CHAPTER THIRTEEN

4 1 0
                                    

NAZZER



Kusa ko'ng nakamot ang aking batok. Pormal lang naman ang suot ko na kalimitan ko'ng pinapanlakad kapag may mga lugar kaming pinaglalaanan ng bakanteng oras.

Pero kung titigan ako ni Ian ay parang bago ng bago. Siya nga itong napakasimple pero humihiyaw ang pang-aakit na katawan sa kababaihan.

"Oh! Bro! Akala ko hindi ka sasama, kaya hindi ko na sinabi kay Ian..." sumulpot si Brent sa tabi ko.

Gulat ko lang ng makita ang dalawang bata na kasama nila ni Aiah. Ang twin sibs ni Ian. Parang sobrang tagal na nung huli namin silang nakasama sa pamamasyal.

"Wow! Kuya Naze! You surprise me!" Tuwang-tuwa na hinagkan ako ni Kennedy. Sa kaliitan ay hanggang bewang ko lang ang naabot niya.

"Excuse me?" Nagulat na lang ako bigla nang itulak ni Kenneth ang kaniyang kapatid. "It's a boy thing surprising their friends... labas ka dito dahil hindi ka lalaki. Alis d'yan." Inagawan ng pwesto at nakipag fist bump sa akin.

Nagtataka ko itong tinugunan bago isa-isang nilingon ang mga kaibigan ko. Kibit-balikat lang ang kanilang sagot.

"Tara na! Nasaan si Madison?" Tanong ni Aiah nang sakin naman itinuon ang atensyon.

Oo nga pala. Si Madison. Kanina ay wala kaming nagamit na sasakyan pauwi. Sumabay ako kay kuya at siya naman ay kay kuya Darell. Using her big bike, kuya Darell drove it.

"Parating na rin 'yon." Sagot ko bago umupo sa aking paahan at hinarap si Kennedy. "You are the most beautiful girl inside of this mall I have seen just now." Ngumiti ako at bahagyang itinaas ang kaniyang shades.

Kabata-bata pa ay namumula na agad ang mukha. Mapuri lang ng konti ay kinikilig na ang bata. "R-really? Do you have a crush on me now?"

Natawa ako sa isiping talagang namumula ang kaniyang buong mukha. Tumawa din naman ang mga nakapalibot sa amin.

Habang si Kenneth ay hindi gano'n ang reaksyon. "You brat! Hindi ka niya magiging crush, kasi... panget ka." Tumawa pa siya ng malakas na sinabayan nila Harmony at Brent.

Mahina na lang din ako at si Ian na nakitawa sa paraan ng pag-aasaran nila. Sasabihan ng panget kahit totoong ang cute ng kaniyang kambal.

"What!? Hindi mo ba siya narinig? Maganda ako! Ako pinakamagandang babae ang narito sa loob ng mall... yun ang sabi niya! Kaya sinong panget? Ako? Baka ikaw... wag ka kasing tumingin sa shades ko dahil nagrereflect ang mukha mo." Gano'n na lang kabilis at taray magsalita si Kennedy ng siya na ang nang-asar dito.

Muli tuloy kaming nagtawanan sa paraan ng kaniyang pang-aasar na salita sa kambal niya.

Pinagtinginan tuloy kami ng ilang dumadaan. Ang ilan ay kinukuhaan ng larawan ang dalawang bata dahil sa ka-cute-an nila. Yung iba naman ay nakikitawa at napapahinto din.

Medyo na sa gilid naman kami kaya wala kaming naiistorbo na lumalabas at pumapasok ng mall.

"Yeah... pretty girl..."

"They are so adorable..."

"Ang cute naman nila..."

"Ang gwapo niya oh... kapatid nila yan?"

"Ang gagwapong nilalang naman nila..."

Hindi din tuloy naiwasan na may pumuri at makapansin sa aming matatanda.

Napakamot na lang ako sa batok at muling hinarap sa akin si Kennedy. "Marami ang nakakakita ng ganda mo, so am I..."

"So, do you have a crush on me na?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang ang mukha ay sobra na ang pagkapula.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon