CHAPTER TWENTY

3 1 0
                                    

NAZZER







Nagdaan ang mga araw. Naging normal ang lahat ngunit mayroon pa din ang nagbubulungan tungkol sa ate ni Brent. Kung minsan pa ay kahit dumaraan kaming magkakaibigan.

Tatlong araw na hindi pumapasok si Brent. Biyernes kasalukuyan ay kapwa kaming nag-aabang ni Ian kung may darating ba na Brent sa parking lot o kaya'y tatawag kahit isa manlang sa amin. Hindi namin pinalilipas ang minutong hindi siya hinihintay hanggang sa magbell at magsimula ang klase.

Panay ang bungisngisan ng mga estudyanteng madaanan namin. Alam naming hindi kami ang pinag-uusapan pero apektado kami para sa kaibigan namin.

"Everyone, the Superintendent announcing that you have to be there during the program... simple lang para mapasalamatan sila, kaya kahit ilang minuto ay naroon sana kayo para maipakita ang appreciation natin." Anunsyo ni Ms. Ramirez kasalukuyang magsisimula na siya sa pagtuturo.

Sumang-ayon ang lahat. Nagsimula siyang magturo at nag-dismiss pagkatapos.

Tutok ang aking atensyon sa pag-aaral buong maghapon. Hindi pinansin ang katabi ko'ng parang normal lang ang araw sa kaniya palagi. Tuwing naaalala ko na katabi ko siya ay pumapasok sa isip ko ang mga sinabi sakin ni kuya Darell. Hindi ko maiwasang mabahala tungkol do'n. Gusto ko'ng makahanap ng sagot sa tanong na nabuo sa isip ko tatlong araw na ang nakakalipas. Pero walang sinabi sakin si mommy.

"Hindi ako ang dapat magsabi sayo ng tungkol d'yan."

Yun lang ang sagot sa akin ni mommy ng mga oras na nasa hapag kami. Kapani-panibago pa na iniwan niya ang kaniyang pagkain para lang iwasan ang tanong na iyon.

Kung ano ang tinatago nila sa amin ay hindi ko talaga mahulaan. Kahit paulit-ulit ko'ng subukan ay parang imposible na may koneksyon kami sa kanila.

Ngayon ay hindi na kaibigan ang tingin sa akin ni Madison, mas lalo pa yatang naging anino ang trato niya sa akin. Walang kasing tahimik siya sa upuan. Uwian na ay hindi ko manlang siya maka-usap tungkol sa sagutan namin noong nakaraan.

Parang gusto ko'ng bawien ang sinabi ko sa kaniya. Wala akong ka-ide-ideya kung ano ba ang hinanakit niya.

Katulad ng nakagawian sa nagdaang araw ay sumasabay ako kay Ian tuwing uwian. Dinadala ko sa opisina ni mommy ang kaniyang susi pero ngayon ay wala siya sa loob no'n kaya iniwan ko nalang sa ibabaw ng lamesa niya. Sumunod ako sa parking lot kung nasaan sila Ian pero hindi pa ako nakakalabas ng guard house ay namataan ko si Madison na mag-isang naglalakad sa di kalayuan. Palagi siyang mag-isa simula nung araw na hindi niya nakakasabay si Kuya Darell. Maging si Aiah nga ay absent din ilang araw na.

Nanghihinayang ako sa sandaling ito, dahil parang gusto ko siyang makasabay tulad nung unang linggo.

Umiwas ako nang mag-angat siya ng tingin sa direksyon ko.

"Sama ako, gusto ko siyang bisitahin." Narinig saad ni Harmony nang makalapit ako sa kanila ni Ian.

"You did not visited him alone?" Tanong ni Ian. Sa tingin ko ay si Brent na naman iyon.

"Nahihiya kasi ako sa kaniya, baka mamaya may iniisip siya tungkol sa atin... baka iniisip niyang sisihin din natin siya..."

"Mararamdaman niya 'yon. But he surely trust us, kaibigan niya tayo."

Sumakay na kami sa kotse niya at sa bahay iyon nila Brent dumiretso. Hindi namin naabutan ang nga magulang niya pero dahil kilala kami ng kanilang mga kasambahay ay pinapasok kami nito hanggang sa kwarto.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon