CHAPTER FIFTEEN

2 1 0
                                    

NAZZER







Akala ko ay may iba pa siyang sasabihin maliban sa nakapagpanganga sa akin. Hindi makapaniwalang natagalan ko ang tingin sa kaniya, matapos buksan ang shower at itinapat niya ang sariling mukha.

Crush niya si Madison?

Hanggang sa matapos kami sa sandaling paliligo ay hindi iyon naalis sa isip ko. Nagtapis lang ako ng tuwalya sa pang-ibaba at wala naman sa itaas. Lumabas na ako ng changing room. Kinuha ko ulit ang uniporme ko at iginilid muna ang P.E uniform.

Nakapagsuot na ako ng pang-ibaba nang makalabas ang dalawa at ilan pang kasabayan namin. Pumasok naman ang iba na nahuli.

"Bro..." tumayo sa harap ko si Brent. Si Ian naman ay sa gilid. "Sexy ah..." pinasadahan pa ng tingin ang walang saplot na pang-itaas ko.

"Bakla ka nga."

"Yikes! Of course not... siraulo pala mga kaklase natin Hahahaha!" Nagsusuot na rin siya ng kaniyang uniform. Sa tingin ko ang tinutukoy ay yung mga kabastusan sa loob na sinabi ng mga iyon kanina.

Naisip ko lang. Kanina pa talaga seryoso yung tanong sa utak ko e. Diretsyo ko'ng pinagmasdan ang inosenteng mukha niya habang busy sa pagbibisihis.

"May crush ka kay Madison?" Kapwa kami nagkatinginan ni Ian matapos ang sabay naming tanong. Nagugulat pa dahil saktong-sakto ang bawat salita.

Ako na ang unang umiwas ng tingin. Inis kong ibinato sa upuan ang tuwalyang ginamit ko.

"Akala ko isa lang ang mahuhuli ko..." namamanghang nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. Kung matatawa pa ay parang pinipigilan lang.

Hindi ko na pinansin ang sunod niyang sasabihin. Lumabas akong sinusuot pa lang ang puti ko'ng uniporme. Sandali pa akong natigilan nang makita ang sampung naka-itim na bodyguards. Wala miski isa sa kanila ang tumingin. Nanliit tuloy ako dahil sa katangkaran ng mga ito at kalalakihan ng katawan.

Nang maka-recover ay nilagpasan ko sila hanggang umabot ako sa hallway. Akma na sanang ibubutones ang suot ko nang mamataan ang dalawang babae na nakatayo sa gilid. Nagugulat at sandaling natigilan si Aiah. Habang ang kaniyang kasama...

Nanlalaki ang mga mata na sinabayan ng marahang pagkagat pa ng labi, lumunok pa habang hindi inaalis ang tingin sa tiyan ko. "H-hottie..."

"What are you— Harmony... a perv." Pinagpatuloy ko ang pagbubutones mula sa ilalim.

"Pinaglalaway mo ang kaibigan ko, Naze. Nahahalay ka na." Mahinang tumawa si Aiah at umiwas ng tingin.

"Yeah... pervert nowadays is girls." Saad ko matapos ang pagsarado. Pinatong ko sa aking balikat ang coat na dala ko. Hindi na ako nag-abalang suotin, uuwi na rin naman.

"Naglalaway lahat." Nilingon ko ulit si Aiah. Inilibot niya ang paningin sa kabilang dako ng hallway.

Marami na palang lumalabas na estudyante sa kani-kanilang silid. Pero tapos na ang palabas. Lumabas na rin agad sila Ian at Brent.

"Brent! Bag mo!" Lumapit pa si Harmony sa kaniya.

"Future... hahahaha!"

"Sira!"

Nang tumingin naman ako kay Aiah ay wala siyang ibang bitbit maliban sa kaniyang bag sa likod. "Hindi mo dinala yung kay Ian?" Pagpuna ko na may halong pang-aasar.

"At bakit naman!?"

"Baka lang—"

"Syempre hindi!" Galit agad.

Behind Her Enchanting Beauty Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon