AIAH CASSANDRA SALAS
"Wow! Ang galing mo Madison!"
Hindi niya ako pinansin. Busy lang siya sa pagtatapat ng pana sa target na ulo ng bull.
Muli ay pinakawalan niya ang pana at diretsong tumama ulit sa noo ng bull.
"Wow! Ang galing galing mo!" Tuwang-tuwa na pinapalakpakan ko siya.
Napakahusay niya sa Archery. Kahit hindi pa siya gaano kabihasa humawak ng malaking bagay na iyon ay natatansya niya ang kaniyang target.
"Wow cool..." Tuwang-tuwa akong minasdan ang mahusay at swabe niyang paghagis ng darts. Magkakasunod at magkakatabing pinasok ang pinakamaliit na bilog sa dart board. Double-bull's eye, single bull's eye.
Palaging center ang tinatamaan niya sa Dartboard. Kung hindi 50 ay 25.
"Ahh!" Tumumba ang kaniyang lalaking katunggali matapos niya itong paliparan ng sipa sa dibdib. Ngumiti pa ang kaniyang kalaban at tinitiis ang sakit na natamo sa kaniya.
"Come on Aiah! Let's fight!"
Umatras ang dila ko. Tutol ako. Tinaas ko ang dalawang kamay at umiling ng hindi ko mabilang na beses.
"A-ayoko..." ganoon ang naging sagot ko habang tinitignan ang mga matatanda na kaniyang walang pagdadalawang isip na pinataob kanina.
"Call your brother then." Nangingiti siyang lumapit sa akin at hinigit ang aking kamay palabas ng arena.
Hinahangaan ko rin ang martial art skills niya. Natatakot din syempre hindi mawawala iyon.
"Hey! Madison! Dahan-dahan!" Lumapit si kuya sa amin.
Nakatayo lang ako sa gilid ni Madison dahil inaalalayan ko siyang baka tumama sa bakal ang kaniyang katawan na matapos niyang paikutin sa ere. Mahaba ang kaniyang suot na pang-ibaba at long sleeved naman ang pang-itaas.
"Tara! Sa rooftop! Paunahan makababa!" Masayang anunsyo ni Madison at una niyang tinakbo ang hagdan sa labas ng gusali.
Tinignan pa ako ni kuya at saka siya tumakbo sa loob.
Gustong-gusto ko rin ang pagiging maliksi niya. Mataas siyang tumalon na akala mo ay ninja. HAHA!
Madalas pa nga sila ni kuya'ng magpagalingan ng stunt at pabilisan ng pag-akyat o pagbaba sa mga sirang gusali na dati na naming napuntahan. Kababaeng tao niya pero lahat ng ginagawa ng nasa paligid namin ay tinutularan niya.
Sa paraan na yon ko nakikita ang kaniyang pagiging aktibo at masayahing bata. Na sobrang layo na sa Madison ngayon.
Nakababa na ako sa ikalawang palapag nang mamataan ko si Madison na naglalakad sa kabilang direksyon ko. Sinundan ko ang bawat tahimik niyang yabag. Wala siyang kasama. Parang nagmumuni-muni lang sa pasilyong napakatahimik.
Sarado ang mga pinto at bintana.
Buti na lang.
"Madison." Tinawag ko siya nang makalapit ako ng ilang talampakan sa kaniya.
Nginitian ko na siya bago pa man humarap sa pag-aakalang gagantihan niya iyon ay kumuha ulit ako ng ilang pang hakbang palapit.
Pero tuluyan na akong natigilan nang masilayan ang kanyang madilim na awra. Diretso ang kaniyang tingin sa direksyon ko at parang may kung anong dahilan na pinagmumulan ng kaniyang tingin.