Chapter 12

16.4K 479 7
                                    

CHAPTER 12

Wala pa naman akong dalang baril or kahit anong armas. As usual, dumaan kami sa malagubat na daanan bago makarating sa main gate ng Academy. Nakita kong tumigil ang puting van sa harap ng gate, tinigil ko ang motor ko medyo malayo sa kanila. Nagtago ako sa likod ng pader na malapit sa gate. Kinabit ko ang isang earphone monitor at tinext ko si Mia na i-connect na ako sa kanya para sabihin saken kung anong nangyayare.


(Brey, may sampung armadong lalake ang lumabas sa isang van. Papasok na sila sa campus)

May narinig akong putukan. Binaril na siguro nila ang mga guard. Di ko alam kung anong mangyayare kase wala manlang akong armas. Samantalang sila meron. Lumabas na ako para sundan sila pero naalala ko na may isang van at di pa lumalabas ang mga iba dun. Nagkunwari akong di ko sila nakikita pero huli na. May narinig akong yabag ng mga paa sa likod ko. Humarap ako na para bang walang alam.


"Hi. Anong meron?" inosenteng tanong ko. "Miss. Kung ako sayo, sumama ka nalang samen para di magkagulo dito *smirks" biglang nag flashback saken ang nangyare saken nung bata pa ako. Di na ako nakapag pigil at sinuntok ko agad sya sa mukha dahilan para magdugo ang ilong nya. Napahawak naman sya sa ilong at hinawakan ang sariling dugo. 

Then all in a sudden nasuntok nya na rin pala kaya bumagsak ako sahig. Ouch

Hinawakan nya ng mahigpit ang buhok to the point na hindi ko na mabuksan ang mga mata ko sa sakit. "Palaban ka rin ah" sinampal nya ako pagkasabi nya nun. He grabbed my hair again, natauhan naman agad ako.

Ghad Aubrey, di ka pwede magpabugbog.

I wrapped my legs in his waist nung patayo na sya at ginamit ko ang ulo ko bilang pagatake. Hineadbang ko sya ng paulit-ulit. Malakas na pag headbang hanggang sa umagos yung dugo nya sa ilong. Nagbend ako at binalibag sya. Linapitan ko sya ulit at pumaibabaw sa kanya.

"Your very very stupid" sabi ko habang pinagsusuntok sya sa mukha. Nanghihina na sya, kinuha ko ang dalawang handgun na nakakabit sa bewang nya. Hindi ko na pinatagal pa at binaril ko sya sa bandang tyan. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng van. 

Ngayong napansin na nila, lahat sila ay aatake na ng sabay sabay. Nung nakita ko ang isang lalake na lalabas palang tinapat ko agad sa kanya ang baril at pinaputukan sya. The next thing I knew is nagpapautok na din sila sa dereksyon ko kaya mabilis naman akong napatago sa likod ng unang van na walang laman.

 Nakita ko namang nahuli ako ng isang kasama nila kaya inunahan ko na sya. Binaril ko sya sa ulo. Nagtaka ako nung wala na akong narinig na putukan, sinilip ko naman ulit. Pero wala na sila. Nagulat ako nang may humila saken pabalik sa pwesto ko kanina at tinakpan ang bibig ko. Hahampasin ko sana sya ng handgun ng pigilan nya ang kamay ko. 

Dun ko lang na realize na si ninja guy pala toh. Medyo kumalma na ako kaya tinanggal nya na ang pagkakatakip sa bibig ko.

"Paul? Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko. "Dapat ako nagtatanong nyan sayo. Bat ka bumalik? Di mo alam kung anong pinapasok mo" panenermon nya saken. Kahit gustong gusto ko sya sigawan di ko magawa kase baka malaman nya pa kung ano talaga ako. Tsaka ano daw? Pinapasok? "Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko. Pero di nya na ako sinagot. Sinilip nya rin kung meron pa bang aramdong lalake.

"Naka-pasok na sila ng Campus. Aubrey, umalis ka na" nasisiraan ba sya ng bait? Bat ako aalis kung eto na maglelead saken sa may hawak ng file?

"Ayoko" matigas na sabi ko. Napasabunot naman sya sa buhok nya. "Look this is not the time para magsermon ako sayo. Just listen to me once and for all!" sinisigawan nya na ako ngayon. It was a concern-shout. "Wala kang karapatang utusan ako" umalis na ako sa pwesto naming dalawa at pumasok na sa campus.

(Brey, papunta sila sa principal's office)

Principal's office? Bat dun— Nagulat ako nung may humampas saken sa likod. Bumagsak naman ako sa sahig. Tinignan ko kung sino, dalawang lalake lang naman na galing sa van kanina. Babarilin nya na sana ako nang bigla kong sinipa yung baril na hawak nya kaya tumilapon. 

Tumayo ako agad at akmang susugurin na sya nung biglang hilahin nung kasama nya yung buhok. Bat ba trip nyo buhok ko?! Hinayaan ko lang na mapalapit ako sa kanya hanggang sa nakaisip ako ng paraan. Hilahila nya parin buhok hanggang sa pumunta ako sa likod nya at ginapang ko ang braso ko sa leeg nya mula sa likod.

 At sinakal. Ginamit ko buong lakas ko para mabalibag ko sya. Yung parang sa wrestling. Napasigaw sya saket nung bumagsak sya sa sahig. Di ko na inantay na makatayo sya at binaril na.

Sinugod naman agad ako nung humampas saken. Susuntukin nya ako kaso napigilan ko pa kamay nya kaya ako na nagbigay ng isang uppercut sa mukha nya. Nakarecover naman sya agad at sinuntok ako sa tyan. 

Napa-atras ako sa sakit, lumapit sya saken na galit na galit pero bago pa man matuloy gagawin nya saken inapakan ko sya sa paa. Yinakap ko sya saka pinaputukan ng tatlong beses. Bago pa man sya napapikit may sinabi pa ako.

"Its just a sweet farewell" sabay punas ng dugo sa gilid ng labi ko tas tulak sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pricipal's office. Nasa tapat na ako ng pintuan netoh, ewan ko pero parang ayaw ko pumasok. 

May narinig akong mga putukan sa loob hanggang sa matigil ito. Pipihitin ko na sana yung doorknob ng may narinig akong nagsalita sa loob at sinabing.

"All of you are weak to come here then attack us" yun lang at narining ko pa ang isang putok ng baril. Naglakad na ako palayo sa pinto.

(Brey, may nangyare ba?! Asan ka? Pupuntahan kita) nagaalalang tanong ni Mia saken.

Pero di ko pinansin kase isa lang ang nasa isip ko ngayon. Di ko alam kung nababaliw ba ako o ano pero ..

Parang ka-boses kase ni Axel yung nagsalita kanina sa loob.

Aubrey, kailangan mong linisin tenga mo. Baka mali ka lang ng dinig.

~~~

Hiiii, Sorry ngayon lang naka-UD. Anwys, pm nyo ko kung gusto nyo ng dedications :**

So si Axel ba talaga yon? Comment nyo nga hihi :** Don't forget to vote! Arigato!

-Sayki

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon