NAZZER
Nasundan ko lamang ang mga kilos niya pero hindi ako makasunod. Sandali niya akong binuhay sa tanong niyang iyon ngunit muling pinatay sa sagot din niya sa akin.
Malalim akong bumuntong hininga at sumabay na sa mga kaibigan ko.
"Sama ka," siniko na naman ako ni Brent. "Sa skate park, panonoorin si Ian."
Nilingon ko si Ian na tumango bilang kumpirmasyon. "Kayo na lang. Wala akong gana."
"Bakit? Dahil hindi ka pinapansin ni Madison?" Yun na agad ang nanunuksong tanong ni Brent.
Nasa parking lot na kami at sa kotse ni Ian kaming tatlo dumiretso. Nagpaalam naman sina Aiah na uuwi na gamit ang sundo ni Harmony.
"Well, I used to. I don't think about you." Pumasok si Ian sa kotse niya matapos sumagot sa tanong ni Brent. Nasaulo niyang matapos akong tanungin ni Brent ay isusunod na siya kaya pinangunahan na niya.
"Advance. Hehe." Pumasok na rin sa back seat si Brent.
Sa passenger seat naman ako. "Salamat sa paghatid, in advance." Nangiti ako sa sariling ginaya ko siya.
Parehas kaming mahinang natawa.
Nagdaan ang dalawang araw na walang pasok.
"Ang bilis ng mga oras..." ani mommy sa isang umaga sa hapag kainan namin.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Ganoon din si Kuya na nangiti sa sinabi ng aming ina.
"Parang kailan lang nag-aalala pa tayo sa mga posibleng mangyari... but look at us now, we are happily eating together." Tinapos ng aking kapatid ang kaniyang agahan. "Thank God."
Gusto ko'ng maging emosyonal ngunit hindi ko iyon nagawa nang tumayo na siya at magpaalam na papasok na. Ganoon din naman kami ni mommy dahil sabay ulit kami.
As usual si daddy ay hindi sumabay sa amin ng agahan.
"How are you and Madison? Wala ako masyadong naririnig tungkol sa inyo unlike nung bago pa lang siya dito, lagi kayong magkasama." Mom asked me in the middle of hallway not that far from her office.
Nagpalingon-lingon ako dahil baka may nakarinig sa kaniya. Nang makuntento ay saka muli akong humarap sa aking ina. "Mom, there's nothing about me and her."
"Talaga? I remembered when she was in our house..."
Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Pumasok siya sa kwarto mo, anong ginawa niyo—"
"Hala! Mommy! Ano ba yang sinasabi mo..." nagugulat akong napalapit sa kaniya dahil baka may makarinig. "Pupunta na ako sa room ko." I kissed her on her forehead.
Hindi ko na siya inintay pang tumugon bagkus ay iniwan ko na lang siya roon.
Nakasanayan ko na ang araw-araw na pagpasok na kasabay si mommy dahil yung kotse ko ay nasabi na ng manggagawa na hindi na iyon maaayos. Masyadong nadurog daw ang mga parte. Sinabi pa nga sa akin ni Kuya na kung tinamaan ako noon ay malamang durog din ang buto ko ngayon.
Sa ngayon ay nakikisabay ako kay mommy papasok at kay Ian naman pauwi.
Walang araw na dumaan ang hindi pumalya si Madison na hindi ako pansinin. Kung hindi lang kaibigan ni Aiah si Brent at Harmony ay baka hindi rin siya sumabay sa amin.