NAZZER
SAKTONG pagkatapos ko'ng kumain ay siyang paglabas ni Madison na mayroon uling tapis ang ulo para sa basang buhok. Akala mo'y nasa hotel lang naligo. Ang suot pang damit ay manipis na uri ng tela, makintab, at manipis din ang strap.
Lumabas ako para magtapon. Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa banyong umaalingasaw ang amoy ng sabon. Matamis na parang prutas ang sabon na pinanligo ng babaeng iyon. Tuloy habang nagsesepilyo ay nanuot ang amoy na iyon sa aking ilong. Patay na ang ilaw sa kwarto nang makalabas ako sa banyo. Kahit walang makita masyadong liwanag ay pinilit ko'ng dumulog sa mahabang couch upang doon magpahinga. Kahit anong laki ng kama niya ay wala naman kami sa hotel para magtabi.
"Naze, dito ka." Papahiga pa lang ako nang tawagin niya ako. Sa antok ko'ng ito ay hindi ko siya masyadong makita sa dilim kahit pa may liwanag na nanggagaling sa balkonahe. "Naze..."
"Oh my God!" Napaatras ako sa gulat dahil sa lapit ng boses niya sa tenga ko. Habol ko ang hiningang kinapa siya sa aking tabi.
"Why?" Naramdaman ko ang kaniyang mainit na kamay sa dibdib ko. Ang hininga niya ay nararamdaman ko rin sa aking leeg. "Are you scared of the dark?"
"O-of course not." Kinapa ko ang kaniyang balikat. Saktong ang ulo niya ay dumantay sa aking dibdib. "Matulog ka na, Madison. May pasok pa tayo bukas. Lalo na ako kung hindi ka pa makakapasok." Hinimas ko ang kaniyang buhok. Basa nga ngunit hindi ko naman makita sa dilim. Inis na antok 'to.
"Don't you want to kiss me?" Gumapang ang nakakakiliting kilabot sa aking katawan nang maramdaman ang mainit niya hininga sa aking pisngi. "I badly want your lips with mine." Hindi na ako nakatugon pa nang sunggaban niya ako ng halik. Parang ginising ang buong diwa ko sa paglalaro ng kaniyang labi sa labi ko.
Wala sa sariling nakapa ko ang kaniyang mukha at tumugon nang mas malalim pa sa paraan ng paghalik niya. Parang kiniliti ang parteng ibaba ko nang marinig ang kahali-halinang tinig sa bibig niya matapos ko'ng hindi sinasadyang makagat ang kaniyang labi. Pinanggigigilan ako ng paghalik niya!
"M-matulog ka na Madison..." ibinaling ko ang aking ulo sa ibang direksyon. Kahit kasi hindi ko siya kita ay parang gumagawa ng paraan ang kaniyang kilos para magpatuloy ako sa mapusok na halik na iyon. "M-may pasok—" hindi ko na naman magawang matapos ang sasabihin nang muli niya akong halikan!
Ang galing ng labi niya para mabuhay ang sensasyon sa katawan ko'ng ito sa paraan ng paghalik na iyon. Mabagal at dahan-dahan niyang hinihiwalay ang kaniyang labi sa akin sunod ay muling babalik at uulitin. Para nga akong pinapatulog sa galing niyang humalik.
Hinahanap na tuloy ng labi ko ang dila niya!
Oh Fuck!
Napabalikwas ako ng upo at marahang itinulak siya palayo. Oh my... may lalala pa ang halik na iyon! 'Wag lang Madison...
Nahilamos ko ang sariling palad sa aking mukha at pabuntong hiningang tinakpan iyon. Sa ganoong posisyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Kinikilabutan ako! Bakit kaya! Halik lang naman 'yon! Kaso yung halik...
Ahhh!
Madison!
"Pagod ka na siguro..." Dinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga. "Matulog ka na..." gano'ng kalapit na naman ng kaniyang tinig sa tenga ko. "I love you, too." Hinalikan niya ako sa pisngi!
Ahhh!
My god! Madison!
Bakit mo ko ginaganito!
