Chapter 20

15.9K 459 1
                                    

CHAPTER 20

"Brey? Sigurado ka bang kaya mo na?" paninigurado ni Mia. May malaking pasa kasi sa kanang braso ko dahil sa pagpalo nung mga lalake kagabi. Isa pa tong si Mia kanina pa tanong ng tanong. "Makulit lang Mia? Okay nga lang ako" nginitian ko na para tumigil.

"Aubrey, wala kang gagantihan ngayong araw natoh maliwanag?" paalala nya saken.

Sinermunan kase ako kagabi ni Mia. Wag ko nalang daw patulan para di na madagdagan sugat ko. At dahil nakukulitan na ako dito kay Mia umu-Oo nalang ako para matahimik na. Papunta na kami sa Science Lab.

 Yung pasa ko? Ayun agaw atensyon sa laki. Sinubukan naming takpan gamit ang concealer pero di umepekto. Edi wag!

Pagpasok pa lang namen sa Lab yung mata nila naglanding agad samin ni Mia. Alam nyo ba na laging ganto ang scenario pag kami na papasok ni Mia? Asar diba?

Pumunta na kami sa assigned places namen ni Mia. As usual, hiwalay kami ng pwesto. Nakatingin lang ako sa microscope na nasa harap ko pero yung utak ko lutang.


San ko ba mahahanap yung Daphne na yun?

Sinasagad nya talaga pasensya ko ah? Pasalamat sya at may usapan kami ni Mi—


Napatigil ako sa kakaisip nung may humawak sa balikat. "Okay ka lang Aubrey?" si Meghan pala. Pati yung barkada nya nasa likod lang na nakatingin din saken. "Ayos lang" matabang na sagot ko.

"Ok class. Lets start!" halos pasigaw na sabi ng science teacher namen. Malaki kasi tong lab kaya impossibleng di ka sisigaw para lang marinig ng lahat. Nakita kong bumalik na sila Meghan sa pwesto nila at umupo na. Ganun nalang din ginawa ko. Medyo masakit pa din yung part na napalo ako ng baseball bat. Metal kaya yun tsss.

Isa isang lumapit samen si Maam sabay bigay sa test papers. Obviously, sasagutan namen. Nung turn ko na para bigyan ng test paper saglit na napatigil si Maam sabay titig saken. Binigyan ko naman sya ng Bakit-Look.

"Are you okay Ms. Aikawa? Namumutla ka ata?" nag iwas naman agad ako ng tingin. Actually kanina pa masama pakiramdaman ko. Pag kagising ko pa lang parang ang bigat na ng katawan ko. "I'm fine" malamig na sabi ko. Di naman sya kumontra pa at binigyan na ako ng test paper. Tinignan ko naman kung ilang items ang dapat sagutan.


What the hell?! 120 items?!


Nagstart na akong mag answer para naman mabawasan tong 120 items. Biglang nagsalita si Maam. "I'm giving you 1 hour and 30 minutes to answer that test" paalala nya. Psh!


I took a glanced at Mia na seryosong seryoso sa pagsasagot. Kunwaring nagiisip at kinakagat kagat pa yung ulo ng hello kitty ballpen nya. Nagpatuloy nalang ako sa pagsagot para matapos na.


After 30 minutes

Patuloy lang ako sa pagsulat ng bigla akong makaramdaman ng hilo. Tumayo nalang ako bigla at naglakad papunta sa pinto ng lab para lumabas. "Miss Aikawa, where are you going?!" galit na sigaw ni Maam saken pero sinamaan ko lang sya ng tingin at tuluyan ng lumabas. Mas lalo ko pang naramdaman ang hilo pag labas ko.

Ang nasa isip ko lang ngayon ay makapunta sa rooftop. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa di ko na kaya at nag shutdown na ang katawan ko.

Pero di ko manlang naramdaman na dumikit yung katawan ko sa semento. Unti unti akong umangat kaya minulat ko ang mata ko.

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon