng gano'ng kasalanan. Pero nangyari.

Tahimik ko'ng pinapanood ang paghinga niya nang makaramdam ako ng naglalakad papalapit sa labas ng kwarto ni ate. Tumayo ako ng marinig na huminto iyon sa mismong pinto.

"Anong sinabi mo? Hahayaan mo ang anak natin na dalhin ng mga taong iyon? Nasisiraan ka na ba ng bait, hah!?"

Pipihitin ko pa lang ang doorknob nang marinig ang tinig ni mommy sa labas. Ngayon ko lang narinig magalit ang aking ina. Katulad ng ate ko, napakahinhin din ni mommy.

"Huwag mo akong pinagtataasan ng boses, Ann. Dahil hindi ko babawien ang aking desisyon."

Sunod ang nagtitimping boses naman ni daddy ang aking narinig.

"Carlos... anak natin yon, isn't she important to you?"

Para akong sinasakal ng hangin dahil sa tensyon na mayroon sa kanilang pag-uusap. Alam ko'ng si ate ang pinag-uusapan nila.

"Importante siya sakin dahil anak ko siya. Sa tipong handa akong isangla ang aking kaluluwa sa diablo para lang sa kaniya, kaya kung kinukwestyon mo ang desisyon ko, Sige! Makukulong ang anak natin dito, madudungisan ng panghabang buhay ang pangalan natin at panoorin mo kung paano masira ang buhay ng mga anak mo." Mariing may banta sa tinig ni daddy.

Gusto ko'ng malaman ang kanilang usapan dahil gano'n ang galit nila at hindi pagkakasundo. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang dalawa na namumugto ang mata. Nakatalikod si mommy kay daddy at si daddy naman ang agad na nakapansin sakin.

"Carl, A-anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni daddy. Hindi sigurado kung wala talaga siyang ideya na ako ang nagbantay kay ate magdamag dahil wala sila ni mommy.

"Tungkol ba kay ate ang pinag-uusapan niyo, dad?" Tanong ko nanv lumapit siya sa pinto. "Dad, sinong kukuha sa kaniya? Makukulong ba siya? Bakit, e wala naman siyang kasalanan? Hindi naman siya ang pumatay..." napanghihinaan ako ng loob sa katotohanang magbabayad si ate sa batas kahit wala siyang pinatay.

Imbis na sagutin ako ay tumuloy ang dalawa sa loob at sinarado ang pinto. Nakamaang ko silang pinanood na mabalisa. Habang ako ay nakatayo sa gilid ng nakasaradong pinto.

"Dad, tell me... please, makukulong ba si ate?" Kulang ang boses ko ngunit napilit kong makumpleto ang tanong.

"Hindi 'yon mangyayari." Desisdido ang sagot na ani daddy. Sa tonong mangyayari ang kaniyang sinabi.

Hindi makapaniwalang tingin ang pinukol ni mommy sa kaniya. "Carlos ano ba!!" Gumaralgal ang boses niyang hinarap si daddy. "Hindi mo gagawin yon... please, nakikiusap ako sayo... huwag mo'ng hayaang gawin nila 'yon... please..." nawawalan ng pag-asa si mommy na kumapit sa braso ni daddy.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon