Chapter 15

16.3K 470 3
                                    

[ Hi, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Para makabawi, dedicated tong' chapter 15 sayo hihi :* ]


CHAPTER 15

Aubrey's POV

Andito lang kami ni Mia sa classroom at nag-aantay ng teacher namen para sa 2nd period ngayong umaga. Na-drain energy ko sa Math langya.

"Okay ka lang, Brey?" tanong ni Mia sa tabi. As usual, kaming dalawa lang lagi ang magka-vibes. Ewan ko ba sa ibang classmates ko. Di naman ako nangangagat ah. Psh! "Ayos lang. Medyo napagod lang sa Math" honest na sagot ko. Bigla kaming napatayo lahat nung pumasok yung terror teacher namen.

Pero bago pa man makarating sa teacher's table si Maam ay may biglang pumasok at nilagpasan si Maam. Then I realized it was ....


Axel Alvarez.


Nakita kong naglakad sya papunta sa dereksyon namen ni Mia. Nasa harap ko na sya ngayon. Nakikita ko sa mata nya ang galit. I guess, nalaman nya na ang nangyare sa locker kaya sya sumugod dito.

Biglang sumigaw si Maam. Terror. "Mr. Alvarez?! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" tinignan ko naman sa mata si Axel na nakatingin pa rin saken. "Shut up, old hag. That woman, did something cruel to me" matigas na sabi nya habang nakatingin saken. Walang respeto! Ano daw? Old hag tawag nya kay Maam? Edi wow


Teka, bat kilala din ni Maam ang isang toh? Ganun ba sya ka famous? Wala namang ka famous famous sa pagmumukha netoh eh.

Parang natigilan naman si Maam sa sinabi nya sabay tingin sakin ng masama na parang sinasabing Kasalanan mo toh-Kaya natawag akong-Old hag. Napatigil ako sa pagiisip nung hinawakan nya ng sobrang higpit yung braso ko. Hihilahin nya na sana ako paalis ng biglang hinawakan ni Mia yung kabilang braso ko. Ano toh? Tug of war?

"Let go" malamig na sabi nya ka Mia. Ayokong madamay si Mia dito sa away namen. "Its okay Mia" pagrere-asure ko sa kanya. Naramdaman kong lumuwang yung pagkakahawak ni Mia at tuluyan ng bumitaw. Hinila na ako palabas ni demonyo.

"So nalaman mo na pala?" nagawa ko pa ring asarin sya kahit masakit na yung pagkakahawak nya sa braso ko. Di sya sumagot kaya nag patuloy ako.


"Anong nakita mo sa loob?" di pa rin sya umimik. "Masarap ba tignan? Para saken, hindi eh. Kasi yung uniform may chocola-" napatigil ako sa pangaasar when he pinned me on the wall then kissed me hard.

Y-yung first ko nawala na. At sa demonyong toh pa napunta. He broked the kiss right away. Tinignan nya ako ng masama. "As much as I want to hurt you right now, I still need to keep my patience on track coz' were still at campus. So shut the hell up" tumayo ata balahibo ko sa batok pagkasabi nya nun. Hinila nya ulit ako palabas ng building namen.

Nagpatangay na lang ako kase hanggang ngayon naiwan ata utak ko dun sa pwesto namen kanina. Right now, I hate him.

Di ba nila alam na mahalaga ang first namen?! Bopols ba sila para nakawin lang yun ng ganun ganun?! Palibhasa tong demonyong toh malandi kaya di nya alam yung halaga nun. Parang mas nabawasan energy ko sa nangyare.

Napatigil ako sa pag-iisip nung nasa tapat na pala kami ng isang Black McLaren na kotse. "Get in. Now" pumasok naman agad ako sa frontseat. Ayokong mag drama kaya tumingin nalang ako sa labas.

Naramdaman kong pumasok na rin sya sa driver's seat at nagstart ng paandarin tong kotse. Teka, Monday ngayon ah. Kaya di kami pwedeng makalabas.

Nasa may guardhouse na kami. Binaba nya ng konti yung window nya, sapat na para makita ng guard mukha namen. Nakita kong tumango lang ng konti yung guard kaya sinara nya na yung window. Tumingin nalang ulit ako sa labas ng walang ka emo-emosyon. Di ko alam kung san kami pupunta ng demonyong toh. Bahala sya.


As usual dumaan kami sa malagubat ng lugar bago makalabas at makita ang mga totoong bahay. Totoong building, totoong daanan. Di ko pa naman nadala yung bag ko. O kahit cellphone manlang para matawagan ako ni Mia. Lintek na lalake kasi tong nag dridrive.


Bigla kong pinindot yung button para bumaba yung window ko. Gusto ko makalangahap ng hangin, maaga pa naman eh. Nadaanan namen ang isang malaking billboard. Naalala ko tuloy yung isang misyon ko na kailangan kong tumalon mula sa isang billboard kahit alam kong di ako mapapahamak.


Biglang tumigil tong kotse nya sa isang Ice cream shop.


"I'm sorry. I shouldn't do that" narinig ko ang mahinang boses nya. Kaya bigla akong napalingon sa kanya. Totoo ba toh? Nagsosorry sya? Weh?


"I know your upset that's why I thought I could brought you here" yun lang ang sinabi nya sabay labas. Akala ko pagbubuksan ako ng pinto pero mali. Dumeretso sya sa loob ng shop. Wala talagang respeto kahit kailangan. Sinira nya yung moment eh! Epal talaga.


Naiinis na binuksan kong ang pinto ng kotse at sinara ng padabog. Naglakad na lang ako papasok sa shop. Nakakahiya kase naka-uniform pa kami. Baka sabihin ang aga aga nag cucutting na kami agad. Tas pangalan ng Brayden Academy yung mapapahiya. Enebenemenyen! Nakita kong prenteng-prente syang naka upo sa upuan habang nagtatatype sa phone nya.


Marahas na umupo ako sa harap nya. Tinignan nya ako saglit tas binalik ang tingin sa phone. "Nagsasayang lang tayo ng oras. Alam mo yun?" mataray na sabi ko sa kanya. Eh sa totoo naman.

"Kung ginagawa mo toh para makabawi pwes di uubra toh saken" this time nilagay nya na yung phone sa bulsa nya sabay tingin saken. Sakto namang dumating ang inorder nya na ice cream. Favorite ko pa na cookies n' cream.


"Eat before we can have a serious talk about what you did back at my locker"

Tsss, locker mo mukha mo. Di nalang ako sumagot at kinuha nalang ang ice cream sabay subo. Kung tutuusin nga maliit na bagay lang yan kesa sa pinagawa nya saken sa detention room.

But what happened earlier was really unexpected. I never expected na mag sosorry sya dahil sa paghalik nya saken. Kahit papano may nalaman ako tungkol sa kanya kahit sobrang mysteryoso nya.

Nalaman ko na marunong syang magsorry pag alam nyang nasa mali sya. I guess, that's a good thing though.

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon