CHAPTER 44

3 1 0
                                    

NAZZER









I KEEP staring to Madison and Elorde exchange glances. Si Ian ang katabi ko sa aking kaliwa at sa kanan naman si Madison. Katapat ba naman daw namin ang baklang umiinom ng kape habang ang mata ay hindi inaalis kay Madison. They looked like talking to each other using an eye to eye contact.



"Bakit nasira ang tent ni Madison?" Diretso ko'ng inagaw ang atensyon ng bakla. Nagulat pa pero agad ding nakabawi.



"Nasira? Kaya pala hindi ko na nakita do'n." Biglang singit ni Brent na noo'y nasa tabi ni Harmony sa kabilang side. Medyo malayo lang kay Elorde. Napapaikutan namin ang bonfire at kami na lang din ang tao sa labas.



"Ahh..." sumimsim muna sya sa kanyang tasa at saka muling lumingon kay Madison. "Yon? We got a fight eh."



Nagtataka ko'ng nilingon ang katabi ko at tumango tango lang siya. Fight na  naman? "Sa paanong paraan naman kayo nag-so-called-fight?" Hindi ko naiwasan ang maging sarkastiko sa tanong na iyon. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang senaryong yakap ni Madison ang bakla na ito.



"Bakit? Tabi kayo natulog?" Pang-iintriga ni Harmony na wala palang kaalam-alam.



"Yeah..." nakangising tumango ang bakla. Bagaman malandi ang tono ay nagyayabang na tunay.



Muli ko'ng nilingon si Madison na noo'y binabasa ang labi niya ng sariling dila, kasunod nang pagkagat non habang ang mata ay nakatingin kay Elorde. Si Elorde na nang malingunan ko ay lumulunok!

Bwisit!



"Madison!" Agad naman na humarap ito sakin. "Kapag yang bakla na 'yan naging straight na lalaki, ikaw lang ang sisisihin ko kapag nagustuhan ka na'n." Inis ko'ng sabi pero ayun at nagbaba lamang ng tingin sa kaniyang kamay at mahina pang tumawa. "Kinakausap ka ng maayos."



Tumango siya at nag-angat sakin ng tingin. "Elorde is a hot guy... he could be whatever he wanted to be." Kumilos na naman ang daliri niya ng hindi ko inaasahan nang ito ay ipatong sa labi ko at nangingiting tinignan 'yon. Pero wala siyang ginawa!



Pinaningkitan ko siya ng tingin. Ngunit nang magtatangka akong halikan siya ay may tumikhim sa aming tabi. Hindi lang isa o dalawa kundi tatlo.



"Do it in private, Naze." Nag-iwas ng tingin si Ian.



"My virgin eyes..." malanding dagdag naman ni Elorde.



Nang bumaling ako kila Brent ay buong ulo niya ang nakayuko. Si Harmony naman ay namumula ang mukha ngunit pigil ang sarili na gumawa ng ingay.



"Oh my!!! Ano ba naman kayo! Masyado akong kinikilig!" Nagkamali ako na nagpipigil siya. Bumwelo pala para ipagsigawan.



"Psh! Ms. Chavez, me and Ms. Gorgeous had a sweetest time last night, noh!" Isa na namang malanding dagdag ni Elorde.



Tuloy ay pigil ko ang sariling tumayo. Naiinsulto ako sa pang-aasar niya kahit hindi iyon totoo. "Shut up, Elorde! Matulog ka na nga!" Inis ko'ng inakbay ang braso ko kay Madison. "Buti nasira yung tent mo." Hindi ko na pinigilan ang sariling halikan siya sa pisngi.



"Sabing 'wag dito." Natawa ako sa naging reaksyon ni Ian. Ginulo ang buhok at panay ang pagtapon ng alikabok sa bonfire.



Nagtawanan tuloy sila Brent at Harmony. Gano'n din ang ingay na sa tingin ko ay gumising kay Aiah. Natigilan ang lahat nang lumabas itong kinukusot ang mata.



Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon