CHAPTER ELEVEN

3 1 0
                                    

NAZZER






NAGUGULAT.

Wala akong masabi.

Dugong umaagos mula sa kamay ng kung sino.

"M-Ms. Zhimei..." walang kaanu-ano'y napaatras ang Serial Killer. Halatang nanginginig ang kaniyang tuhod nang bigla itong napaupo sa lupa. Hindi inaalis ang tingin sa kaharap na babae.

Kamay ng babae na siyang sumalo sa bakal na baseball bat, na mayroon badwire na nakapalibot. Walang humpay na umagos ang dugo sa kaniyang kamay.

Napalunok ako ng makita ang kaniyang mariin na pagpikit. Kitang-kita ang sakit na nakuha niya sa bagay na hawak.

"Madison— Ah!" Kumirot ang tiyan ni Aiah at hindi makatayo gustuhin mang tulungan ang kaibigan.

Doon lang ako lubusang natauhan. Wala sa sariling nalapitan ko sila.

"Madison..." dinig ko ang tibok ng kaniyang puso matapos ko'ng tawagin siya sa pangalan.

Tumama ang paningin niya sakin. Sa ganon niyang sitwasyon ay nagliwanag pa rin ang kaniyang mukha.

Ano bang nararamdaman mo? Bakit hindi ka na lang masaktan. Ipinapakita mo sakin na ayos lang sayo ang sakit na iyan.

Hinawakan ko ang bakal upang mapagaan sa kamay niya pero bigla niya iyong itinapon palayo. Nasundan ko kung saan iyon tumama. Sa direksyon na malayo sa Serial Killer na ngayon ay tumatayo na. Nagtatangkang tumakas.

Nag-init ang aking mata, ganoon kadali napunta sa aking ulo at nagdilim ang aking paningin. Wala sa sariling napigilan ko ang Serial Killer sa akma niyang pagtakbo at pinaulanan ng magkakasunod na suntok sa mukha. Hindi ko maramdaman ang sakit ng aking kamao kahit sa paulit-ulit na tumama iyon sa kaniyang panga, ilong, sa ulo, at mukhang nadali ko rin ang kaniyang mata.

Na tuluyang nagpabagsak sa kaniya.

"Naze! D-dalhin natin sa clinic si Madison!"

Tumigil lang ako nang tawagin ni Aiah.

Aligaga ako ng tinignan ang dalawang babae. Hindi alam kung sino ang uunahin. Pero nang tulungan ni Madison si Aiah na makatayo gamit ang kanan niyang kamay ay kumilos din ako para hindi siya mabigatan.

Sunod na kinuha ko ang bag na nakasukbit pa sa likod niya. Hindi ko na alam kung aalalayan ko ba siya o buhatin na lang para madali kaming makapunta sa clinic. Alam kong kahit kumilos na ako ay kabado pa rin ang aking kamay na nangangapa kung paano ko siya hahawakan. Taranta at alam ko din na malikot ang aking mata na hindi malaman kung anong gagawin para hindi na tumuloy ang pagdudugo ng kaniyang sugat.

Naba-blackout ang utak ko!

Wala akong maintindihan kung paano ang sunod na hakbang para makapunta na kami sa clinic. Natulala ako sa kamay niyang dire-diretsong umaagos ang dugo.

"Malayo sa bituka ang sugat, Naze... dalhin mo na siya sa clinic dahil marami ng dugo ang nawawala."

Sandali akong sumulyap kay Aiah. Finally, nabawi ko na ang aking diwa. Natinag ang aking naghahalong emosyon sa nakikita. Ganon nga ang ginawa ko.

Kinuha ko ang braso niya at bahagyang itinaas yon na para bang mapipigilan no'n ang pag-agos ng dugo. Nakatutok ang paningin ko sa kamay niya habang marahan siyang inaalalayang lumakad.

Nanlaki ang mata ko nang biglang tumindig siya ng tayo at pangunahan pa ang paglalakad habang nakataas ng bahagya ang kaniyang kaliwang braso. Nagugulat man ay sumunod ako at hinawakan muli ang kaniyang siko.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon