MICHIN MEDINA GOMAN
The hallway I always walking through is chaotic and noisy, but that changed in an instant.
Tuwing pumapasok ako ay nahihiya akong lumakad sa ganong klase ng paligid pero ngayon, ibang-iba na. Wala na akong maramdamang mga matang nakatingin sa akin tuwing ako'y maglalakad papasok ng aming silid. Wala ng mga kapwa ko estudyante ang nakatambay sa labas ng kanilang room kapag walang Professor.
Isa na lang ang hindi nagbabago. Masaya ako sa ganito. Pero sa tuwing iisipin ko na ito ang bunga na sanhi ng mga hindi magandang nangyayari ay ikinalulungkot ko ang sayang nararamdaman ko.
Ako ang kuntento sa ganito habang naghihingalo at nangangamatay na ang mga tao sa paligid ko.
"Michin..."
Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Lucas mula sa likuran ko. Hindi matawaran ang galak sa aking puso na sa umagang ito ay siya ang unang kumausap sakin.
Ginantihan ko ng ngiti ang kaniyang magandang bungad sa umaga. Tatlong taon na rin simula nang makilala ko siya, hanggang ngayon ay ganitong pakiramdam lang ang ipinaparamdam niya sakin palagi.
"Good morning, Lucas." Abot tainga ang ngiti ko'ng hindi mapigilan.
"How was you last day?" Sinabayan niya akong lumakad sa tahimik na pasilyo.
"Sorry..." tanging nasabi ko.
"It's okay. I know how soft hearted you are, I shouldn't have let you feel that way."
Napatitig ako sa kaniyang mga mata. "Napaka sinsero mo masyado." Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Nakakahiya na sa simpleng salitang gano'n ay natunaw agad ako.
Napakalinaw niya kasing bumigkas ng salita, at malalim para sakin ang kaniyang paraan ng tingin.
"Para sa pinakamamahal ko'ng babae." Hindi ko mapigilan ang maantig sa kaniyang litanya.
Mag-dadalawang taon pa lamang kami. Siya ang pangarap ko'ng klase ng lalaki. Masyado yatang mabilis na ibinigay sakin ng panginoon ang kahilingan ko.
Hinalikan niya ang aking noo nang huminto na ako sa aking silid. Nagugulat man ay hindi ako nakapag-protesta. Nahihiya ako na baka makita kami ng iba sa ginawa niya.
"Ano ka ba... sabay tayo kumain mamaya." Nginitian ko ulit siya at nagbadya ng magpaalam nang bigla niyang angkinin ang aking beywang at inilapit sa kaniya ng walang distansya. "L-Lucas... nakakahiya..." nag-iinit na ang aking mukha at dama ko ang may mga mata ng nakakakita sa amin.
Ngunit hindi siya nagpapigil nang angkinin niya ang aking labi. Nahabol ko agad ang aking hininga sa maikling segundong pakawalan niya iyon.
Nagulat ako ng makita na may dumaan sa gilid namin na isang estudyante rin sa building namin. Napapahiya akong nagbaba ng tingin. Baka mamaya ay kung anong isipin niya.
"One, two... three and... four." Ngumiti sa akin si Lucas at pinalaya ang katawan ko. "Hindi mo na sila makikita mamaya, mahal ko." Umangat ang gilid ng kaniyang labi.
Kumalabog ng malakas ang kaba sa aking dibdib. Nangangapa ng aking sasabihin ngunit wala akong mahanap sa nablangko ko'ng isip. "Please..."
"What?" Mistulang inosente ang kaniyang tanong.
Hinawakan ko ang kamay niya. "You don't need, Lucas."
