CHAPTER 18
Imbis na makatanggap ulit ako ng punishment, nagkwentuhan lang kami dun sa SSG Office. Nakilala ko si Michael. Matangkad, katamtaman lang yung kulay ng kutis at maganda ang boses.
Si Terrex. Ang bansag 'daw' sa kanya dito sa school ay "Prince of cuteness" yuck.
Nakilala ko din si Caleb. The shy type guy pero may napaka-poging smile. I also met Arthur medyo may pagka weird ng konte. Next is, Sam the youngest of them all pero mas matured din kesa sa kanilang lahat.
Next Louis and Will. The Brothers. Nalaman ko na ang pangalan pala ni girl na may gandang panghollywood ay Meghan Yana Cole.
"Mabalik tayo sa ginawa mo kay Daphne. Astig!" commento ni Terrex. "Syempre naman. Si Aubrey ko pa" sabat ni Dean. Sinamaan ko naman sya agad ng tingin dahil sa 'Aubrey ko' statement nya. Kapal talaga. "Ohemgee, your so ganda then so cool pa hihi" sabi naman ni Meghan. Bat ang conyo nya? Tsss.
"Walang cool dun kase laruan lang yung baril" bored na sabi naman ni Paul. Bat ba lagi syang kontra saken? Namumuro natoh ah. Isa na lang papatalsikin ko na toh sa earth.
"Knock it off, lets go back to class" malamig na sabi naman ni Axel sabay labas ng SSG office. Nagkibitbalikat lang silang lahat. Tumayo na kami at lumabas na rin saka pumunta sa kanya kanyang klase. Mga 2 hours din kaming nakatamabay dun. So bale dalawang periods na nalaktawan ko. Ano nanamang i-eexcuse ko?
"Aubrey, una na kami ah. Nice meeting you pala" rinig kong sabi ni Michael. Nginitian ko lang silang lahat tas pumunta na sila classroom nila pero nagpaiwan si Axel kaya kami nalang ni Axel ang nandito sa corridor. Ano nanaman kailangan nito?
Biglang syang naglakad papalapit saken sabay bigay ng isang papel. Tinignan ko naman kung anong nakasulat. Excuse letter galing sa SSG President.
Tinignan ko naman sya pero pagtingin ko wala na sya sa harap ko. Wala naman akong mapapala kung tatayo lang ak ditto at di papasok kay pumunta na din ako sa next class na pwede ko pang masalba.
Naglakad na ako papunta sa classroom. At nandun silang lahat nakaupo at nakikinig sa teacher. Pumasok na ako ng walang takot. Naramdaman kong lahat sila ay nakatingin saken pero nagpatuloy lang ako sa pag lalakad papunta sa table ng teacher sabay abot ng papel na binigay ni Axel. Di ko na inantay ang sagot o reaksyon nya at umupo na ako sa tabi ni Mia.
"San ka galing? Bat ka nagcutting?" bigla naman akong napatingin kay Mia. "Cutting? Excused ako. EXCUSED" mahinang sabi ko sa kanya na may halong inis. "San ka ba talaga galing?" eto na nanaman tayo. Iniinterview na ho ako ni Mia Gilbert.
"Sa SSG Office" casual na sabi ko. Nanatili akong nakatingin sa matandang teacher namen na patuloy parin sa pagtuturo ng nakakapagod na leksyon na yan. "Anong ginagawa mo dun?" tanong uli ni Mia.
"I've just met the cool kids" direct to the point na sagot ko. "Talaga? Tas anong nangyare? Chika mo bilis!" excited na sabi nya dahilan para masaway sya ni Maam. "Ms. Gilbert! May gusto ka bang i-share samen?"
"Wala naman Maam hehe"
Napailing nalang ako. "Chika mo na bilis. Hinaan mo lang boses mo" wala naman akong choice. "Akala ko bibigyan nanaman ako ng punishment ni Axel pero nauwi sa pakikipagkwentuhan kasama ang tropa nya." biglang namang nag salita si Mia.
"Teka, akala ko ba may deal kayo ni Axel?"
"He's the SSG President Mi" binalewala ko ang tanong nya. Halatang na-shock sya pero naka-recover naman agad. "Pati si Dean at Paul ay kasama sa barkada nya"
"Ano ba yan! Bat ang dami mong dalang balita?" natatawang sabi nya. Naramdaman kong may nag vibrate sa ilalim. Kay Mia ata yun. Pascreto nyang tinignan yun sabay tingin saken tas tingin sa pinto. Tumango lang ako. Para lang kaming naguusap sa tingin.
"Maam, may we go out?" pagpapaalam ni Mia pero halatang nagmamadali. Tumango lang si matandang teacher kaya hinila na ako ni Mia palabas ng classroom at tumakbo papunta sa dorm namen. Nakasunod lang ako sa kanya. Nung makarating na kami bigla nalang syang umupo sa swivel chair nya at humarap sa tatlong laptop.
Ako naman kumuha ng isang handgun at nilagyan ng mga bala.
"Brey, may pumasok na tatlong kotseng itim." kung pinapasok sila it means kilala sila ng mga guard. Binitawan ko yung baril at kumuha nalang ng tatlong maliit na kutsilyo. "Anong mapapala ko jan?" bored na tanong ko. Baka mauwi nanaman toh sa wala. "Pano mo malalaman kung di mo susubukan?" pagtataray naman sakin ni Mia.
Wala naman akong choice pero may point din naman sya. "Tsss fine" nilagay ko na yung tatlong kutsilyo sa may hita ko.
Hindi naman kita kasi natatakpan ng palda ko. Nilagay ko na ang earphones ko para marinig ko ang sinasabi ni Mia. Pagkatapos kong ikabit yun lumabas na ako sa dorm at naglakad palabas ng building.
(Sa pricipal's office)
Nanaman? Tssss. Di na ako sumagot at naglakad nalang papunta sa prinicipal's office. Yung ibang estudyante nakatambay lang din sa corridor. Wala atang klase. Liliko na sana ako para makarating sa office nung may biglang humawak sa braso ko.
"Where are you going?" si Axel nanaman? Ilang beses ba sa isang araw ko sya makikita? Nakasama ko sya sa morning for 2 hours. Don't tell me another 2 hours nanaman ngayon? Sinubukan kong alisin yung kamay nya na naka hawak sa braso ko pero masyadong syang malakas kaya di ako nagtagumpay. "Bitawan mo ko ngayon na" malamig na sabi ko sa kanya pero parang wala lang syang narinig.
"I'm asking you. Where are you going?" ulit na tanong nya.
(Brey ...) rinig ko nerbyos na tawag saken ni Mia at baka di ko na maabutan ang hinahanap ko.
"Wag kang makealam Ax—" napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa nagsalita sa harap namen ni Axel.
"Hi son. Who's this lucky girl?" biglang sabi ng isang babae na super ganda at sa tabi nya ang isang lalake na may hawig kay Axel. Napatingin naman ako sa likod nila. At andun si Daphne na nakasimangot.
"Girlfriend mo Axel?" tanong nung lalakeng nasa tabi ng magandang babae.
Wait, what?! Girlfriend? "Are you nuts?!" inis na sabi ko. Girlfriend nyo mukha nyo letse.
"Show some respect Aikawa" he hissed at me. "She just nothing" bored na sabi nya sa tatay nya. "So tita, tara na po?" sabat naman ni Daphne sa likod nila. "Ah! By the way this is Daphne. Axel's soon to be girlfriend kung di ka pala nya girlfriend hihi"sabi naman ng mama nya. Ano? Soon to be girlfriend?
Napatingin naman ako ng di oras kay Axel. Ewan ko ba pero bat naiinis ako sa pagmumukha nilang lahat? Sa asar ko marahas kong tinanggal ang pagkakahawak ni Axel sa braso ko at tinalikuran silang lahat.
(Brey? Nahanap mo na?)
Ngayon ko lang napansin na ngayon ko lang din nakita ang magulang ni Axel dito sa campus. Which means ...
"Its Axel's parents"
***
Sorry kung may typos guys hihi ^^v
-Sayki
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.