CHAPTER TWELVE

3 1 0
                                    

KIAN DALE FRANCISCO





Hindi mo mahahalata na isa siyang sopistikadang babae, namumuhay ng malayo sa pamumuhay ng normal na dalaga.

Eleganteng tunay na hindi mahahalata, sa tindig, lakad at maging pananalita.

Seryoso ang kaniyang reaksyon, madilim ang awra at palaging may sariling iniikutang mundo.

Sino ba ang mag-aakalang mula ulo hanggang paa siya ay kahanga-hanga. Kaakit-akit ang bawat detalye sa kaniyang mukha. Kay sarap sa mata ng kaniyang napakahaba at kumikintab sa itim na buhok. Agaw pansin ang kaniyang makapal na kilay at pilik-mata na pumipitik paitaas. Pati ang kaniyang matatalim na mata ay tila natural na. Nagmamalaki rin ang matangos bagama't maliit na ilong. Kahit ang kaniyang balat na pagkaputla ay nababagay sa kaniyang namumulang labi.

Tama nga ang aking mga magulang. Nakita ko na ng malapitan ang kahanga-hangang ganda ng isang Miller.

"Ian! Ang aga mo yata?" Mom greeted me.

Noong nakaraang araw lang ng ako ay nakauwi, si mommy pa lang ang nakakakita sakin. Daddy is always busy kaya hindi kami nagpapang-abot lalo na nung mga naunang araw ay dumidiretso ako sa skate park.

Alam naman iyon ni mommy kaya siguradong nasabi na niya kay daddy.

"Nasaan ang kambal?" Naupo ako sa mahabang sopa at isa-isang tinanggal ang suot sa paa at pang-itaas na uniporme.

"Tulog... have you eaten your lunch?"

"Not yet. They don't want to play?"

"Wala silang kaibigan sinong kakalaruin nila?"

Sumunod ako sa kaniya sa dinning table. "Each other, mom..."

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito... pero, simula nung umalis ka..." she put a plate in front of me. "They both hate each other."

"Why do you let them?"

"I just thought, they're not serious... bored lang sila dahil wala ang kanilang kuya."

Tango na lang ang isinagot ko at kumain ng kaniyang inihanda.

My sibs are twin, not identically but different gender. They loved playing with me and my Friends-Nazzer and Brent. As two years passed I don't know what happened to them.

"Would you mind tell me, what's going on inside of your University?"

Kusa ko'ng naibaba ang hawak na kubyertos nang mag-angat ng tingin sa aking ina.

Ngumiti siya na parang wala lang ang gulat sakin. "Ian, I have eyes. Nakikita ko din ang pagkabalisa mo kahapon with your friends."

Hindi nga daw pwede sabihin. Hindi naman paparazzi si mommy, so it's no big deal.

I let out a sigh.

"About... what?" I can't. I don't want her to be worried.

"May Serial Killer na nakapasok sa University ninyo."

I was shocked. How did she knows? "How?"

"Believe me or not, someone already told me... hinihintay lang kita." Sumubo na siya sa kaniyang pagkain. "You know that Alicia Morris... is pretty protective." Mahina pang tumawa.

Magkaibigan nga pala sila ni Tita Alicia. Ano pa nga ba ang itatago nila sa isa't-isa.

"Kailan naman ang meeting ninyo?" Naalala ko ang tinutukoy na meeting ni Kuya Dwaine kanina.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon