CHAPTER 42

2 1 0
                                    

NAZZER










"NAZE..." impit ang boses niyang tawag sa pangalan ko nang hindi ko sinasadyang makagat ang labi niya.



Marahan ko'ng hinihimas ang kaniyang balikat kahit pa naka-uniporme siya. Marahan na nahahaluhan ng kapusukan ang aming halikan. Ayaw akong patigilin nang kaniyang boses kaya dumapo ang halik ko'ng iyon sa kaniyang pisngi, patungo sa tenga, sa likod at marahang kinagat ang kaniyang tenga na naging dahilan nang paghigpit ng hawak niya sa kwelyo ko.



"Do you love me, Naze..?" Tanong niya sa pagitan ng kaniyang impit na ungol. "Hmmm..." Tumunghay ng husto ang kaniyang ulo. Ang labi ko'ng kanina ay nasa tenga niya ay ngayong ginagala na ang kaniyang leeg.



"Don't need to ask, Madison..." napangisi ako nang ang maramdaman ang kaniyang kamay na tinatanggal ang butones ng uniporme ko. Agad na dumapo ang kamay niya sa aking dibdib. "My heart only beat for you." Sinapo ko ang kaniyang beywang at idiniin pa sa akin.



Tuluyan ng naghalo ang init ng aming katawan sa simpleng pagdikit. Naghahabol na kami kapwa ng hininga dahil sa hindi maputol hawakan. Kusa lang kaming naghiwalay nang narinig namin ang pinto ng banyo na bumukas.



"Talaga."



"Sasama ka naman ba?"



"Oo naman, makikita ko na yung Bros na half naked, Kyahhh!"



"Bakit naman, sila mahuhubad ng ganon aber?"



"Kasi nga maliligo, ano ba! Ang hina mo!"



Nanatili kami ni Madison sa posisyong iyon dahil sa dalawang babaeng pumasok habang nag-uusap. Maya-maya lang din naman nang sabay na naglakad papalayo ang yabag nila.

Nang makahinga ng maluwag ay lumabas na kami ng cubicle. Nagtatawanang nagtungo kami pabalik sa classroom. Last hour na ni Ms. Ramirez. Katatapos lang ng 3 days Final exam kanina kaya malaya na kaming nagpapa-late. Isa pa, ay nag-meeting pa ang mga guro ng 4th year highschool.

Panay ang tanong ni Aiah at Harmony nang kami ay bagong pasok. Syempre, hindi na namin sila nasagot dahil masyado silang maingay.

Nabalik sa natural na layo ang katawan namin ni Madison nang maupo sa sariling upuan. Dapat ay masanay na akong tuwing nasa loob kami ng room o kaya'y maraming tao ay hindi niya ako madalas kausapin at nananatili lamang siyang tahimik. Kahit kanino.

Dumating na nga si Ms. Ramirez at nag-anunsyo ng mga mangyayari this upcoming week. Kung kailan ang practice sa graduation march at kung kailan ang mismong graduation day.



"Pero bago ang Grad day ay mayroon tayong yearly camping na gagawin." Muling panibagong surpresa ng aming guro. Naghiyawan ang mga kaklase namin. "Ginaganap siya taon taon ng mga magsisipagtapos na highschool... pwede kayong sumama at pwede ring hindi. But I suggest and advice to you to join the camp, because I'm giving a plus point to your final grades." Pinagsiklop ng guro ang kaniyang kamay. "Mas minamabuti ko na sumama ang mga mabababa ang grades lalo na sa ibang subject dahil ang mga activities na gaganapin doon ay siyang magdadag sa inyong grado para makabawi."



"Ma'am sasama kami! Saan po magpapalista?" Mula sa mga kaklase namin sa unahan.



"Tomorrow ang pagpapalista at ang inyong payment." Tinapos na rin ng guro ang pagpapaliwanag ng tungkol doon kaya mabilis na nakauwi ang lahat.



Mas masaya pa yata ang mga magsisipagtapos dahil ayun at magcacamping para sa grades. Kahit naman ako ay hindi na. Kaso tama ang aming guro sa kaniyang isa sa mga sinabi kanina ay once in a high school lang. At lalong hindi na yata mangyayari ito sa college dahil magiging frustration acads or serious years na yon.



Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon