CHAPTER 37
Yesterday was one of the best day in my life. Thanks to him
Speaking of him, di ko pa nararamdaman ang presensya nya. Usually, katabi ko na sya sa kama para gisingin lang ako. Yeah, ganun sya. Kahit na hindi pwede ang boys dito sa dorm namen hindi sya tumutupad sa rules kahit sya ang SSG President.
Tumayo na ako mula sa kama at dumiretso na sa C.R para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos ko maligo at magbihis kinabit ko ang dalawang handgun sa magkabilang hita ko. As usual hindi halata dahil sa palda ko.
Napatingin ako sa tulog na tulog na Mia. Nabaling ang atensyon ko sa cellphone na umilaw yung screen sa sidetable na nasa pumapagitna sa kama namen.
Kay Mia yung cellphone na umilaw at pagkatingin ko may message icon. Which means may nagtext.
Speaking of tex, wala rin akong natanggap na text galing sa kanya. Kaya napagdesisyunan kong puntahan sya sa classroom nila. Lumabas na ako ng kwarto namen at inwan si Mia dun na natutulog.
Tinahak ko ang daan papunta sa classroom nila. Pagtungtung ko palang sa loob ng classroom nila biglang tumahimik lahat except kina Yana. Nasa pinaka likod sila
Nung napansin nilang tumahimik yung paligid agad naman silang napalingon saken. Lumapit naman agad saken si Terrex "Hi Aubrey" masayang bati nya saken.
"Nasan pala si Axel?" I blurted out. Bigla namang nagblanko yung mukha ni Terrex. "We don't know" seryosong sagot nya. Tinignan ko naman sila Yana pero parang alam na nila pinaguusapan namen at bigla nalang sila umiling.
Ngumiti nalang ako kahit na ang bigat sa loob "Sige, salamat" tumalikod na ako at lumabas ng room nila. Nilabas ko agad yung phone ko at tinext sya. Bat ba wala sya?
Sa kakatext ko may naramdaman akong bumanga saken. "Shit" I cussed bago ko tinignan kung sinong bumanga saken "Dean?" himas-himas ko muna yung balikat ko.
"Ikaw pala Aubrey" ang lamig ng boses nya. Di naman ganto si Dean. Siya kase yung typo na masayahin. "Okay ka lang, Dean?" tanong ko. Tinignan nya ako sa mata bago sinabing "Ayos lang" tinitigan ko rin sya. Ang lamig nya ngayon.
Nilagpasan nya na lang ako. Naisip ko na pumunta naman sa SSG Office at baka nandun si Axel. Tinahak ko ang daan papunta sa SSG office. At nung nakarating na ako agad kong binuksan ang pinto.
"Axel?" I called out. Walang sumagot. Pinasok ko ulit yung isang kwarto kung saan tumatambay sina Paul pero wala din si Axel dun.
Saang lupalop ka nanaman ba napunta?
Napatalon ako sa gulat nung biglang nagring yung phone ko. Suddenly na-excite ako kase baka si Axel na pero pagtingin ko sa caller. Si Mia lang pala.
Walang ganang sinagot ko yung tawag.
"Hello?" I sighed
[San ka ba? Klase na ah]
"Di mo ba nakita si Axel?" tanong ko.
[Hindi. Bakit? May problema ba?]
Di ko na alam kung san sya hahanapin. Babalik nalang ako sa room para naman may matutunan ako kahit konte.
"Wala. Ge, babalik na ako" I pressed the 'end call' button. I sighed in defeat. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Edi wag!
Lumabas na lang ako ng SSG Office at nagtungo na sa room namen. Tahimik lang akong naglalakad sa hallway. Tahimik din yung paligid kase start na din ng klase. Ilang sandal pa nakita ko si Mia sa labas ng room at inaantay ako.
"Ang tagal mo" yun lang ang sinabi nya at hingit na ako papasok ng room.
"Miss Aikawa and Miss Gilbert. Oras na ng klase at nasa labas pa rin kayo talaga bang ginagalit nyo ako?!" rinig kong sigaw ng teacher samen ni Mia pero parang wala lang akong narinig at bigla na lang lumabas ang mga salitang di kaaya-aya galing sa bibig ko.
"Kung naiingit ka lumabas ka rin" umupo na ako sa upuan ko at ganun din ang ginawa ni Mia yung mga classmates ko panay ang tingin saken. Hanggang ngayon yung iba takot pa rin saken.
"Brey naman. Bat ba ang sama ng aura mo today? Huhu" mahinang bulong saken ni Mia pero binigyan ko lang siya ng death glare.
Kung siya kaya dito sa pwesto ko sigurado akong di din magiging maganda aura nya.
Meanwhile
Natapos na ang klase at uwian na. Mag gagabi na rin kase. Hanggang ngayon wala pa ring sign ng isang Axel Alvarez. Walang paramdam.
"Mia, una ka na sa dorm. May bibilhin lang ako" sabi k okay Mia. Agad naman syang tumango at nagpatuloy na sa paglalakad. Ako naman eh dumiretso sa Café at bibili ako ng shake.
Nag-order ako ng isang chocolate flavor shake. Kailangan ko pa magantay ng 10 minutes bago dumating yun. Umupo nalang ako sa isang table for two. May ibang estudyante din dito sa loob ng café na kumakin ng dinner. Second home na rin nila tong Brayden kahit malayo.
Napatingin nalang ako sa tahimik na quadrangle. Bat ang dilim pa? Diba dapat binubuksan na yung ilaw malapit dun pag gatong oras na?
Nahagilap ng mata ko ang isang babae na pormal na pormal ang suot. Nakaskirt na pang-opisina at ganon din sa upper nya na white yung pangloob tas suot nya ang isang black heels. Wala syang halos dala except sa isang black folder.
Napako ata yung atensyon ko sao folder at tinignan ko talaga toh ng mabuti. I stiffened sa nakita ko sa cover ng folder ...
It was the symbol of dark dara.
Ang symbol na nakaukit sa batok ko.
At dun lang sumabog ang mga ideya na pumasok sa isip ko. It's the files. Ang files na matagal na naming hinahanap. Nasa harap ko na ngayon. Di ko na hahayang mawala pa toh. Napahawak ako sa binti ko na may naka-kabit na kutsilyo.
Lumabas agad ako ng café at di na inantay ang order ko. Sinundan ko agad yung babae na may hawak sa folder. Naglakad sya papunta sa dereksyon ng isang pinto, malapit sa principal's office ..
"San ba galing yun?" I whispered to myself.
Nakita kong pumasok na sya sa loob at ako naman agad na nagtungo sa harap ng malagintong pintuan netoh. There's only one way to find out.
Sinipa ko ng malakas ang pinto at nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito ...
Damn.
**
Sorry po ngayon lang ako nakapag-UD. Na busy po kase sa school lam nyo na buhay estudyante hihi. I hope you can leave a comment down there :)
-Sayki
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.