CHAPTER 22

2 1 0
                                    

NAZZER







"Hi..." I took a closer step to her. She is sitting on the grassy ground. Something is on her hand. "What's your name?" I asked but she never responded. Inosente akong pumunta sa kaniyang harapan, kahit halata naman na ayaw niya ng kausap. "What are you doing?" Sa kaniyang kamay ay may paru-paro ngunit hindi lumilipad at isang rosas na puno ng tinik ang nasa paahan niya.

"The butterfly died on my hand..." nalungkot ako ng magsalita siya. Hindi ko naialis ang aking paningin sa paru-parong walang buhay sa ibabaw ng kaniyang palad. "It better died than to had a withered rose in my sight."

I got a little confused. Is she mourning the butterfly's death or the opposite? Nagulat ako nang siya ay tumayo at nagbaba ng tingin sakin. Ngunit nanlabo ang aking mata dahil sa sinag ng araw sa kaniyang likuran.

"Hi." Tumayo ako ngunit muli lang nasilaw nang magtama ang aming paningin. What did I just see? Kinusot ko ang aking mata gamit ang likod ng aking palad.

"Hi spongebob boy... I'm—" she suddenly chuckled as her finger pointing my stuff toy. "You are his father?" She laughed aloud.

Hindi ko maintindihan ang dahilan ng kaniyang pagtawa. But she's obviously bullying me. Hindi ko siya pinansin. I tap the red button at the back of my spongebob and it laughed much louder than hers.

She was stunned and her blue eyes with the hint of gray suddenly shines.

But my sight turned black. The last scene I remembered... I was running somewhere in the dark grassy place. May mga ilaw ang nananatiling nagbibigay liwanag sa paligid dahilan para makita ko ang ilang palaruan. At ang isang batang babae na nakasuot ng puting dress. Nakaupo sa madamong lupa. Tila umiiyak nang gumalaw ang kaniyang balikat.

Isang bangungot ang panaginip na iyon kung hindi pa ako gumising.

Naramdaman ko ang mabagal na pagtulo ng pawis sa aking noo. Iginala ang paningin sa paligid ng aking kwarto at napagtantong natutulog ang mga kaibigan ko sa kama. Hindi maayos ang porma ng kanilang damit. Gusot ang kay Ian at topless na si Brent.

Saan nga ba kami nagpunta kagabi?

Sa bar.

Ang malala pa kagabi ay nagpakalasing na naman ang mga ito kaya ako ang nagdala sa kanila dito pauwi sa bahay namin. Syempre may tama na rin ako ng ininom namin kagabi.

But before kami umuwi ay may mga babae ang lumapit sa amin, sina Ian at Brent ay napasunod dahil sa kalasingan. May sumubok namang babae na hawakan at akitin ako ngunit hindi iyon tumalab nang itulak ko siya. Kaya ang nakuha ko'ng salita sa babae ay...

"Sayang ang gwapo bakla nga lang."

Ako ang nahihiya sa inasta ng babaeng iyon. Pero mabilis ko siyang kinalimutan at binawi ang dalawa ko'ng kaibigan na malapit nang ma-rape dahil sa kawalan ng ingat at limitasyon sa pag-inom.

Bago pa gumising ang dalawa ay naligo na ako. Nagbabad ng mas matagal sa bathtub habang nakikinig sa musika. Nang matapos ay nagbihis lang ako at lumabas. Sinalubong ako ng dalawa na lugmok ang mga hitsura sa hangover na natamo.

"Grabe yung babae kagabi! Ang wild!" Sigaw ni Brent habang nakahawak sa kaniyang ulo.

"Manahimik ka, baka marinig ka ni mommy." Pananaway ko at naupo sa  kama habang nagpupunas pa ng buhok.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon