CHAPTER 32

2 1 0
                                    

NAZZER









《SEXY DELI-BAR》

I've been spending some time, thinking I'd be alright
Don't know if I could really make it tonight
Lie awake in the dark, come down then I start
Thinking about you is almost breaking my heart.

I don't know where I went wrong or what's going on
Baby, I feel like our love's lost tonight
Should I stay, should I go? Well, I really don't know
Lately, I've been missing you so

Baby, you don't understand
Our love lies lost, but you're still holding my hand
Oh, and then you walk away
Just tonight, I want you to stay


Ang ganda pala ng boses ni Brent. Talentado din. Magaling sumayaw at maganda pa pala ang boses.


You're turning me on, you turned me around
You turned my whole world upside down
You're turning me on, you turned me around
You turn my whole world upside down.


Nagawa ko'ng pakinggan ang liriko nang hindi kinaiinipan. Ngayon lang din ang unang beses niyang kumanta sa madaming audience. Nag-iba siya sa ilang mga bagay matapos ang nakaraang linggo sa Acquaintance Party. Madalang siyang sumasama sa amin, para bang may iniiwasan. Bihira magpatawa kapag kami-kaming tatlo na lang ang magkakasama.

May iba sa kanya na naging dahilan namin ngayon para kami naman ang mag-aya sa kaniyang uminom na siyang hindi niya natanggihan.


"Nakakahiya..." ang paraan din ng pananalita niya ay hindi na tumutugma sa nakasanayan ko'ng pakinggan.


"You sing well, Brent." Ian complimenting his singing skills. "So... why are avoiding us at school?"


Tutok na ang aking paningin sa reaksyon ni Brent. Pero kapani-panibagong hindi manlang siya nagulat. Mapakla siyang ngumiti bago nagsalin ng inumin sa kaniyang baso. "I'm sorry..."


"We understand, you tell us."


Muling lumaghok ng inumin si Brent. Nagkatinginan kami ni Ian. Kapwa na kaming nagtataka sa mga kinikilos niya. Seryoso ang mukha na para bang may malalim na problema. Nagsimula ang ganyan niyang kilos kinabukasan matapos ng Acquaintance Party. Panay ang pag-iwas sa aming mga kaibigan niya. Naging mailap siya na makipagbiruan sa school.


"I like Madison and I felt sorry for that." Seryoso niya akong tinapunan ng tingin. Napunta kay Ian at muling bumalik sa akin. "Yun yung rason ko. Masasaktan ko si Harmony, alam ko rin na may nararamdaman kayo para kay Madison. Natatakot akong lumalim yon kaya pinili ko'ng umiwas." Mapakla siyang tumawa. Bawat pikit ay may diin. Ang pagkuyom ng panga ay kasabay ng paglaghok sa kaniyang inumin. "Gusto ko siya, pero... mawawala rin 'to. Malabo kasing mapansin niya... at hindi ko hahayaan yon."


Hindi ko nagawang tumugon. Nadagdagan lang lalo ang isipin ko. Sa paanong rason siya nagkagusto kay Madison? Kamakailan lang ay siya pa ang nanunukso sa amin ni Ian sa dalaga. Pinilit ko'ng iwaksi ang mga sinabi niya. Nasasaktan siya ngayon dahil inisip niya ang iba. Kung ako ba ang makakaramdam ng nararamdaman niya ay gagawin ko din iyon? Hindi ako sigurado.

Mayroon sa loob ko ang nakakaramdam ng matinding emosyon. Ano mang emosyon ang namumuo dito ay hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado, tungkol ito kay Madison. Siguro nga tama si Brent. May gusto na nga ako sa kaniya. Hindi imposible na mangayari 'yon dahil mas mahabang oras ang nailalaan namin ni Madison sa isa't-isa. Sa school, sa mall, skate park, kahit saan magkayayaan ang mga kaibigan namin ay sige lang naman kami ng sama.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon