CHAPTER 24

3 1 0
                                    

NAZZER



Hindi na ako naubusan ng pagkamangha simula nang makapasok sa loob ng kanilang bakuran. Lalo pang nadagdagan ng may nagbukas ng kanilang naglalakihang pinto. Hindi sapat ang bilang sa aking daliri sa kamay kung gaano sila karami. Pulos nakasuot ng kulay asul at puti na damit. Kulay puting palda na abot sa kanilang binti at ang pang-itaas ay mga long sleeve button up hanggang leeg. Ang asul ay tila ba pumoprotekta sa kanilang puting kasuotan, mayroon din sa kanilang ulo na nakatali sa ilalim ng kanilang baba. Lahat ay walang pinagkaiba ang suot. Lahat pa ay matatantyang middle-aged women.

"Good Evening, Youn—" hindi natuloy ng isang nangunguna sa kanilang grupo ang kaniyang sasabihin nang iangat ni Madison ang kaniyang kamay.

Sumulyap pa sa akin na ginantihan ko naman ng nagtatanong na tingin. Hindi siya nagsalita bagkus ay nag-alisan ang mga maid sa aming harapan. Napakabilis na parang hangin lang ay nawala na sila sa paligid.

Noon ko lang naramdaman ang kakaibang katayuhan sa buhay ng kasama ko'ng babae. Hindi basta lang mayaman ang isang ito. May kung anong kapangyarihan sa kaniyang mga kilos ang kusang sinusunod ng mga tao dito. Hindi ko iyon maipagkakaila nang lumapit pa ang mahigit sa sampung naka-itim na lalaki ang kaninang humarang sa gate kanina.

"Narito na po ang inyong ama, Youn—"

"Yeah Yeah I know." Pagputol niya sa sasabihin ng isa sa kanila. Umalis agad ang mga iyon.

Hindi ko na magawang magtanong dahil nalunod na ako sa kamangha-mangha nilang loob ng mansion. Kaylawak ng kanilang spiral stairway. Nakakalula kung pagmamasdan ng matagal mula dito sa ibaba hanggang sa taas. Hindi ko mabilang kung ilang palapag iyon.

"I'll let you meet my dad." Nabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang kaniyang boses. Nanatili kaming narito sa kanilang malawak na sala.

Hindi ko nga malaman kung living room pa ba ito. Parang sa mga napapanood ko sa movie. Sayawan ng mga mayayamang tao sa ibang bansa o kaya'y mga prinsesa't prinsipe ng maharlikang pamilya ang estilo ng kanilang Mansion.

Could that be?

"There he is." Nagpatiuna siyang lumakad at tinahak ang front dont.

Nang sumunod ako ay sinalubong kami ng limang lalaking naglalakihan ang katawan nasa unahan nila ang pamilyar na mukha ng lalaki.

Hindi kumukupas ang kaniyang tikas at ang gandang lalaki nito. Napakatangkad na halos tainga lang niya ako. Malinis na walang bigote o balbas ang kaniyang mukha. Kulay brown naman ang kaniyang buhok na parang binata ang gupit. Hindi nagbago ang kaniyang pagngiti.

Ngiting nakikita ko lamang sa TV noon, ngayon ay personal na malapit pa. Siya ang tatay ni Madison. Ano pang ipagtataka ko ngayon? Sobrang misteryosa niya at walang pinagkaiba sa kaniyang ama na nasa harapan ko.

"Mr. Throndsen..." nausal ko nang kilalanin ang kaniyang pagkakakilanlan. Hindi nawalan ng paghanga sa kagandahang lalaki kahit na may edad na. "I'm honoured to meet you personally." Hindi maitago ang tuwa sa aking pananalita.

"Oh?" Maganda siyang ngumiti na abot sa kaniyang mata. Gano'ng kaganda. "Who is this young gorgeous man, Madison?"

Nagkatinginan kami ni Madison. Nagtataka ang kaniyang tingin sakin habang ako ay gustong ipagmalaki na kaharap ko ang taong tumulong sa aming pamilya sa gitna ng aming pagkakalubog.

"You know him?" Tanong niya sakin na parang hindi narinig ang kaniyang ama.

"Siya yung kinukwento ni mommy sa atin. I never knew, he was your father." Nagbaling ako ng tingin kay Mr. Throndsen at bahagyang yumuko. Ang alam ko ay Spanish siya. Base sa mga nabasa ko'ng article noon about sa kaniya. "I'm her friend, Sir. Nazzer Clee Morris." Pagpapakilala ko sa sarili. Wala na akong ibang dahilan para mawala ang paghangang  ito sakin.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon