CHAPTER TWO

14 1 0
                                    

NAZZER






"Hoy! Bakit ang tagal mo?" Biglang lumitaw si Brent sa tabi ko. "Inintay na kita, kasi wala akong kasama... nakakainis kasi si Harmony  e." Ungot pa nito sakin. "Bakit ba hindi ka pa napasok?"

Pumasok siya sa restroom at himalang hindi siya nakikipagsagutan kay Aiah na narinig ko ang boses kanina lang sa loob.

Pumasok din ako. But in my surprised, Aiah is nowhere to be found.

Pero sino yung narinig ko?

Siya yun e.

What ever!

Ipinagsawalang bahala ko na lang at tinahak na muli ang cafeteria.

Nang makarating ay naabutan na namin si Harmony na kumakaway sa amin habang siya ay nasa counter. Itinuro niya pa ang table na anim ang upuan.

We headed there. I sat down in my usual position as my eyes is on the empty table.

"Wala pa rin si Madison? Pakiramdam ko ay hinahanap-hanap siya ng mata ko..." Brent giggled like a kid.

And that so fucking annoying.

I glared at him.

"You look like an idiot. Don't do that." I said with a disgusting look.

"Kill joy." He murmured but I heard.

Hinayaan ko na lang ulit. Dumating si Harmony, bitbit ang tatlong plato–may kanin, fried chicken, at uri ng ulam na kulay pula. Caldereta yata.

"Oh eh bakit tatlo lang?" Tanong ni Brent,

Ganoon din sana ang itatanong ko. Wala ako?

"Aba! Kumuha kayo ng sa inyo, sa aming tatlo ito ni Madison, at Aiah noh! Tsk!"

Tama nga ang sinabi niya, dumating bigla si Aiah at naupo sa tabi ni Brent at Harmony.

"Bakit ang bait mo sakin, Harmony... parang dati ay binubully pa kita." Aiah said. Looking proud.

"You? Bully me?"

"Don't you remember?"

"What? Aiah, nambu-bully ka?" Sabat ni Brent sa usapan ng dalawang babae.

"Yeah... when we were primary." Aiah answered proudly.

"I can't remember... siguro dahil sobrang bata ko pa." Harmony said in curiosity.

Natahimik silang tatlo.

Now then I realized, tatlo ang upuan sa pwesto nila at tatlo din dito sa pwesto ko. Agad akong napatayo.

"Why are you all there? Sit here. Any of you?" Itinuro ko ang upuan sa tabi ko, dalawa pa 'yon.

"O-order muna ako nang sa atin." Brent stood up and walk out.

Anong plano nila? Itabi sakin si Madison? That weird girl.

Kumain na lang ang dalawa. At habang nangyayari ang kanilang pagkain ay biglang bumuhos ang bulungan sa paligid.

Narinig namin na bumukas ang pinto ng cafeteria.

"Witwiw! Hi gorgeous!"

"Nice one..."

"Diyosa, come here!"

Bumalik na ako sa pagkakaupo. Bumalik na din si Brent na mabagal na namang naglalakad habang ang mata ay nasa kung saan. Sinundan ko ang kaniyang tinitignan at halos hindi ko makilala ang babaeng naglalakad papunta sa direksyon namin.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon