EPILOGUE

7 1 0
                                    

IT'S HER








NAGISING ako sa loob ng isang silid. Puting-puti ang paligid at bago ko pa maigala ang paningin ay nahalata ko na ang babasaging kwartong kinalagyan ko. Hindi naman ako pinag-eksperimentuhan pero ang sakit na nagmumula sa ilalim na bahagi ng tainga ko ay ginising ang diwa ko. Nang kapain ko ang aking leeg paitaas sa tenga ay noon ko lang naramdaman sa loob ng laman kong iyon ay may nakabaon.


Hinang-hina ang katawan ko nang makabangon. Napakaiski din ng suot ko. Parang pantulog ko na ito. Wala pang manggas. Ang katawan ko naman ay sanay sa lamig kaya mabilis kong nabawi ang lakas ko.

Unang tapak ko sa sahig ay nagbigay agad ng alarma sa pinto ng babasaging kwarto. Hudyat na may darating dahil gising na ako. Hindi ako nagkamali nang may mga pumasok na naka-lab gown. Pormal tignan ang mga ito sa puting polo panloob at itim ang pants. Wala ni isa sa mga iyon ang nasalubong ko ang paningin. Lahat ay nakababa sa paanan ang kanilang atensyon. Parang mas binibigyan pa nila ng galang ang sahig kaysa sa akin. Nang makalapit ay agad akong tinulungang makatayo at binigyan lang ng sapin sa paa bago iginiya palabas ng silid

Hindi nagtagal ang paglalakad sa pulos puting pader ng pasilyo, nang marating namin ang isa pang modernong kwarto. Walang ingay ang maririnig mula sa labas kaya natigilan ako nang makita ang napakadaming tao sa loob no'n. Nakapalibot sa bilog na lamesa, na matatantyang hindi bababa sa sampung metro ang lapad. Gano'n sila kadami at gano'n din kalawak ang silid.

Lahat sila ay nagawi sa akin ang paningin, ngunit mabilis ding iniwas. Naging dahilan ang kanilang pag-iwas para hawiin ko ang aking buhok at magulat na lang dahil ang tunay na kulay nito pala ang nakikita nila. Isama pa ang aking mata na siguradong hindi rin nila matitigan sa mga oras na ito.

Naroon na naman ang pag-alalay ng mga nakaputing lab gown sa akin habang paupo sa kurbadong sopa. May maliit na babasaging lamesa lamang sa harap. Umalis ang mga naghatid sa akin at magpatuloy ang kung ano mang pinag-uusapan ng mga tao sa loob.

Habang gano'n katahimil ay lumapit ako sa isang estante ng libro. Sa unang tingin ko pa lang ay halata ng hindi lang basta lagayan ng libro iyon. Ipinagsawalang bahala ko na lamang at kinuha ang itim na salamin sa mata at isinuot. Muli akong bumalik sa inuupuan ko kanina. Natigilan sila sa ginawa ko pero muli namang nagpatuloy.



"There have been rebel snipers for the past five years. They increase as time goes on. It is necessary to catch them before they could make a big move that will bring down the Agency..." dinig kong ani ng isang may edad na. Sa puting buhok at kulubot na balat ay nasisiguro kong hindi na bababa sa 70 anyos ang edad nito.



"We need your help, Platinum. You're the only one I see capable of finishing the mission sooner." Gusto ko'ng pagtawanan ang seryosong mukha ng isa pang nnagsalita no'n.



If only I wasn't afraid of dying I might have done it. But I need to live.



"I knew, you already know about the chip inside your lower left ear." Saad pa ng isa na di nalalayo ang edad sa mga naunang kumausap sa akin.



"This is how you make me obey, huh?" Natahimik ang mga ito ng magsalita ako. Nagugulat man na lumingon sa gawi ko pero hindi na nila iyon iniwas.



"You don't have to do anything because we are ready to give you your life back, and we will give you a logical legality to our agency." Ipinahinga ko ang aking likod at diretsong tinitigan ang sunod na nagsalita. "We see you want to live, work for us and no one will do harm to you. Even your relatives in the Philippines."



Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon