Chapter 7
"Anong walang taste? Nakikita mo ba ang babae sa harap mo Paul? Titigan mo kaseng mabuti" natatawang sabi nya sa kay Paul daw.
Its him. Yung lalakeng naka-sparring ko kagabe sa likod ng school building. Ano daw? Walang taste?! So pangit ako ganun?
"Listen ninja guy. Wala kang alam kung sinong kinakalaban mo" matigas na sabi ko sa kanya. He just shrugged at bumalik sa upuan nya. Ang lakas lakas pa rin ng tugtog dito sa loob.
"Wala ka pala Paul eh! Hahahaha" asar nung katabi nya. Sinamaan nya lang ako ng tingin. Sya pala si Paul "Magkakilala kayo? Tsaka ninja guy? Close kayo?" tanong naman ni Dean habang inaaya akong umupo kasama ang mga gung-gong natoh. Nagkibit-balikat lang ako. Eto ang dahilan kaya ayaw ko pumunta eh. Tsk Tsk pahamak na Mia. May tumabi naman sakeng babae. Maganda sya. Pang Hollywood ang dating.
"Ohemgee, soon to be girlfriend ka ni Dean? Totoo?" excited na tanong nya saken. "Hindi" sagot ko nalang. Para namang na down sya sa sinabi ko. Eh sa hindi naman talaga mangyayare yun eh. Nag excuse lang ako sa kanila para mag-CR. Pero ang totoo? Gusto ko na tumakas kaya lumabas ako. Di ko pa rin mapupuntahan si Mia kase pag ginamit ko yung stairs sa loob hihilahin nanaman ako pabalik ni Dean. Andito na ako sa labas ngayon.
Patingin tingin ako sa paligid kung may mahahanap ba ako para maka-punta kay Mia. Kaso wala naman akong nakikitang way para mabigay toh sa kanya kaya napagdesisyunan kong antayin nalang matapos yung party. Antayin ko na lang na baka sakaling lumabas si Mia.
Naglakad ako sa mini-park ng school kung saan medyo malapit lang sa MH Hallroom. "Uhhh. Wag dyan nakakakiliti ahh" I heard someone moan. What the hell people?! Napatago tuloy ako sa likod ng isang pader na sa isang building. Sinilip ko naman kung san nanggagaling yung boses ng babae. Wait, why am I hiding anyway? Geez, this is awkward. "More A-Axel. More" nung nakahanap na ako ng maayos na angle para makita kung sino ang babaeng ewan na umuungol. Sa bandang puno ata sila. Nagulat ako nung makita ko na kung sino sya.
Si Ma'am na laging mainit ulo saken.
Di ko maaninag yung mukha nung lalake kasi gabi na rin. Ghad di ko kaya manood sa ginagawa nila. Kaya dahan dahan akong naglakad palayo na parang nakaupo parin. Basta ganon. Ng may natamaan pala akong balde na walang laman habang naglalakad. Eto na nga ba sinasabi ko pagmadilim eh. Now I'm in trouble. Umalingaw-ngaw yung pagkabagsak ng balde.
Asar! Sino ba kase maglalagay ng balde dito?! Di na ako nagdalawang isip at tumakbo na palabas ng building. Tumakbo lang ako ng tumakbo at di na nagabalang lumingon pa pabalik. Pabalik na sana ako MH Hallroom ng may biglang humila saken at sinandal ako sa pader na di gaanong malayo sa Hallroom. Akmang susuntukin ko na sya ng maaninag ko kung sino yun.
"Ikaw?" di makapaniwalang tanong ko sa lalakeng nasa harap ko ngayon. Siya yung naka-banga ko sa lab. Yung snob na lalake. "Why are you watching us?" malamig na tanong nya saken. Huh? Watching us— Don't tell me ...
"So you're that guy who's doing the thing to her? God you suck!" sigaw ko sa kanya habang inaalis yung dalawang kamay nya na nasa pagitan ng ulo ko tas naglakad na palayo sa kanya. "You do not talk like that to an Axel Alvarez. You're going to regret this" blinablackmail nya ba ako? Nilingon ko naman agad sya at binigyan ng bored look. "Well guess what, I'm not afraid of you and your silly blackmail thing. Get lost already" he's annoying folks. Di ko na sya narinig na magsalita kaya pumasok nalang ulit ako sa MH Hallroom at umakyat kung nasan nakatambay pa rin si Mia. Gusto ko nang matulog.
Kausap pa rin ni Mia yung lalake kanina. Lumapit ako sa kanila "Mia .." tawag ko sa kanya sapat na para marinig nya kahit malakas ang tugtog. Napalingon naman sya saken with wide eyes. "Brey?! Pumunta ka? Bat di mo sinabi?" sunod sunod na tanong nya saken. Nakapokerface lang ako at binigay sa kanya ang susi na naiwan nya. Napakamot naman sya sa ulo then she mouthed "sorry" tumango lang ako at bumaba na and as expected nakita ako ni Dean at hinawakan ako sa braso. Hihilahin nanaman ako netoh papunta dun.
"Aubrey, lets have some fun. Tara" pagyayaya nya ulit saken. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Bigla nyang tinaass ang dalawang kamay nya sa ere as a sign of defeat. "Fine fine. Osha, ingat" natatawang sabi nya tas tinalikuran na ako. Hay salamat, kung ganon lang pala kadali edi sana kanina ko pa toh ginawa. Lumabas na ako ulit ng Hallroom at naglakad na papunta sa dorm para matulog. Napalingon naman ulit ako sa pwesto kung saan nya ko pinagbantaan ni Axel ba yun? Regret huh? You gotta' be kidding me.
Sino sya para sabihin saken yun? Kainis ah. Isa pa tong teacher ko, di na nahiya. Teacher pa naman.
Habang paakyat papunta sa dorm makikita mo talagang halos walang ka tao tao dito sa building namen. Lahat ata yata talaga pumunta dun. Freshman welcome party lang naman yun ah! Nakarating na ako sa kwarto at napaisip na, wala pa rin akong idea kung sino may hawak ng files. San ba ko magsisimula? Parang matatagalan ata ako dito sa Academy.
Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Allison. Nakatatlong ring bago nya sagutin.
(Hi ate! Napatawag ka? Grabe I miss you na)
"I miss you too. Kamusta ka jan?" tanong ko sa kanya.
(Eto ayos lang. Minsan nadalaw si Ate Rose, minsan din kasama ko sya kumain ng lunch at dinner)
"That's good"
(Ate, pinakiusapan mo sya noh? Magsabi ka ng totoo) natatawang sabi nya.
I sighed before answering. "Yup. Can't help it. Baka mapahamak ka ng di ko alam"
(Nako ate! Madalas ko nang nasesense yung creepy vibes dito na sinasabi ko sayo! Kayo tawagan mo ko lage. Okay?)
"Puro ka kalokohan Allison anyways tawagan mo lang ako or si Ate Rose mo kung may problema jan okay?" sabi ko kay Allison. Creepy vibes? Ano ba yan?
(Oo naman. Sige ate, matutulog na ako. 11 pm na din may pasok pa ako bukas bye!)
"Bye Liz" then I hung up. Nagbihis na ako ng pantulog at humiga na sa kama. May klase rin ako bukas kaya matutulog na ako. Sana lang umuwi na si Mia.
**
Hi, sorry kung ngayon lang nag-UD. Medyo nabusy kasi sa school. Di bale, sisikapin kong mag-update ng maaga hanggat' maaari hahaha :** #721 in Action na tayo guys! Salamat, ganto pala feeling hahahh chos! <3
Feel free to leave a comment guys! Don't forget to press the vote. Hihi
-Sayki
BINABASA MO ANG
Assassination of the Mafia Heir
ActionShe seems to be an ordinary girl but in reality, she's not.