ZINNIA XIAO MILLER
Hindi ko na alam ang pwede ko pang maramdaman. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko kakayanin ang katotohanang nakahawak siya ng baril.
Patuloy lang ako sa paghugot ng malalim na hininga. Hindi ko na nga alam kung saan ko kukunin ang susunod na hanging papasok sa bibig ko.
Hindi rin ako makakatitiis ng ilan pang minuto dito hangga't hindi ako nakakakuha ng sagot sa...
Paano siya nagkaroon ng ganoong bagay?
Kahit ako ay lisensyado na ay madalang akong gumamit no'n, dahil alam ko kung gaano ako ka-brutal na tao kapag galit. Iniiwasan ko iyong mangyari.
"Ms. Xiao?" Pumasok ang hinihintay kong bisita sa loob ng aking opisina.
Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Since when, Aiah?" Pinapanatali ang kakalmahan.
"H-hindi niyo po alam?"
My brows furrowed. I never. Lalong umigting ang galit na namumuo sa loob ko.
"I will never asked you if I ever knew!" Napahilamos na lang ako sa sariling mukha. Ayokong magalit sa nakakaawang babae na ito. Iiyak ba ako para mawala ang galit? Sana nga! Sana may simpleng paraan para kumalma ang aking sarili.
Nakatakip ang mga kamay sa kaniyang bibig tila hindi makapaniwala.
"Kelan pa? Aiah? Hindi ko alam– wala akong ideya! Fuck! Aiah! Bakit hindi mo sakin sinabi! Ahhh!" Magwawala na lang ako.
Hindi ko mapigilan ang sariling kamay na dumampot ng isang mamahaling bagay na nakapatong sa aking lamesa. Wala sa sariling naihagis ko iyon sa direksyon ng aking kasama.
Nagulat din ako sa sariling nagawa pero hindi nawala don ang galit na nararamdaman ko.
"H-hindi ko po alam... na hindi niya iyon nasasabi sa inyo noong bata pa kami..."
Lalo yatang nagpanting ang aking tainga ng marinig ang kaniyang huling linya. Hindi makapaniwala. Sa kaniya lang ako nakatingin. Pinagmamasdan ang sinsero niyang mukha. Ilan beses pa akong napalunok.
"Bata? Noong bata pa kayo?" Tumango siya na lalong nagpasakit sa aking ulo. "Bata?" Paulit-ulit na umalingawngaw iyon sa aking pandinig.
"Lagi niya pong itinatakas yung mga naiiwan ni Ms. Zhiruo na..." tumigil siya at nahuli ko ang kaniyang paglunok. "...bakal noon sa kaniyang kwarto."
Napalunok ulit ako.
"Mag-isa lang po siya sa shooting range noon tuwing... sasapit ang madaling araw." Pagpapatuloy niya na naging isang malaking rebelasyon sa akin.
"Saan nangyayari yon?"
"Sa... u-underwater training gym po." Nagbaba siya ng tingin. Tuluyang hindi na niya ako makita pa.
Huminga ako ng malalim.
Is that why... mom always told me.
"Your sister is different. You know what I mean."
Kahit hindi ko alam. Hindi ko talaga alam mommy.
Bakit mo naman hindi sinabi sa akin ang mga bagay na ito. Kung kelan naman!
Napapikit ulit ako. Kinapos ako ng hininga nang magmulat ako ng tingin. Kinulang ako ng oxygen sa paligid. Napansin iyon ni Aiah at inalalayan akong makalabas ng opisina.
Kahit nasa labas na ako ng aking silid ay hindi ko pa rin mabawi ang aking hininga.
Hanggang sa mawalan ako ng malay. Nagdilim ang aking paningin.
