CHAPTER 46

3 0 0
                                    

NAZZER








"CONGRATULATIONS! Sa mga nagsisipagtapos!"



The white graduation hats flew into the air, as all the students congratulating each other. Ang araw kung saan ang lahat ng aming kaibigan ay nagdecide na magpunta sa bar. Hindi mapantayan ang ingay nila Harmony at Brent. Habang si Chelsea ay sinasabayan lang ang mga ito. Halatang sa tinagal ng pagsasama ay naging malapit ang tatlo. Si Aiah din ay isa pang naging dahilan ng kaingayan ni Brent.



"We had gay friend here!" Sigaw ni Brent habang nakataas ang kaniyang beer, nanghihingi ng atensyon na pinunan namin.



"Gago ka! I'm not gay! I'm a woman!" Tumayo din si Aiah at akmang babatukan ngunit nauwi lang sa habulan. Pinagtawanan na lang namin sila nang magpang-abot.



"Congrats again, Naze... Our Salutatorian! Cheers!" Nagtayuan kami sa pangunguna ni Ian. Pinagbangga ang aming mga baso at kopita. Sabay-sabay na ininom ang laman at muling naupo.



Lumalim ng lumalim ang gabi. Mabilis na umikot ang oras sa hating gabi. Ang kaninang maingay naming table ay natahimik nang bumagsak sa kalasingan si Brent. Lasinggero talaga.

Si Aiah din ay bumulagta sa tabi ni Madison. Normal naman ang naging pagkalasing ni Chelsea at Harmony para ang maghatid sa kanila ay silang dalawa na lang din. Gamit ni Chelsea ang kanyang sasakyan na sa mismong graduation ibinigay ng daddy niya.



"Are you fine?" Tanong ko kay Madison na noo'y katabi ko na sa passenger seat. Nasa likod naman si Aiah na nakahilata. Humihilik pa.



"Of course..." pormal na ngumiti ang kaniyang mapupulang labi.



Binuksan ko ang binata ng aking kotse para magpaalam sa iba pa. Masaya naming nilisan ang bar. Payapa at tahimik ang kalsada. Sapat para mabilis kaming makarating sa Condo building nila Aiah. Walang ibang tao sa loob nang pagtulungan namin ni Madison ang kaibigan.

Alam din naman ni Madison ang kwarto ng kaibigan kaya mabilis kaming natapos sa pag-aasikaso.



"Tara na." Sinarado ko ang pinto ng kwarto ni Aiah atsaka siya hinawakan sa kamay.



"Naze, there is another room in here." Hinigit niya ako ay hinalikan na lang basta.



"Madison?" Nabigla ako sa bigla niyang paghigit sa akin patungo sa kabilang direksyon. Binuksan niya ang pintong aming nahintuan at madilim na kwarto ang bumungad sa amin.



Ang nagsisilbing liwanag lamang ay sa buwan na tumatagos sa babasaging bintana. Lalo ko pang ikinagulat ng isarado niya ang pinto kasabay ng pag-lock niyon.



Oh my God...



"Madison?" Pagtawag ko sa kaniya ng tumayo siya sa harap ko matapos akong itulak sa kama. Napalunok ako nang marahan niyang tanggalin ang kaniyang blazer at ganoon din ang kaniyang damit pang-itaas.



"Naze, remember I told you?" Nang-aakit ang kaniyang matang nagbaba ng tingin sa labi ko. Kasunod no'n ang pag-alis niya ng top shirt ko. Gumapang ang kamay niya sa aking dibdib atsaka pa lang ako hinalikan sa labi. Mapusok, ngunit malamya, halik pa lang sa labi pero halatang may pupuntahan. Sandali niyang pinakawalan ang labi ko. "Give me this gift..."



Malalim akong humugot ng hininga bago siya hapitin palapit sa akin. Hindi magkamayaw ang kaba at init ng aming katawan ng magdampi. Wala sa sariling tinanggal ko ang kaniyang takip sa dibdib.



Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon