CHAPTER 29

1 1 0
                                    

NAZZER







Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko mula sa kung saan. Masakit ang ulong nagmulat ng mata. Sandali pa akong napapikit nang maaninag ang sikat ng araw sa aking mukha. Pilit ko'ng itinayo ang sarili sa hindi komportableng pagkakahiga.

Kaya naman pala...

Ako ang nasa sofa, si Brent ang nasa kama, si Ian ang nakahilata sa sahig. Kasya naman kaming tatlo sa kama hindi pa doon na lang ako ibinaba. Sumakit tuloy lalo ang ulo at katawan ko.

Bumangon akong kahit matutumba ay nakatayo pa rin. Ang sakit sa pandinig ng ingay na iyon. Sumilip ako sa bintana. Doon ay natanaw ko ang mga hardinero ni mommy na gamit ang lawn mower para sa nagtataasan ng damo. Bakit parang sira na ang tunog? Sakit sa tenga.

Naligo lang ako sa sandali. Nagsando at short lang for the weather. Maalinsangan. Mainit.

"Mag-uusap tayo paglabas nung isa." Dinig ko'ng saad ni Ian nang saktong makalabas ako. Hawak niya ang sariling batok. Si Brent naman ay kinakatok ang noo.

"Anong pag-uusapan?" Tanong ko habang tinutuyo ang buhok ngunit bago pa makasagot si Ian ay kumaripas na ng takbo si Brent.

"Liligo muna ako!" Lagabag na sinara ang pinto ng banyo.

Ano kaya yon?

Nagligpit muna ako ng kama. Sabog sabog ang mga unan. Ipinatas ko din ang mga gamit ko na nasa lapag, dapat ay nasa lamesa, estante, at bookshelf. Habang nagtatanggal ako ng punda ng unan ay nagawi ang aking atensyon kay Ian. Nakakunot ang noo.

Hindi ko na lang pinansin at tinapos na lang ang pag-aayos ng aking labahin, nilabas sa laundry area atsaka bumalik. Nagpunas din ako ng mga furniture hanggang sa kumintab na ito atsaka muling sumulyap sa kaniya. Nakakunot pa din ang noo. Bukod sa hindi maganda ang gising ay halata na may ibang ibig sabihin iyon.

As far as I know, ganyan na ganyan ang mukha ko kapag may mga kolokohan silang nagawa ni Brent. Lalo na kapag lasing. Pero, nalasing lang naman ako at hindi kalokohan 'yon. Ano kayang nagawa ko habang lasing kagabi?

"What's wrong?" Tanong ko sa kaniya nang mailapag ang unan sa malinis na kama. Ngunit bago na naman siya magsalita ay lumabas na si Brent sa banyo.

"Woooh! Fresh!" Suot na naman ang damit ko.

Muli akong humarap kay Ian pero naghubad lang ng damit at nagtungo sa banyo. "Let me take a bath first."

Si Brent na lang ang tinanong ko pero ang nakuha ko'ng sagot... "Hinalikan mo kasi si Madison." Tatawa tawa pa.

Sinong maniniwala do'n. Kilala ko ang sarili ko kahit lasing. Hindi ako nawawala sa wisyo kahit na may tama. Lalong hindi ako nanghahalik ng babae kapag lasing. Pero bigla ay parang natauhan ako.

Nagdadalawang isip sa sarili. Sa cute na iyon ni Madison kagabi. Hindi ko siya nakikita ng gano'n sa school. Para siyang bata na bagong punta sa isang palaruan, gustong malaman ang nasa paligid. Kung paano gumagana ang mga bagay, alin ang hindi para sayo, bakit may ganito. Parang madami siyang gustong malaman sa isang lugar na halata naman na ang sagot.

Sa bar para magsaya, uminom, o kaya party with friends. Hindi ko mabasa sa mga mata niya na alam niya ang mga iyon. Parang natututunan pa lang niya ang isang lugar. Sa mga banda, kumakanta, yung ilaw, at inumin. Bago lahat sa mata niya. Hindi ko makakalimutan ang mata niyang iyon. Maraming tanong. Maraming gustong malaman.

Pero ngayon isa lang ang gusto ko'ng malaman. Hinalikan ko ba talaga siya?

Kaya lang naman ako napainom ng sobra ay dahil sa inis na nararamdaman ko kagabi. Napakaraming mata ang nakatuon sa kanya. Konti na lang ay isasatinig na ng mga lalaking iyon ang laman ng utak nila para mapansin sila ni Madison. Para silang demonyo na gustong kunin ang kaluluwa ng anghel.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon