CHAPTER SIXTEEN

1 1 0
                                    

NAZZER






Hindi ko pa nalilimutan ang inasta ni Aiah.

Ngayon alam ko na kung bakit. Dahil nakita ko na ng pangalawang beses ang kulay blonde na buhok ni Madison. I'm not pretty sure, but I saw it one time noong na-detention kaming dalawa.

I furrowed. Malinaw sa mga mata ko ang makintab na kulay puti na buhok na ito. Sinubukan ko'ng hawakan pero bigla siyang nagmulat ng mata.

"What are you doing again?"

Hindi ko na naman makausap ng ayos ang kaharap ko. Hindi naman ito ang unang beses na nagkausap kami, nagkalapit kami, pero palagi akong kinakabahan. "You had a blonde hair?"

She suddenly looked up to me. Got shocked. Parang sa paraan pa ng kaniyang tingin ay nagtatanong kung 'tama ba ang sinabi ko'.

Pero ano bang napala ko non? Wala!

Ngayon lang ako nagkaroon ng interes sa pagkatao niya. Ang daming katanungan sa akin na gusto kong masagot. Pero ang alam ko ay hindi naman siguro sila Madison ang dahilan ng mga nangyayari sa loob. Tumutulong pa nga si ate Zinnia gamit yung mga sarili niyang tauhan.

So as the badge that they gave to us. Malay ko ba kung ano talagang purpose no'n. Kailangan ko pa bang isama sa tanong na iyon ay yung tanong na...

"Pilipina ba talaga ang magkapatid na 'yon?"

Halata sa balat ang hindi normal na pagkaputi. Pati ang matatangos na ilong ay halatang may pinanggalingang lahi. Kahit na sobrang itim ng buhok ni Madison at napakahaba talaga niyon, pero bakit kung titignan ay hindi normal ang kapal. Pino ang bawat hibla at halata ang kanipisan no'n ngunit tuwing pagmamasdan ay parang napaka-kapal. Kumikintab sa itim.

Sasabog na ang ulo ko sa kakaisip.

Interest ba ito sa isang misteryosang tao o baka naman... kung ano na?

Kanina pa talaga ako dito sa loob ng kotse at hindi pa rin ako lumalabas dahil sa katamaran. Lumipas na ang ilang oras na paghihintay ko kila mommy ay wala pa ring dumadating. Tapos na kaya? Gusto kong malaman.

Napagpasiyahan ko ng pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mga nag-aalala naming kasambahay. Nabalitaan na rin siguro nila ang napanood namin kanina sa resto. Hindi naman sila nagtanong kaya pumasok na ako ng sariling kwarto.

Humilata lang sandali at hinablot ang cellphone na nasa bulsa ko. Nag-iisip kung sinong pwedeng tawagan o makausap manlang.

"Sir?" Magkakasunod na kinatok ng kung sino ang pinto ng aking kwarto.

Pinagbuksan ko ng pinto at lumabas ako. "Bakit po kuya?"

"May tawag po kayo galing sa mommy niyo..." iniabot niya sakin ang telepono na galing pa yata ito sa sala.

Pumasok na ulit ako sa loob nang matanggap ito. "Mom?" Pero walang sumagot sa linya. "Mom? Hello? How are you there?" Wala ulit sumagot. Kakaba-kaba ko'ng tinitigan ang telepono.

"Thank god..."

"Mom? Bakit?"

"Akala ko ay hindi ka pa nakakauwi... sinabi sakin ng kaibigan mo kanina ang plano mo, kaya nag-aalala ako."

Buntong hininga lang ang naging tugon ko sa pakikinig. Naghihintay na marinig ang pinakamahalagang bagay

"The Culprit..."

"What? I want to know mom, is he now..." Kinabahan na ako nang siya naman sa kabilang linya ang bumuntong hininga. "Mom... what happened?"

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon