CHAPTER 2
I would never leave Allison. Di ako tutulad kina Mama, Papa at lalong lalo na kay Kuya.
-7 years ago-
"Papa! Tignan mo si Allison may ice cream pa sa ilong, Hahahaha" asar ko kay Allison. "Mama oh! Si Ate ang sama" sumbong nya kay Mama. Si Kuya naman napapatawa na lang samen.
Way back then, were a perfect happy family. Not until ...
" Well well, ang ganda ng nakikita ko. Isang one big happy family. *evil laugh* " may isang lalakeng di namen kilala at mga lalakeng naka-itim ang biglang pumasok sa bahay. "Anong kailangan mo?" tanong ni Mama dun sa lalake.
"Simple lang ..." bigla syang ngumiti ng nakakaloko. "Ang mawala kayo sa mundo"
Sa isang iglap nasa harap ko na si Papa.
"P-papa, a-anong nangyayare?" takot kong tanong. "Andrei, ilabas mo na mga kapatid mo. Gamitin nyo yung pinto sa likod. Ngayon na" mahinang sabi ni papa kay kuya. Tinignan ko naman si Kuya na halatang natatakot at the same time gulat sa mga nangyayare.
"Andrei, are you listening?! Do it now." natauhan naman agad si kuya at bigla nya kaming hinawakan ni Allison at tinahak ang daan papuntang kusina. Andun kasi yung back door.
May narinig akong sunod-sunod na malalakas na putok.
"Kids. Kaka-start lang ng party, aalis agad kayo?" napalingon naman agad ako sa dereksyon ulit nila papa. Pero nakahiga na si papa sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Parang nagslow-motion lahat ng nangyayare sa paligid ko.
Di ko na mapigilan at napa-iyak na ako. Nagpumiglas ako sa hawak ni kuya at tuluyan ng napabitaw. Narinig ko pang tinawag ni Kuya pangalan ko pero di ko pinansin. Tumakbo ako papunta kay papa pero hinarangan ako ni Mama. Likod nya lang ang nakikita ko. Pero sapat na para makita ang dalawang baril na hawak nya na nakatutok sa lalake.
"Cameron, listen to me. Sumama ka na sa Kuya mo. Sige na!" suway ni Mama saken pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. May naramdaman ulit akong humawak sa kamay ko. Si kuya ulit.
"Wag kang makulit Aubrey! Tara na." nakaharang pa rin samin si Mama habang pinapaputukan nya na yung mga bad guys. Hinila na ako ulit ni kuya.
Di pa kami nakakalayo kami nakakalayo kay Mama. In the next second nabaril rin nila si Mama. May naramdaman akong likido na tumalsik sa pisngi ko. Di ko na alam ang nangyayare. Suddenly, nasa kotse na kami ni Papa. Si Kuya nag drive. Hinawakan ko yung likidong tumalsik saken kanina. It was blood. Blood from my own mother.
This is too much para sa isang 10 year old girl. Tumigil ata systema ko nun at wala ng luha ang tumulo ..
Napadpad kami sa isang resthouse namen. Malayo sa syudad. Malayo sa gulo. May ATM cards na nakalagay sa kotse nila Papa at Mama. Nung chineck ni Kuya. Million Million daw laman nun. Kaming tatlo lang ang magkakaramay nung mga panahong wala na sila Mama at Papa. Pero dumating ang araw na iniwan ulit kami sa ere.
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.