CHAPTER 37

1 1 0
                                    

DARELL








PAGKABABANG-PAGKABABA namin ng pribadong eroplano ng mga Miller ay tinahak ko ang mga nakahandang sasakyan sa bungad ng pribadong paliparan. Nalipasan pa ng halos kalahating araw ang biyahe namin sa loob ng nag-iinit nang sasakyan bago pa marating ang daan-daang ektaryang lupain nila sa malayong probinsya ng Pransiya.

Kung anong init sa Pilipinas ay siyang kahit papano ay nakabawi dito. Cool-summer is much exciting.

Sabay ang kilos namin ni Aiah nang makalabas ng kotse. Ngunit ang pagtataka ko ay bakit hanggang ngayon ay tila nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Sa Hospital pa lang sa Manila ay ganoon na siya pero nawala din naman, tas nang makarating dito ay muli na naman siyang hindi mapakali.

Sinubukan ko siyang tanungin ngunit parang walang narinig. Tutok ang mata sa daan. Bumuntong-hininga akong nagpatiunang maglakad. Huminto ako sa harap niya at siyang natigilan naman.



"Tell me, what's your problem?" I asked.



"Wala naman..."



"Aiah..."



"Kuya... I'm just tired. I need a rest."



Hinayaan ko siyang gugulin ang oras na tinutukoy niya sa pagpapahinga. Ako na lang ang sumalubong sa mga tauhang nagkalat sa great hall. Nakayukod ang isang tuhod bago ibinalik ang kanilang tindig sa bawat sulok ng pasilyo. Nagtungo naman ako sa bailey nang marinig ang paparating na helicopter nila.

Kasama ko ang ilan pang mga généraux sa iisang pantay na hanay. Disiplinadong nasa tapat naman namin ang générales. Naroon sa hanay kabilang ang kapatid ko. Akala ko ba'y magpapahinga?

Dumulog ako sa mga bagong baba sa helicopter. Inalalayan ko si Ms. Zhi at Ms. Xiao na kapwa nakaitim na blazer. May iniutos pa sa akin kaya agad na tumalima ang mga tauhan ko matapos magbigay galang. Nagawi ang tingin ko sa walang emosyong si Ms. Zhi. Unang beses niyang makatapak sa kastilyo nila ngunit hindi pinahahalata ang kainosentehan.

Nawala na sila sa paningin ko nang magtungo ako sa Keep dala ang mga doctor na pinadala ni Ms. Xiao. Tinahak ko ang chamber ni Dexter Tan. Para ipatingin ang kaniyang kalunos-lunos na sugat ng mga daliri sa paa. Nang matapos ay siyang pinauna ko'ng lumabas ang mga doctor para lang mapuna ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang généraux ni Madame Zhiruo.



"Magagawa mo pang isalba ang katungkulan mo bilang Deuxième Généraux... kaso, si Ms. Zhi ang kinalaban mo..." Ani ko sa ibang lenggwahe. Ang Pranses. Napangisi ako nang masulyapan ang panghihinayang sa kaniyang mata.



"Kung ikaw ba ang kinalaban ko ay sa tingin mo may laban ka?" Tugon niya rin sa Lenggwaheng Pranses. Humalakhak pa ang loko. Kay tanda na, hindi na lang naghanap ng pamilya.



"Ano ba'ng nangyari sa paa mo na iyan?" Patungkol ko sa mga daliring tila ba nadurog. Nakakaasiwa tignan. Parang walang habas na pinukpok ng martilyo ang mga iyon.



Umangat ang isa niyang kilay. Bago natatawang tumango. "Ito? Monstre..." Maya-maya ay napangiwi siya. Mukhang nasasaktan sa sugat doon. "T*ng inang ito... dapat pinatay na lang ako..." mariing aniya.



Nagtataka ko'ng sinulyapan ang kaniyang kabuuan. Wala naman siyang ibang galos, maliban sa mga pasa at konting hiwa sa mukha, leeg, braso at kamay. Ang mga daliri lang talaga sa paa ang nakakadiri tignan. Sino naman ang gumawa no'n—

—wag niyang sabihing...

Nalunok ko ang sariling laway.

Si Madison at Aiah lang naman ang nag-rescue sa batang Morris na iyon. At sa pagkakatanda ko, walang lakas ng loob si Aiah na paduguin ang parte ng katawan ng kaniyang kalaban. Aiah is the sweetest and softest killer of all générales. Kaya siya ang naging Cinquième Général.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon