Chapter 41

13.8K 357 18
                                    

CHAPTER 41

"Ate .." I heard a whimper. Bigla akong nakaramdam ng hapdi sa ibat-ibang parte ng katawan ko. Shit! Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nakita kong nakatali ang mga kamay ni Allison sa isang bakal na tubo. Pati mga paa nya

Bigla kong naalala yung mga nangyare. Si Daphne at Si Dean.

"Ate, bat ka pa kase pumunta dito?!" she half-shouted at me. Nababaliw siya?! Kapatid ko sya, di ko sya kayang talikuran. Tas tinatanong nya yan?

I just shrugged at her kesa naman sagutin ang napaka-nonsense nyang tanong nya. Tsaka nanghihina pa rin kase ako. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak din. Nakatali din pala mga kamay ko sa likod ng upuan.

Tinignan ko ang paligid namen. Mga nagkalat na gamit, may mga gamit din na pang ospital. May mga armadong lalake ang nakabantay sa pinto lumabas yung isa. Magrereport ata sa mga amo nilang hayop.

Si Dean. Pano nya nagawa saken toh? Bakit nya ginawa saken toh? Samen? Possible kayang inutusan sya ni Axel para maka-ganti saken?

Ang dami kong katanungan na gusto kong malaman agad ang sagot.

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Tumambad saken ang mukha ni Dean at nakangiting naglalakad papunta sa dereksyon ko.

"Hello Aubrey!" he touched my chin. Pero marahas kong inalis yon. "You traitor!" galit na galit kong sigaw sa harap nya. Pero sa halip na saktan ako kumuha sya ng isang upuan at umupo sa harap ko. Kalmadong kalmado lang ang mukha nya

"Bat mo toh ginagawa?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"Tutal mawawala ka rin naman mamaya sasabihin ko sayo."

Tumingin muna sya sa mata ko at sinabing "You're his weakness" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Your Axel's weakness. Ikaw ang gagamitin ko para pumunta sya dito"

"What do you mean?" naguguluhan ako sa mga sinasabi nya.

"I want him dead, Aubrey. Yun ang gusto ko ang mawala siya"

"Bakit?" tanong ko ulit.

"I'm a Mafia Heir too. Pero sa tingin ng Papa hindi ako karapat-dapat dahil hindi ko magawang malamangan ang mga Alvarez. Sila ang laging nangunguna sa ranking ng pinaka-malakas na Mafia Group. Kaya inatake ko sya patalikod, kinaibigan ko sya para lang makakuha ng impormasyon"

I can't believe na gagawin nya toh. "Kailangan ko syang mapatay para maging proud saken ang Papa. Na napatay ko ang tagapag-mana ng mga Alvarez. At ako na ang magiging pinaka malakas na mafia leader" he smiled wickedly.

Ang nakilala kong masayahin, mabait, sweet na Dean. Biglang nawala. Ibang iba na siya. Ibang iba pala siya.

"Plastik ka pala" tumawa ako ng mahina.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na paghampas sa pisnge ko. Napangiwi ako sa lakas ng impact ng kamay nya.

"ATE!" rinig kong sigaw ni Allison.

Binalik ko ang tingin ko kay Dean na halatang nabanas sa sinabi ko.

"Hindi lang plastic. Demonyo pa" I smirked. He smiled at me na para bang sinasabing ipagpatuloy ko lang ang pang-aasar. "Tignan naten kung tatawa ka pa rin hanggang sa huli" biglang nagring ang phone nya. Tinignan nya kung sino at bigla syang ngumiti.

Sinagot nya yung tinawag. Ni-loud speaker pa.

[Dean? I need your help. Find Aubrey and her sister. Mia can't find them. I'll find them too]

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon