CHAPTER THREE

8 1 1
                                    

NAZZER





TULALA.

Tulala lang ako habang nainom ng fruit shake na ibinili sakin ni Brent.

Ikaw ba naman mapagitnaan ng dalawang tao na hindi ko alam kung dinasalan ba ng santo sa katahimakan na meron sila.

"Nakita mo 'yun? Ako din e hahahaha." Tumawa ng malakas si Brent, kausap si Aiah at Harmony.

Sila lang ang nagpapa-ingay sa pwesto namin dito.

"I also watched his last competition..." Aiah said.

"Really? How good is he? You did go to Italy to watch him win the competition?" Harmony in awe.

"I'm... not actually came there for him. Hindi ko nga alam na kasali siya doon e." Aiah answered.

"Sa Italy ka nagpunta last summer?" Tanong ni Brent.

Nang matahimik silang tatlo ay napaharap ako kay Aiah na hindi sumasagot. Kumakamot sa kaniyang ulo.

"Hindi naman bakasyon, 'yon... kumain na lang muna tayo, ang iingay niyo." Tugon niya na halatang iniwasan ang sumagot.

"Sana sinabi mo na pupunta ka doon at sumama ako, hays... but it's already fine. Ian is here!" Masiglang tumuro si Brent sa tabi ko.

Bumuntong hininga si Ian. Malalim ang iniisip.

"Ano kayo d'yan? May challenge ba kayong tatlo? Ang tatahimik niyo."

Yun na nga at napansin na kami ni Brent.

"Ayy oo nga pala!" Si Harmony. "Iikot nga pala tayo Madison, itu-tour ka namin sa buong highschool campus... tara na! Bilisan niyo na!" Mas excited pa siya sa baguhan e.

"Sama ako a!" Hirit ni Aiah.

Sinamaan ko agad ng tingin nang humarap siya sakin. Hindi pa ako nakakarecover sa ginawa niya kanina.

Hindi lang nila pinapansin yung nangyari kanina pero malamang ay pinagtatawanan nila kami.

"Oo kasama ka, kahit isama mo pa ang buong tropa mo. Hahahahaha!" Sagot naman ni Brent.

"Wala akong tropa noh..." ngumuso pa si Aiah.

"Halata naman. HAHAHA!"

"Anong nakakatawa? Bigwasan kita d'yan e!"

Natapos akong uminom at gano'n din sila. Si Ian naman ay nang matapos kumain bigla na lang umalis. Hindi siya nagsalita.

Baka nakita niya lang si Mia at iritable na siya matapos non.

Nagyayaan sila na magpupunta sa Gym, sunod ay sa mini park, sa circle, soccer field at ang panghuli nilang pupuntahan ay ang Bloomington Garden.

Hindi na lang ako sasama.

Mabibilis kasi sila kumain kaya maaga pa lang ay tapos na sila. Si Madison naman ay hindi naman kumain, nagkape lang.

"Hindi ka kinakausap ni Ian?" Sumulpot si Brent sa gilid ko at inakbayan ako habang naglalakad na ako sa ibang direksyon na tinatahak nila.

Nang hindi ako nagsalita ay hinigit niya ako pabalik kung nasaan ang mga babaeng kasama niya.

"Samahan mo na lang kami!"

"Ayoko."

"Sandali lang 'to, ano ka ba naman... sige ka, Baka mamaya ay may lumapit kay Madison hindi mo siya maaaway kasi hindi mo makiki-"

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon