Chapter 9

17.5K 491 3
                                    

CHAPTER 9


Lumabas na ako dala dala yung backpack na puno ng hidden cameras. Dahan dahan akong naglakad papunta sa main gate ng campus. Sinisilip ko kada hallway kung may nadaan bang guard. Luckily, wala naman kaya tuluyan na akong nakalaas ng Dormitory Building namen.


Madilim at tahimik na sa labas. Tanging mga poste na lang ang nag bibigay ng mumunting ilaw.


Bigla akong napatago sa isang puno nang may nakita akong guard na nag-iikot. That was close.


Nung nalagpasan nya na yung puno na pinagtataguan ko agad naman akong naglakad palayo at pumunta sa main gate. Sinilip ko ulit kung may tao pa sa guardhouse.


Ayun tulog, kaya chance ko natoh. Pumunta ako sa likod ng guard house at dahan dahang umakyat pataas hanggang sa makaapak ako sa pader. Lumapit pa ako ng konti si bubong ng guardhouse at nilagay ko ang isang maliit na wireless hidden camera sa pinaka gilid netoh para di mahalata.


(Brey? San ka na) rinig kong tanong ni Mia sa kabilang linya. Di ko muna sya pinansin at pinagtuunang pansin ang pagbaba ko sa bakod. Dahan dahan akong bumaba at naglkad na palayo sa guardhouse. Nung medyo nakalayo na ako kinausap ko na si Mia.


"Hey, nalagay ko na yung isa sa main gate. San yung susunod?" tanong ko sa kanya habang tumitingin tiningin pa rin sa paligid kung may tao or guard ba.


(Sa Cafeteria ang next. Naka connect na ako sa Main Gate)

Di na ako sumagot at tinahak na ang daan papunta sa café. Papasok palang sana ako ng may biglang sumita saken na guard.

"Hoy, sino ka? Dis oras na ng gabi ah" napatigil ako sa pagbukas ng glass door ng café. Di pa rin ako lumilingon sa guard.


(Brey, may injection jan sa gilid ng bag na dala mo) mahinang sabi ni Mia.

Dahan dahan kong kinapa ang injection at biglang humarap sa guard. Di nya naman ako ma mumukhaan kase nasa madilim ako na part.


"Naliligaw po kase ako" mahinang sabi ko. I need to act. Lumapit naman sya saken. "Akin na I.D mo" sabi nya saken nang makalapit na ng tuluyan. Bigla kong pinulupot yung braso ko sa leeg nya at pinatalikod sya. Tinusok ko agad yung injection na sinabi ni Mia sa leeg nya. Naramdaman kong unti unting syang nanghina at tuluyan ng bumagsak sa sahig.


(Pampatulog lang yung ininject mo)

Binuksan ko na yung glass door ng café. San ko ba banda ilalagay yung cam? Sobrang laki kaya.


"San ko ba ilalagay?" tanong ko kay Mia.

(Maglagay ka ng isa malapit sa flouresent light tas isa sa entrance ng C.R)


"Bat sa C.R? Kamanyakan mo Mia" pang-aasar ko sa kanya habang inactivate yung boots ko.


(Shut up, Brey)


 Tumalon ako sa isang lamesa para makapunta sa kisame malapit sa flouresent. Nung naka upside down na ako. I bend my body forward para malagay cam. Nung matapos na ako. I deactivate the boots then did a back flip.

"Done" sabi ko habang umupo muna sandali. Nakakapagod kaya, bigat pa nang bag.


(Next sa principal's office)


Kung dati naliligaw pa ako dahil sa laki ng campus natoh. Ngayon di na kase kinabisado ko lahat habang may free time ako. Nagpunta na ako sa napaka-pamilyar na daan. Yung unang pinuntahan namen ni Mia.

Nasa harap na ako ng mala-gintong pinto ng principal. Madilim kase nakapatay na lahat ng ilaw, nagstart na akong magkabit malapit sa malagintong pinto.

"Done" mahinang sabi ko kay Mia.

(Boys Dormitory.)

 

Napangiwi ako sa narinig ko kasabay ng pagtayo. Wala naman akong magagawa, kailangan toh. Nagtungo na ako sa dorm ng boys. Sinilip silip ko muna bawat hallway kung may tao pa ba.


Brey, wala ng tao pag gantong oras.

I said to myself.


Naglagay na ako ng camera sa kada entrance ng dorm nila. Nung matapos na ako naglakad na ako palabas sa  dorm nila.


"Mia, I'm don—" napatigil ako sa pagsasalita nung may narinig akong ingay sa halaman. Kinuha ko ang handgun sa hita ko at tinutok ito sa halaman. Lumapit ako ng dahan dahan sabay sipa dito pero isang Siberian husky ang lumabas. Oh god! My fave. Dali dali kong binaba ang baril kasi parang natakot sya. Agad ko naman tong' nilapitan at yinakap. Ang bait. And it's a boy.

"Hey there. I'm sorry, I didn't mean it" pagsosorry ko habang hinihimas yung ulo nya. He's very fluffy. And damn cute, gusto ko tuloy syang iuwi sa dorm. Bigla nyang dinilaan yung kamay ko at tumakbo palayo saken. Awwwwww!

(Hoy Brey, okay ka lang?)


"Yea" maiksing sagot ko kahit na disappoint.

Naglakad na ako pabalik sa dorm namen para kabitan din ng cam. Pagkatapos nun, bumalik na ako kwarto namen ni Mia. Nakita ko naman agad sya na busy sa mga laptop na nasa harap nya. Nakikita ko na yung daanan kung san ko pinagkakabit yung cam. Sana may mahanap na akong clue this time.


Kumuha na ako ng damit pang-tulog at papasok na sana sa C.R ng magsalita si Mia. "Hoy! Anyare? Para kang nalantang bulaklak jan?" natatawang tanong nya saken.


Bigla kong naalala yung Siberian husky. Di ko nalang pinansin at pumasok na sa C.R. Napatingin muna ako sa sarili ko sa malaking salamin. Hagard na mukha ko. Nagstart na akong hubarin ang gun holster at tinangal na din ang mga baril at nilagay malapit sa lababo. Pumasok na ako sa shower room at nagstart na maligo kahit dis oras na ng gabi.

Pumasok nanaman sa isip ko yung Husky. Bat ba may ganon dito sa campus? May kakainin o matutulugan ba sya ngayong gabi? Kawawa naman yun. Nang matapos na ako mag shower nagbihis naman agad ako at lumabas na para matulog. Nadatnan ko pa si Mia na nakatingin sa kisame. Ano nanaman kaya nakain netoh?


"Brey, sa tingin mo makaka-alis agad tayo dito?" out of the blue na tanong nya. "Who knows?" then I shrugged. Di ko rin alam kung anong isasagot lalo na ngayon na walang wala talaga kaming clue kung saan o na kanino yung file.

"Habang patagal tayo ng patagal dito, unti unti na ding nababawasan ang Dark Dara" malungkot na sabi nya. Parang second family na din namen ang Dark Dara.


Humiga na din ako sa kama bago nagsalita. "Don't worry, mahahanap din naten yun agad. Trust me" pagsisigurado ko sa kanya.

Sana nga mahanap na agad.

 

 

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon