NAZZER
NAKABALIK na ang ibang section sa University.
Habang kasalukuyan pa nga lang kaming nasa daan ng mga naiwan. Tahimik ang mga estudyante sa loob, na sobrang bago para sa mga maiingay dapat. Dumaan din ang sinasakyan nami'ng bus sa isang hospital. May kalayuan din ito sa bundok. Huminto ito atsaka lumapit sa akin si Ms. Ramirez.
"You need to be there?" Anang guro na nakapagpatayo sa akin.
Hinanap ng mata ko si Aiah na noo'y nakaupo sa tapat ko. "Ako po?" Natanong ko. Siguradong nandon si Madison sa hospital na 'yon. Dapat si Aiah na ang kasama niya.
"Naroon ang mommy mo and her." Pormal na ani ng guro kaya hindi na ako nagtanong pa. Lumabas siya ng bus na sinundan ko naman. "Good afternoon Mrs. Morris." Pagbati niya kay mommy ng makasalubong namin.
"How's the students?" Tanong ni mommy atsaka pa lang ako lumapit para halikan siya sa noo. "Son, your friends and your girlfriend is inside." Tinuro niya ang malapit na ward. Tumango lang ako at nagpaalam na rin sa guro.
Lumapit ako doon upang hawien ang kurtina. Bumungad ang walang malay pa rin na si Harmony. Katabi si Brent habang si Madison... wala.
"Ano daw lagay niya?" Tanong ko nang madaluhan si Brent.
"Na-treat na yung wound niya. Damplis lang naman." Mahihimigan sa kaniya ang pagkadismaya sa nangyari. Nagsabi pa siya ng kung ano-ano tungkol sa kung gaano sila kabilis nagpunta dito. Gusto niyang sabihin iyon ng masigla kaso sa sitwasyon ni Harmony ay tila ba pinipigilan siya.
Maya-maya ay may mga nurse na dumating. Tumayo si Brent para bigyang daan ang mga ito. Binuksan nila ng maluwang ang kurtina at ang mismong hinihigaan ni Harmony ay kanilang inilabas.
"Ililipat po namin siya ng private room." Sumunod kami sa mga nurse at hindi nagtagal ay nakarating na kami sa tinutukoy nila.
Mas maliit lang ang room na ito kaysa nakasanayan ko pero kung titignan sa ayos ng loob ay mukhang ito na ang pinakamaganda nilang kwarto. Inasikaso nila ang kailangan ng pasyente saka pa lamang lumabas, kasabay ng pagpasok ng mga magulang ni Harmony.
Naroon na agad ang luha sa mata ng kaniyang ina at pag-aalala sa kaniyang ama. Nalulungkot man ay hindi ko pa din sila nagawang makausap kaya lumabas ako para maiwan sila at si Brent na lang ang bahala.
"Naze..." pabuntong hininga akong humarap kay Madison. "Are you, okay?" Tumango ako at ngumiti. Hindi pilit pero ayokong ipakita na nagpapanggap ako kaya malungkot akong lumapit sa kanya.
"I love you, Madison." Niyakap ko siya at mabilis ding kumawala. Tinanggal ko ang duguan niyang blazer para itiklop sa dalawa at isampay sa braso ko. "Whatever you did, I'm still." Sinsero akong ngumiti na siyang nahawa kaya agad akong nayakap.
"Thank you..." kumalas din siya at sabay kaming bumalik sa loob.
Nung mga oras din na iyon ay halos makita ko kung paano siyang pagsilbihan ng magulang ni Harmony. Panay ang pasasalamat sa kaniyang maagap na pagtulong dito. Gabi na ng dumating ang pinapadalang van nila na maglilipat kay Harmony sa kanilang hospital.
Hindi na kami nakasunod pero hindi hinayaan ni Brent na mawala sa paningin niya si Harmony. Kaya sa huli ay ako ang kasama ni Madison na sumakay sa kanyang lumilipad na kotse. Hilong-hilo ako ng kami ay makababa at nagulat na lang sa establisyementong binabaan namin.