NAZZER
"I-di-discharge eh hindi pa nga nagigising..."
"Sabi nga ng doctor ay natutulog lang siya, pagod lang siya kaya napahaba ang oras."
Nagising ako dahil sa pagtatalo ng magkaibigang nasa tabi ko. Pagkatunghay ko ay agad din nila akong kinamusta.
"Inaantay ka pala ni Madison kahapon pa," Saad ni Harmony.
Silang dalawa lang ni Brent ang nandito, at sila ang gumising sakin. Salamat ah... pakiramdam ko inaantok pa rin ako.
"Dalawang magkasunod na araw ka ba naman matulog, iniisip na nga naming patay ka na e... kung hindi ka lang talaga humihinga." Pabirong tugon naman ni Brent. Tatawa pa sana ng maunahan siya ng kamay ni Harmony. Nakotongan tuloy.
"Kumain ka na, Naze... tawagin lang namin si Madison." Umalis silang dalawa na nagtatalo pa rin.
Nag-iinisan. Ilang araw lang ang nakalipas nung inamin ni Brent ang nararamdaman niya kay Madison. Himalang gano'ng kabilis ay bumalik na ulit siya sa dati. Kinatutuwa ko naman iyon. Pero sa parehas na araw ay marami akong nalaman. Matapos akong madukot ay lalo pang dumami ang aking kaalaman tungkol kay Madison. Sa kaniyang nakaraan. Sa pagkatao, Pamilya at hindi ko inaasahang pati ang tinutukoy niyang angkan.
Ibinaling ko ang aking ulo sa ibang parte ng kwarto.
Kumain ako ng ilang mansanas at saging na narito sa lamesa. Hindi ko mabilang ang nilantakan ko. Sobrang nagutom yata ang tiyan ko at hindi naman nagrereklamo ang dila ko. Nang matapos ay pumasok ako ng Cr. Naghilamos at nagsepilyo, na nakuha ko sa isang paper bag.
Wala na namang masakit sakin, parang inaantok lang ang pakiramdam ko. Lumabas na akong muli. Unang tumama ang tingin ko sa nakasaradong pinto. Sunod ay sa sofa, si Madison ay nilalapag ang kanyang itim na blazer doon.
"Madison..." imbis na pagbati ko ang ang mabanggit ko ay hindi ko na rin nagawa.
Doon lang siya humarap. Walang emosyon. Mas mukha pa ngang tinatamad sa akin. Pero aaminin ko, na-miss ko ang presensya niya. Sa kabila nga ng mga nalaman ko. May bagay na hindi nawala sakin para sa patuloy na paghanga ko sa kaniya. Nagustuhan ko na nga siya. Pero hindi ako susugal.
Dahil tama si Brent, baka hindi niya rin ako mapansin.
"Are you feeling fine, now?" Tumango ako bilang tugon. Naupo siya sa kama.
"Sinong tumulong sakin?" Wala akong ibang maisip na maitanong. Yun na ang unang pumasok sa isip ko. Sino nga ba ang tutulong sa akin sa gano'ng kalagayan. Napakaraming tauhan ni Yesterday. "Paano niyo ako nakuha?" Si Yesterday ang may pakana sa kaso ng T.U, ilang buwan na rin ang nakakalipas.
Lumapit siya sa kama ko at tumabi sakin na ikinabigla ko sa kaniyang kilos. "I did..." tila na-e-excite na aniya. "I'm sorry, I came late that time—"
"Are you always tend to use violence?" I accidentally cut off her words.
Nagbaba siya ng tingin, akala mo'y maamong tuta. Malayo sa halimaw na sinasabi ni Yesterday. Napakaamo ng mukha niya. "Don't you like it?"
Pero sa kabila ng kaamuhan niya ay tila nasamid ako sa tanong niyang iyon. "Madison, there is so many way to deal with him—"
"But violence is the only way to dealt with that devil!" Bahagyang nagtaas ang kanyang boses. Dumilim ang mukha.